Pagbabawal ng Mga Zoo at Aquarium

Isinulat ni: Gretchen Marie C. Sarmiento


Persweysib

Taon-taon, libu-libong tao ay pumupunta sa mga zoo at aquarium. Nasisiyahan sila kapag nakikita nila ang mga hayop ng malapitan. Ngunit, naiisipan mo ba kung ano ang nararamdaman ng mga hayop habang sila’y nakakulong sa sarili nilang espasyo? Ang nakikita nila ay ang mga kislap ng camera at maliliit na tawa at pagkamangha mula sa mga tao. 

Karamihan sa mga hayop ay ninakaw mula sa kalikasan at nahiwalay sila sa kanilang mga pamilya sa mga unang taon ng kanilang buhay. Nagdulot ito ng kalungkutan at kalumbayan para sa mga hayop. Nakakaapekto ito sa sikolohikal at pisikal na aspeto. Halimbawa, nasisira ang mga ngipin ng mga hayop na galing sa dagat dahil kinakagat nila ang bakal ng kanilang kulungan. Sinasaktan din nila ang kanilang sarili dahil kinikiskis nila ang kanilang likuran sa matalim na fiberglass. Binubunggo din nila ang kanilang ulo sa bakal at fiberglass. 

Ang mga hayop ay nakakulong sa mga maliliit na espasyo, mas maliit pa kaysa sa kanilang likas na tirahan. Ilang mga hayop ay napipilitang matuto ng mga ‘tricks’. Hinahagupit at binubugbog sila kapag hindi sila gumagawa ng trick ng maayos. Dahil sila’y nakatira sa maliit na espasyo, naiinip at nabibigo sila kaya nagsisimula silang kumilos ng kakaiba at sa huli, nasasaktan nila ang kanilang sarili. Halimbawa, ang isang killer whale na may pangalang “Shamu” mula sa Florida SeaWorld ay nilunod ang kaniyang sariling trainer. Ang pag-uugali nito ay itinuturing na hindi likas. 

Ang mga hayop ay hindi dapat nakakulong sa mga zoo at aquarium. Nararapat silang manirahan sa kalikasan. Ang mga hayop ay nalulumbay dahil hindi sila nabibigyan ng kalayaan para mabuhay. Sinasanay silang gumawa ng mga bagay na hindi natural para sa mga hayop.


Argumentatibo

Higit sa 200 milyong tao ay pumupunta sa mga zoo at aquarium sa buong mundo, ayon sa Association of Zoos & Aquariums. (Association of Zoos & Aquariums, n.d) Nasisiyahan sila kapag nakikita nila ang mga hayop ng malapitan. Ngunit, naiisipan mo ba kung ano ang nararamdaman ng mga hayop habang sila’y nakakulong sa sarili nilang espasyo? Ang nakikita nila ay ang mga kislap ng camera at maliliit na tawa at pagkamangha mula sa mga tao. Ang ilang halimbawa ng mga masisikat na zoo at aquarium ay ang SeaWorld, San Diego Zoo, Philadelphia, Hong Kong Ocean Park, at iba pa.

Karamihan sa mga hayop ay ninakaw mula sa kalikasan at nahiwalay sila sa kanilang mga pamilya sa mga unang taon ng kanilang buhay. Nagdulot ito ng kalungkutan at kalumbayan para sa mga hayop. Naaapekto sila ng sikolohikal at nakikita ito sa pisikal na aspeto. (PetaKids, n.d.) Halimbawa, nasisira ang mga ngipin ng mga hayop na galing sa dagat dahil kinakagat nila ang bakal ng kanilang kulungan. Sinasaktan din nila ang kanilang sarili dahil kinikiskis nila ang kanilang likuran sa matalim na fiberglass. Binubunggo din nila ang kanilang ulo sa bakal at fiberglass. (Peta, n.d) Ang mga hayop ay nakakulong sa mga maliliit na espasyo, mas maliit pa kaysa sa kanilang likas na tirahan. Ilang mga hayop ay napipilitang matuto ng mga ‘tricks’. Hinahagupit at binubugbog sila kapag hindi sila gumagawa ng trick ng maayos. Dahil sila’y nakatira sa maliit na espasyo, naiinip at nabibigo sila kaya nagsisimula silang kumilos ng kakaiba at sa huli, nasasaktan nila ang kanilang sarili. Ayon sa National Geographic, may nagbalita na ang isang killer whale na may pangalang “Shamu” mula sa Florida SeaWorld ay nilunod ang kaniyang sariling trainer noong 2009. Ang pag-uugali nito ay itinuturing na hindi likas. (National Geographic, 2010)

Sasabihin ng ilang mga tao na hindi dapat ipagbawalan ang paggana ng mga zoo at aquarium. Mawawalan ng mga estudyante ng pang-edukasyon na lakbay.Kahit na hindi makikita ng malapitan ang mga hayop para sa mga estudyante, maaari pa silang pumunta sa internet upang magsaliksik tungkol sa mga hayop. Makikita nila ang maraming larawan at impormasyon tungkol sa mga hayop na makikita sa zoo at aquarium. Ang halimbawa ng mapagkakatiwalaan na website ay ang National Geographic or SanDiegoZoo.com. 

Ang isa pang bagay na maaaring sabihin ng mga tao ay ang mga zoo at aquarium ay mahusay sa pagkukunan ng pera para sa ekonomiya. Makakatulong ito sa turismo ngunit, may iba rin mga lugar pangturismo na nakakalipon ng pera katulad ng mga santuario. Hindi mo kailangang huliin at itago sa mga kulungan. Sa mga santuario, ang mga hayop ay nananatili sa kanilang mga likas na tirahan at makikita mo pa rin sila ng malapit. Ang isang halimbawa ng masikat na santuario ay ang SanWild Wildlife Sanctuary sa South Africa. Maraming turista ay pumupunta dito taon-taon. 

Natutulong ang mga hayop sa zoo kung may mga problema sila sa kalusugan. Kung sila’y may sakit sa parasito o impeksyon, matutulungan sila agad ng propesyonal na beterinaryo. Ang mga zoo at aquarium ay hindi ang lugar lamang para pagalingin ang mga hayop. Ang isang halimbawa ng lugar na matutulungan ang mga hayop na may sakit ay ang mga santuario sa buong mundo. (Lights, 2013)

Ang mga hayop ay hindi dapat nakakulong sa mga zoo at aquarium. Nararapat silang manirahan sa kalikasan. Ang mga hayop ay nalulumbay dahil hindi sila nabibigyan ng kalayaan para mabuhay. Sinasanay silang gumawa ng mga bagay na hindi natural para sa mga hayop.   

Talasanggunian

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started