Vegan Diet: Mas Mainam para sa Kalikasan at Kalusugan ng mga Tao

Isinulat ni: Francine Jeanne M. Racimo


Persweysib

Ipalagay niyo, kailangan natin ng pitong milyong baka para pakainin ang buong populasyon ng mundo. Marahil ito ay isang pagmamalabis ngunit isipin niyo na lamang kung ilang hektarya ng lupa at galon ng tubig ang kailangan para pakainin at palakihin ang mga baka na ito. Hindi pa isinasangalang-ala ang greenhouse gases na naiaambag ng mga baka pati na rin ang transportasyon at kuryenteng ginagamit sa pagproceso at pagreserba ng mga karne nito.

Ang veganism, ayon sa Vegan Society, ay isang paraan ng pamumuhay na naghahangad na ibukod lahat ng anyo ng pagsasamantala at pang-aabuso sa mga hayop para sa pagkain, pananamit, at iba pa. Sa kasalukuyan maraming mga problema ang naidudulot ng labis na pagkain ng mga produktong galing sa mga hayop. Mas mainam ang vegan diet para sa kalikasan at mga tao dahil mas kaunti ang lupa at tubig na nagagamit nito at mas nakabubuti ito sa kalusugan ng mga tao. 

Ang pagkain ng produktong galing sa mga hayop ay nagdudulot ng maraming problema sa kalusugan, katulad na lamang, ng sakit sa puso, stroke, cancer, at pagtaas ng cholesterol. 

Marami ring masasamang epekto sa kalikasan ang malabis na pagkain ng karne at produktong galing sa mga hayop.

Ang agrikultura ng hayop ay isa sa pinakamalaking nag-aambag sa global na pag-init ng mundo at pag-iiba ng klima dahilsa mga GHGs na inilalabas nito. Malaki din ang kontribusyon nito sa polusyon ng tubig at lupa at pagkalbo ng mga kagubatan. Ito ay dahil marami sa mga pagkain na pinapatubo ay para sa pagkain ng mga hayop. Marami rin anti-biotics at dumi ang kinalang nilalabas na masama para sa lupa at tubig. Masayang din a ng agrikultura ng hayop sa tubig at lupa na nagdudulot ng pagkawala ng biodiversity.

Maraming mga benepisyo ang vegan diet sa kalikasan at kalusugan ng tao. Kahit hindi man lahat ay tuluyang kakain lamang ng gulay maari pa ring  makatulong ang pagbabawas ng pagkain ng produktong galing sa mga hayop at pagpapalaganap ng diet na ito sa ibang tao. 


Argumentatibo

Ang veganism, ayon sa Vegan Society, ay isang paraan ng pamumuhay na naghahangad na ibukod lahat ng anyo ng pagsasamantala at pang-aabuso sa mga hayop para sa pagkain, pananamit, at iba pa. Sa kasalukuyan maraming mga problema ang naidudulot ng labis na pagkain ng mga produktong galing sa mga hayop. Mas mainam ang vegan diet para sa kalikasan at mga tao dahil mas kaunti ang lupa at tubig na nagagamit nito at mas nakabubuti ito sa kalusugan ng mga tao. 

Mga Masasamang Epekto ng Pagkain ng Produktong galing sa mga Hayop sa Kalusugan

Maraming masasamang epekto ang naidudulot ng pagkain ng mga produktong galing sa mga hayop. Unang-una, ang pag-inom ng gatas ng baka ay nagdudulot ng tagihawat. Ang mga nakasasamang cholesterol na nagdudulot ng pagbara ng mga arteries at mga sakit sa puso ay nahahanap lamang sa mga pagkaing galing sa mga hayop. Ayon pa sa isang pag-aaral ng Harvard School of Public Health, kahit sa katamtaman na pagkain ng pulang karne ay magdudulot ng pagtaas ng pagkakuha ng Type 2 diabetes. Sa University of Adelaide natuklasan ng isang doctoral na estudyante na ang karne ay nagdudulot din ng obesity sa buong mundo kapareho ng asukal. Ang pagkain din ng karne ay nagtataas ng pagkakataon na magkaroon ng ischemic stroke ng 47%. Sa isang Harvard University 11-taon na pag-aaral, na may 45,000 na kalahok, natuklasan na pinuputol ng 32% ng vegetarian diet ang panganib na magkaroon ng sakit sa puso. At panghuli, noon 2015, inilagay ng WHO (World Health Organization) sa ilalim ng parehong kategorya kasama ng asbestos at paninigarilyo ang bacon sa pagdulot ng cancer.

