Isinulat ni: Michiko Morada
Persweysib
Ang totoong buhay ay madalas na nakakainip at kailangang pasiglahin ang kabataan. Ito ang dahilan kung bakit mula pa noong unang bahagi ng 1970s, naglalaro ang mga bata ng iba’t ibang mga video games, at nakakagulat sa ilan, sapagkat may mga benepisyo sa paglalaro ng mga ito. Dahil pinapaligaya ng mga video games ang mga bata at tinutulungan silang makipagkaibigan, naniniwala ako na hindi dapat bawalan ng mga magulang ang paglalaro ng kanilang mga anak sa mga video games.
Napapawi ng mga video games ang pagod at tensyon. Mayroong iba’t ibang mga genre ng mga ito para sa mga bata sa kahit anong edad. Matapos ang isang mahaba at nakakapagod na araw ng mga klase at gawain sa paaralan, ang mga bata ay kailangang makapagpahinga. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng paglalaro ng kanilang paboritong video game. Para sa akin, ito ay isang pagganyak upang matapos ang mga takdang-aralin!
Ang pakikipagkaibigan ay mas madali din dahil sa mga video games. Marami nito ay may mga aspeto na sosyal tulad ng mga voice chat at mga chat room na maaaring makipag-usap at makipag-kaibigan dito. Kahit na hindi ka online, maaari kang maglaro kasama ang iyong mga kaibigan sa klase.
Hindi masama para sa mga bata ang paglalaro ng mga video games. Ang mga ito ay mga laro lamang at isang simpleng paraan upang magsaya, kahit nag-iisa ka man o kasama ng mga kaibigan. Kailangang malaman ng lahat na mabuti para sa mga bata na maglaro ng mga video games.
Argumentatibo
Ang totoong buhay ay madalas na nakakainip at kailangang pasiglahin ang kabataan. Ito ang dahilan kung bakit mula pa noong unang bahagi ng 1970s, naglalaro ang mga bata ng iba’t ibang mga video games. Dahil sa mga problema na dulot ng mga ito, ipinagbawal ng maraming magulang ang kanilang mga anak sa paglalaro ng mga video games. Kahit na ito’y may tinuturing na problema, mas marami pa rin itong pakinabang. Ang paglalaro ng iba’t ibang genre ay maging mabuti para sa kabataan dahil nagiging aktibo ang utak habang nababawasan din nito ang pagod at napapabuti din ang kakayahan sa pakikipag-usap. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat bawalan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paglalaro ng mga video games.
Una, nakakatulong ang mga video games sa paglaki ng utak. Napapabuti ang mga kasanayan sa paggawa ng desisyon at paglutas ng problema, lalo na sa mga may puzzles at mga mabibilis na video games. Ayon sa isang dyornal mula sa American Journal of Play, naitatag ng pananaliksik na ang mga manlalaro ng mga video games na may mga baril ay mas pokus at mas mabilis sa pagpili ng mga desisyon.
Pangalawa, napapawi ng mga video games ang pagod at tensyon. Mayroong iba’t ibang mga genre ng mga ito para sa mga bata sa kahit anong edad. Matapos ang isang mahaba at nakakapagod na araw ng mga klase at gawain sa paaralan, ang mga bata ay kailangang makapagpahinga. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng paglalaro ng kanilang paboritong video game. Sa isa pang dyornal na may pamagat na “The Benefits of Playing Video Games“, nabanggit ang kaugnayan sa pagitan ng paglalaro ng mga paboritong video games at ng pinabuting kalagayan sa mga tao, kasama ang mga bata.
Sa makatuwiran, ang mga video games ay nakakatulong na mapabuti ang kakayahan sa pakikipag-usap. Sa “The Journal of Computer-Mediated Communication”, naitatag ng mga mananaliksik na sa halip na maalis ang kakayahan sa pakikipag-usap, tumulong ang online gaming upang mahubog ito. Mayroong maraming mga video games na maaaring makipag-usap ang mga manlalaro at magkakasamang magplano. Nakapabuo rin sila ng pagpakaibigan dahil mayroon silang pangkaraniwang interes, ang paglalaro ng video games.
Isang problema ng mga magulang sa mga video games ay tila ito ang sanhi ng karahasan sa kabataan. Bagaman kinumpirma ng mga pananaliksik na mayroong koneksyon sa pagitan ng mga marahas na video games at pagtaas ng agresyon, hindi ito nangangahulugang ang mga video games ay nagdudulot ng marahas na pag-uugali sa mga bata (Calvert, S., 2013). Kahit na si Russell Shilling, pinuno ng mga siyentipikong opisyal sa American Psychological Association, ay sumasang-ayon na hindi nagiging sanhi ng karahasan ang mga video games. May suliranin din ang mga magulang sa pagkahumaling sa mga video games. Sabi nila na dahil sa mga ito, naguguluhan ang mga bata at apektado ang kanilang pang -araw-araw na buhay. Bagaman ito ay totoo, ipinakita ng mga pananaliksik na ang mga bata ay nasisiyahan sa 1-3 na oras na paglalaro ng mga video games sa isang araw, hindi hihigit at hindi kukulangin. Basta may takda ang oras sa paglalaro ng mga bata sa mga video games, ang pagkagumon sa mga ito ay hindi magiging problema at maaari ng mga bata gamitin ito bilang pagganyak. Sa wakas, naniniwala ang mga magulang na ang mga video games ay nagdudulot ng labis na katabaan. Upang makipagtalo sa argumentong ito, maraming iba’t ibang mga video games ay nangangailangan ng pagkakilos, tulad ng Wii sports. Ang mga ganitong uri nito ay tumutulong sa mga manlalaro na magkapagehersisyo.
Ayon sa maraming pananaliksik, ang paglalaro ng mga video games ay hindi masama, at talagang kapaki-pakinabang para sa kabataan at matanda. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat lubusang ipagbawal ng mga magulang ang mga ito. Mabuti para sa mga bata na maglaro ng mga video games, kahit na marahas, kung hindi ito abusuhin.
Talasanggunian
- American Psychological Association. (2015, August 13). APA Review Confirms Link Between Playing Violent Video Games and Aggression. Retrieved from https://www.apa.org/news/press/releases/2015/08/violent-video-games
- Eichenbaum, A., Bavelier, D., & Shawn Green, C. (2014). Video Games: Play That Can Do Serious Good. [PDF file]. Retrieved from https://www.journalofplay.org/sites/www.journalofplay.org/files/pdf-articles/7-1-article-video-games.pdf
- Granic, I., Lobel, A., & Engels, R. (2014). The Benefits of Playing Video Games. [PDF file]. Retrieved from https://www.apa.org/pubs/journals/releases/amp-a0034857.pdf
- Taylor, N., Jenson, J., de Castell, S., Dilouya, B. (2014). Public Displays of Play: Studying Online Games in Physical Settings. [PDF file]. Retrieved from https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/jcc4.12054
- Whitten, S. (2019, August 9). No evidence that violent video games are causing mass shootings, despite politicians’ claims. Retrieved from https://www.cnbc.com/2019/08/09/no-evidence-that-violent-video-games-are-causing-mass-shootings.html