Dahilan Ang Mga Mapangahas na Video Games sa Pagiging Agresibo ng Mga Kabataan

Isinulat ni: Frances Calado


Persweysib

Maraming mga kabataan ngayon ang nagugugol ng kanilang panahon sa paglalaro sa kompyuter o mobile phones ng tinatawag na “video games”. Ang mga kabataan na nasa edad na 8 hanggang 15 ang nahuhumaling sa masamang bisyong ito. Hindi lahat ng video games ay nakasasama sa kabataan subalit, marami sa mga pinaglalaruan nila ay nasasangkot ang pagbabarilan at pagpapatayan ng kapwa kalaro sa video games. Ang ganitong paglalaro ay nagdudulot ng mga alalahanin mula sa mga magulang. Nangangamba sila na baka maging mapangahas at agresibo ang kanilang mga anak. Makatuwiran lamang ang kanilang pag-aalala, sapagkat kapansin-pansin na mas malaki ang ginugugol na panahon ng mga kabataang ito sa paglalaro kaysa sa pag-aaral. 

Dahil sa murang edad, maaari nilang tularan ang anumang nakikita nila. Inihahalintulad din nila ang mga kilos ng mga tao na hinahangaan nila sa video games at kanilang tinutularan sa pakikipaghalubilo sa kapwa nila kabataan. Ginagawa nila ito sapagkat hindi nila masiwalat ang katotohanan laban sa kathang-isip na laro lamang. Hindi pa malinaw sa kanila ang konsepto ng tama o mali. Ang pag gaya ng mga ito ay humahantong sa pagsuway sa mga utos ng mga magulang. Maaari rin itong humantong sa paghampas, pagpalo o anumang uri ng pisikal na paglalaban sa mga tao na may awtoridad. Makikita ang ganitong pag-uugali lalo na sa mga kabataan na nais magrebelde sa kanilang mga magulang. 

Ang mga  video games ay pumupukaw din ng iba’t ibang emosyon sa mga kabataan na naglalaro nito. Ang mga damdamin na nararanasan nila ay ang sobrang galit at kalungkutan kung sila ay natalo at lubhang kasiyahan naman kung sila ay pumapatay ng kalaro at nanalo. Kung hindi nila alam ang tamang paraan ng pagsiwalat ng mga emosyon na ito, mas malaki ang posibilidad na ang kalabasan ay ang kanilang pagiging agresibo. Kung lalapitan sila ng ibang tao, lalong magagalit, at maaaring magkapikunan na maaaring humantong sa sakitan o di kaya ay kahindik-hindik na patayan. 

Ipinapakita na ang paglalaro ng video games ay isang negatibong impluwensya na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga kabataan. Nalululong ang marami sa kanila sa paglalaro at pagtigil sa pag-aaral. Dahil sa kanilang murang edad, hindi nila lubusang naiintindihan na hindi nila nararapat tularan ang anumang mapangahas na laro sa video games. Dapat imungkahi sa magulang na bantayan nila ang klase ng laro na natatagpuan sa kompyuter. Sapagkat, isa rin sa nakararaming dahilan ng pagkitil ng buhay ng mga kabataan ay ang negatibong epekto ng marahas na laro sa kompyuter.


Argumentatibo

Maraming mga kabataan ngayon ang nagugugol ng kanilang panahon sa paglalaro sa kompyuter o mobile phones ng tinatawag na “video games”. Ang mga kabataan na nasa edad na 8 hanggang 15 ang nahuhumaling sa masamang bisyong ito. Hindi lahat ng video games ay nakasasama sa kabataan subalit, marami sa mga pinaglalaruan nila ay nasasangkot ang pagbabarilan at pagpapatayan ng kapwa kalaro sa video games. Ang ganitong paglalaro ay nagdudulot ng mga alalahanin mula sa mga magulang. Nangangamba sila na baka maging mapangahas at agresibo ang kanilang mga anak. Makatuwiran lamang ang kanilang pag-aalala, sapagkat kapansin-pansin na mas malaki ang ginugugol na panahon ng mga kabataang ito sa paglalaro kaysa sa pag-aaral. 

Base sa isang pag-aaral ng American Psychological Association sa taong 2015, may koneksyon ang paglalaro ng mga bayolenteng video games sa pag-uugali ng mga kabataan. Mas madali silang magalit at magtampo. Ipinakita rin na 51 porsyento ng pangkalahatan na 350 kabataan, 8 hanggang 11 taong gulang galing sa Estados Unidos na lumahok sa pag-aaral na ito ay nakakaroon ng pagnanasang manakit ng ibang tao at maging palamura tuwing sila ay natatalo. Napatunayan nito kung gaanong kataas ang  antas ng pagiging agresibo ng mga kabataan pagkatapos nilang maglaro ng matagal. 