Mga Masasamang Epekto ng Pagkain ng Produktong galing sa mga Hayop sa Kalikasan

Mabigat sa Paggamit ng Lupa at Tubig

Maraming mga tao ang kumakain ng produktong hayop kasama nito ay ang mga masasamang epekto sa kalikasan. Para lamang makagawa ng 1 lb ng karneng baka kailangan ng 16 lb ng halaman ang ipakain sa baka. Kung ikukumpara, kailangan lamang ng 25 galon ng tubig para magpatubo ng 1 lb ng trigo habang kailangan ng 2,500 galon ng tubig para makagawa ng 1 lb ng karneng baka. Ayon pa sa isang dokumentaryong, nagngangalang The Game Changers, 83% ng mga bukiran ay ginagamit sa pagkuha ng karne, gatas, at mga isda, kahit 18% lang ang naiaambag nila sa kaloriya ng mundo. Dagdag pa nito ang katunanayan na 80% ng mais at 95% ng  trigong pinapatubo ay pinapakain lamang sa mga hayop. Lahat ng mga baka sa mundo ay kumakain ng pagkain na kasing dami sa kinakailangang kaloriya para sa 8.7 bilyon na katao.

Nakikita dito na hindi mabisa ang pagpapalaki ng mga hayop para sa pagkain. Marami sa mga lupa, tubig at iba pang mga kagamitan ay pwede gamitin sa pagpapatubo ng mga gulay at halaman upang mapakain ng mas maraming tao at maaring malutas ang pagutom sa mundo. Higit pa maraming mga kagubatan ang pinuputol para sa agrikultura ng hayop. Sa katunayan ang 75% na pagkalbo sa Amazon rainforest ay dulot nito. Nagdudulot ito ng pagkawala ng biodiversity na kinakailangan ng mundo upang mapanatili ang buhay nito.

Figure 1. Sa Pagpalit ng Karneng Baka sa Mga Halaman sa Estados Unidos (bawat tao, bawat taon. Galing sa https://www.peta.org/about-peta/faq/how-does-eating-meat-harm-the-environment/

Emisyon ng GHGs

Ang agrikultura ng hayop ay nag-aambag din ng 5% sa greenhouse gases na inilalabas ng mga aktibidad ng mga tao. Bukod pa dito, 44% ng methane, na 34 na bese mas malakas kaysa sa carbon dioxide, ay galing sa pagpapalaki ng mga hayop. Binubuo ng 75-80% ng agrikultura ng hayop ang kabuuan ng sektor ng agrikultura sa paglabas ng GHG. Napapatunayan dito na malaki ang kontribusyon ng malabis na pagkain ng karne sa global na pag-init ng mundo at pag-iba ng clima. 

Polusyon sa Tubig

Ayon sa PETA, ang isang pabrika ng mga baboy ay nagtatapon ng basurang kasing dami ng isang lungsod na mayroong 12,000 na tao. Ayon pa sa Environmental Protection Agency ng USA, ang pagpapalaki ng mga hayop ang pangunahing pinanggagalingan ng polusyon sa tubig. Bukod pa dito, 7-9 na mas dami ang duming nilalabas ng buong populasyon ng mga hayop na pang-agrikultura kumpara sa buong populasyon ng mga tao sa buong mundo. Ang malala pa ay hindi ito naisasamtabi at nalilinis ng maayos na nagdudulot ng polusyon sa tubig pati na rin sa hangin. Maraming nakasasamang pesticides, antibiotics, at heavy metals ang nakakadaloy sa mga iba’t ibang mga katawan ng tubig. Nagdudulot ito ng kontaminasyon ng tubig na pang-inom, pagkasira ng biodiversity, at sinisira ang kalidad ng lupa dahil sa malalakas na kemikal.

Mga Maling Pananaw tungkol sa Vegan Diet

Ngayon marami ang nagsasabi na kulang sa sustansiya and diet na ito o hindi ginawang herbivore ang mga tao. Ngunit mali ang mga ito. May argumento na hindi ginawa ang mga tao para kumain lamang ng mga gulay. Ito ay hindi totoo. Ayon sa dokumentaryong The Game Changers, hindi katulad ng mga carnivores walang canines ang mga tao na ginagamit sa paghiwa ng karne at mahaba ang digestive track ng mga tao katulad ng mga herbivores. Mayroon ding trichromatic vision ang mga tao, ibig sabihin mas maraming mga kulay ang nakikita, na kinakailangan para makahanap ng sariwa at maayos na mga gulay at prutas; ang mga carnivores naman ay may dichromatic vision. Bukod pa dito, ang utak ng tao ay tumatakbo sa paggamit ng glucose, na nakukuha lamang sa mga halamang mayaman sa carbohydrates, hindi ito nahahanap sa mga produktong galing sa mga hayop. Sa katunayan, sa mga bagong pag-aaral nalaman na and diet ng mga unang tao ay punong puno ng mga gulay at prutas. Sa Gesher Benot Ya’aqov isang pook sa  hilaga ng Israel makikita ang iilan sa mga unang ebidensya ng kung anong kinanin ng mga naunang tao. Dito nahanap nila ang maraming mga plant remains. Ayon pa kay, Amanda Henry ng Max Planck Institute for Evolutionary Anthropology sa Leipzig, Germany, marahil ngang mas maraming gulay at mga halaman ang kinain ng mga naunga tao dahil karamihan sa mga nutrisyong kinakailangan ng mga tao ay nahahanap lamang sa mga halaman, katulad ng Vitamin C, at mga fiber. 

Sinasabi rin ng karamihan na kulang sa nutrisyon ang vegan diet at kulang sa protina at B12. Sa mga karneng kinakain ng mga tao saan nila nakukuha ang protina nila; hindi ba’t sa mga halamang kinakain din nila. Sa isyu naman ng B12, hindi lamang ang mga vegans ang kulang nito, pati na rin ang mga kumakain ng karne ay kulang sa B12. Ang B12 ay galing sa isang bakteryang nahahanap sa kapaligiran. Dati ito ay nakukuha ng mga tao sa mga halamang nakakainin nila na may kaunting bakas ng lupa. Ganito rin ang kaso para sa mga hayop. Dati nakukuha din ito sa paginom ng tubig na galing sa mga ilog. Ngunit dahil sa masyado nang malinis ang mga pinapakain sa mga hayop at dahil sa pesticides, chlorine sa tubig, antibiotics; namamatay ang bakteryang gumagawa ng B12. Kaya naman para makakuhang B12 kailangan ng mga tao uminom ng mga supplements. 

Hindi rin totoo na kulang sa enerhiya ang mga taong gulay at halaman lamang ang kinakain. Natuklasan nga na karamihan sa kinakain ng  mga dating Roman gladiators ay galing sa mga halaman. Marami ring mga kilalang atleta ay vegan katulad na lamang ni tennis player Serena Williams, ultra-marathon runner Scott Jurek, UFC fighter Nate Diaz at marami pang iba.  

Totoo na malaya sa pagiging perpekto ang modernong agrikultura at malaki pa rin ang epekto nito sa kalikasan mula sa paggamit ng kemikal na pataba at pesticide at pagbalot ng halamang produkto. Ngunit mas mabuti pa rin ito sa kalikasan kumpara sa pagkain ng produktong galig sa mga hayop. Ngunit maari namang gumamit ng mas eco-frienldy na pangbalot katulad ng dahong saging. Maari ring lumipat sa modernong permaculture and industriya ng agrikutura na mas mabuti sa kalikasan. 

Maraming mga benepisyo ang vegan diet sa kalikasan at kalusugan ng tao. Kahit hindi man lahat ay tuluyang kakain lamang ng gulay maari pa ring  makatulong ang pagbabawas ng pagkain ng produktong galing sa mga hayop at pagpapalaganap ng diet na ito sa ibang tao.

Talasanggunian

  1. Vartan, S. (2019 June 13). Why meat consumption isn’t sustainable. Galing sa https://www.mnn.com/food/healthy-eating/blogs/is-sustainable-meat-consumption-possible-no-heres-why
  2. Gibbens, S. (2019 January 16). Eating meat has ‘dire’ consequences for the planet, says report. Galing sa https://www.nationalgeographic.com/environment/2019/01/commission-report-great-food-transformation-plant-diet-climate-change/
  3. James Cameron, Arnold Schwarzenegger, Jackie Chan, Lewis Hamilton, Novak Djokovic, and Chris Paul (Producers), &  Louie Psihoyos (Director). (2018). The Game Changers [Motion Picture]. USA
  4. Baras. C. (2016 December 5). Ancient leftovers show the real Paleo diet was a veggie feast. Galing sa https://www.newscientist.com/article/2115127-ancient-leftovers-show-the-real-paleo-diet-was-a-veggie-feast/
  5. Dawson, A. (2018 November 2). These 19 elite athletes are vegan — here’s what made them switch their diet. Galing sa https://www.businessinsider.com/vegan-athletes-and-why-they-changed-their-diet-11#tia-blanco-surfing-13

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started