Sa pagpapatunay ng koneksyon ng mga mapangahas na video games at ang pagiging agresibo, hindi nag-iisa ang pag-aaral ng American Psychological Association. Marami pang mga ibang pag-aaral na nagpapatunay ng parehong paniniwala, ngunit marami pa ring mga tao ang hindi naniniwala sa mga tuklas ng mga ito. Ayon sa ulat ni Kevin Draper ng The New York Times,  isang argumento na kontra sa kaugnayan ng pagiging agresibo na dulot ng paglalaro ng mga marahas na video games ay mas maraming mga dahilan na maaaring maging sanhi ng pagtaas ng antas ng pagiging agresibo. Ang mga video games daw ay hindi lamang ang dahilan. Ayon naman sa pag-aaral ng Oxford Internet Institute, magkakaiba ang bawat bata. Iba-iba ang kanilang personalidad. Magkakaiba rin ang kanilang tugon sa karahasan. Sinasabi rin ng pag-aaral ng Oxford Internet Institute na ang paglalaro ng mga marahas na video games ay walang diretsahang koneksyon sa pagiging agresibo, sapagkat wala pang sapat na pag-aaral na makakapagpatunay nito. 

Bilang kontra sa mga argumentong ito, sinasabi sa isang pag-aaral ni Nicholas J. Westers, isang Psychologist na taga Estados Unidos na hindi naman sinasabi ng mga ibang pag-aaral na ang mga marahas video games ay ang nag-iisang dahilan lamang na nagdudulot ng pagiging mas agresibo ng isang bata. Sinasabi lang ng mga ito na ang mga ganitong paglilibang ay ilan sa marami pang ibang sanhi ng hindi magandang pag-uugali. Ngunit, hindi nagbabago ang patunay at  katotohanan na sanhi pa rin ito ng pagiging mas agresibo ng mga kabataan ngayon. Base naman sa isang pagsusuri ni Alexandra Sifferlin ng isang pag-aaral ng American Psychological sa taong 2015, natagpuan nila na kahit iba ang pag-iisip at pag-uunawa ng mga indibidwal na bata, ang kanilang proseso ng pag-iisip ay pareho. Halimbawa, kung interesado sila sa isang bagay, gawain o tao, kokopyahin nila ito. Ang ibig sabihin nito, ayon sa American Psychological Association na gagayahin ng mga bata ang anumang nakikita nila sa video games, lalo na kung nagsimula nilang laruin ito sa mas batang edad at walang pag-gabay ng mga magulang. Tutularan nila ang kilos ng mga karakter sa video games. Aakalain na sadyang tama ang makasakit ng kapwa dahil iuugnay nila ito sa pagkakapanalo sa isang laro. Maliban sa mga nabanggit, ayon sa ulat ni Melinda Moyer para sa Behavior & Society sa taong 2018 at sa ulat nina Lauren Goldbeck at Alex Pew para sa National Center for Health Research, bilang kontra sa pangatlong argumento, totoo na hindi kongkreto ang mga ebidensya na maaaring tiyakin kung ang marahas video games ay talagang sanhi ng pagiging agresibo o hindi. Ngunit, pareho ang mga pag-aaral ng mga kumokontra sa video games laban sa hindi kumokontra sa aspeto ng pag-iisip ng mga bata. Sumasang-ayon ang parehong panig na maaaring gayahin ng mga bata ang pagpatay ng ibang kalaro, kaya maaaring sabihin pa rin na may epekto ang mga ganitong video games sa pagiging galit at agresibo ng mga naglalaro. 

Ipinapakita na ang paglalaro ng video games ay isang negatibong impluwensya na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga kabataan. Nalululong ang marami sa kanila sa paglalaro at pagtigil sa pag-aaral. Dahil sa kanilang murang edad, hindi nila lubusang naiintindihan na hindi nila nararapat tularan ang anumang mapangahas na laro sa video games. Dapat imungkahi sa magulang na bantayan nila ang klase ng laro na natatagpuan sa kompyuter. Sapagkat, isa rin sa nakararaming dahilan ng pagkitil ng buhay ng mga kabataan ay ang negatibong epekto ng marahas na laro sa kompyuter.

Talasanggunian

  1. Moyer, W. M. (2018, Oktubre 2). Do Violent Video Games Trigger Aggression? Nakuha mula sa https://www.scientificamerican.com/article/do-violent-video-games-trigger-aggression/
  2. Snider, M. (2019, Augusto 9). Study Confirms Link Between Video Games and Physical Aggression. Nakuha mula sa https://www.usatoday.com/story/tech/news/2018/10/01/violent-video-games-tie-physical-aggression-confirmed-study/1486188002/
  3. Goldbeck, L. & Pew, A. (2019). Violent Video Games and Aggression. Nakuha mula sa http://www.center4research.org/violent-video-games-can-increase-aggression/
  4. Sifferlin, A. (2015, Augusto 17). Violent Video Games Are Linked to Aggression, Study Says. Nakuha mula sa https://time.com/4000220/violent-video-games/
  5. Oxford Internet Institute, (2017). Violent Video Games Found Not to be in Association with Adolescent Aggression. Nakuha mula sa http://www.ox.ac.uk/news/2019-02-13-violent-video-games-found-not-be-associated-adolescent-aggression
  6. Draper, K. (2019, Augusto 5). Video Games Aren’t Why Shootings Happen. Politicians Still Blame Them. Nakuha mula sa https://www.nytimes.com/2019/08/05/sports/trump-violent-video-games-studies.html
  7. Limos, M. A. (2019, Hunyo 4). Do Video Games Cause Violence? Data Points in the Opposite Direction. Nakuha mula sa https://www.esquiremag.ph/culture/tech/do-video-games-cause-violence-a00293-20190604-lfrm

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started