Isinulat ni: Maxine Rae Marty
Persweysib
Sa isang siyudad sa Ohio, Amerika, mayroon isang batang na ipinalaki ng may ibang paniniwala. Ang kanyang nanay ay isang ‘anti-vaxx’ o isang tao na hindi pinabakunahan laban sa mga sakit. Sa kanyang pagkabata ang kanyang mga paniniwala ay katulad sa kanyang ina. Subalit ng magbinata na si Ethan Lindenberger, naunawaan na rin niya ang kahalagaan ng bakuna sa isang tao. Siya ay napabubakunahan sa gulang na labing walo na tinatawag ng legal age kahit na ito ay labag sa kagustuhan ng kanyang mga ‘anti-vaxx’ na magulang. Maraming siyang pinagdaanan bago niya nakuha ang kagustahang makapagbakuna dahil hindi niya kung paano ang tamang gawain at sino ang mga tanong dapat niyang lapitan tungkol dito. Ito ay nagbigay sa kanya ng pangnanais na ipaalam o ipalaganap sa iba ang kahalagaan ng pagkakaroon ng bakuna laban sa kahit anong sakit.
Hindi lamang ang kanyang mga magulang ang hindi sumasangayon sa bakuna, marami ring katulad ng kanyang mga magulang na hindi naniniwala sa pagbabakuna. Dito nabuo ang pangalan ‘Karen’ bilang representasyon sa mga magulang o tao na hindi sumasangayon sa anumang bagay na makakabuti katulad ng bakuna. Ang bakuna na paniniwalaang hindi makatulong kahit na may mga pagaaral dito.
Ang ‘anti-vaxx movement’ ay isang lumang usapin na hanggang sa ngayon ay lumala pa rin. Ang ‘ant-vaxx movement’ ay isang kaisipan o ideyolohiya na may hindi magandang dulot o epekto ang mga vaccines o bakuna at ito ang isa sa mga dahilan kung bakit may ‘autism’ at iba pang mga sakit. Simula ito bago matapos ang ikalabing -walong siglo dahil maraming tao na ayaw magkabakuna laban sa tigdas o ‘smallpox’. Ang kanilang dahilan kung bakit ayaw nilang ipagbakuna ang kanyang anak at sila ay ang kalinisan at paniniwala kasama na dito ang takot na naging dahilan ng mas maraming sakit. At ang pinag-ugatan nito ay ang maling paniniwala.
Isa sa mga importanteng bakuna ay ang laban sa Polyo o Poliomylettis. Ang sakit na ito ay maaring humantong sa pagkamatay ng isang tao. Ito ay maaring maiwasan sa pamamagitan ng pababakuna sa isang bata na hindi pa nakakapagaral. Ang pagbakuna laban sa Polio ng isang bata ay importante at dapat ipinapatupad ng gobyerno.
Mahalaga ipagbakuna ang isang bata laban dahil ito ay napatunayan ng siyensya ayon sa masusing pagaaral. Ang iba’t ibang klase ng bakuna katulad ng bakuna sa Polyo ay ligtas. At ang epekto ng pagkakaroon ng lagnat o walang ganang kumain ay pangkaraniwang epekto at hindi dapat ikabahala. At kung sakali ikaw ay magkasakit hindi ito dapat ikabahala sa pagkaprotektado ka laban sa paglala ng anu mang sakit. Ang pagkakasakit ng isang tao ay hindi lamang sa bakuna kung hindi dulot din ng iba’t ibang kadahilanan sa ating paligid. Ang benepisyo ng pagkakaroon ng bakuna ay nababawasan ang panganib. At kung walang bakuna mas maraming tao ay makaksakit at maaring maging dahilan sa kanilang kamatayan.
Karamihan ng mga bakuna ay binubuo ng inactive o hindi aktibong bakuna. Posibleng hindi na makakuha ng sakit dahil sa bakuna. Ang mga bakuna ay mayroong aktibong sangkap na ligtas gamitin at hindi posibleng makahawa ng sakit sa bakuna. Ano mang sangkap ay makakasama subalit kung ito ay nasa mas mataas ng porsyento o kahit na sa tubig. Anumang sangkap ng bakuna at ang dosis kung saan bawat isa ay nakatambad na sa ating kapaligiran. Ang mga binubuo ng mga bakuna kung titingnang mabuti ay nakakasama subalit kung mas marami ito ay mayroong tinatawag na “counter-acts” sa mga masasamang sangkap. Pero ang mga hindi makabubuting sangkap naman nito ay nasa mas mababang dosis lamang. Higit na mababa na maaring matunaw kapag nasa loob na ng katawan Sa dami ng hindi magandang bagay na kinakain ng tao, mas higit pa rin namang ligtas ito. Dahil dito ligtas parin ang pagbabakuna at walang pangunahing suliranin na dapat ikabahala para sa pagkakaroon kung pinabakuna ang isang bata.
Ang sakit na polyo ay maaring mawala sa ating bansa at sa mundo kung ang bawat bata ay mababakunahan laban sa sakit na polyo. Sa kasalukuyan ay mayroon tinatawag na ‘outbreak’ ng polyo sa bansa namuling nakita lamang pagkaraan ng dalawang-pu’t taon. Upang tuluyan mawala ang sakit na ito kinakailangan mapabakunahan ang higit sa siyam na pu’t limang na persyento ng kabataan mula sa gulang na dalawang buwan hanggang anim na taon. Kahit isang bata lamang ay hindi nabakunahan laban sa polio ito ay maaring makahawa sa ibang bata at ang tanging pagbabakuna ang makakatulong upang tuluyang mawala ito.
Upang mailigtas ang buhay ng mga bata dapat ipatupad ng gobyerno ang magpabakuna ang lahat ng mga Filipino. Pagka nakabakuna ang lahat ng mga batang Filipino mabawasan ang mga death ng mga bata. Kung mapapabakuna ang lahat ng mga bata sa Pilipinas pwede natin iwasan ang mga kamatayan ng mga bata at ang mga palubha na sintomas sa mga sakit. Ang mga bata ay isa sa mga may kahinaan pagdating sa kalusuganngtao dito sa mundo ngayon. Dahil sa mga kumakalat na marami at ibang mga sakit sila ay madaling maapektuhan. Dapat gumawa tayo ng paraan upang ma-protektahan sila. Sa pamamagitan ng tamang implementasyon ay maari itong mangyari at isa sa kinakailangan ay ang pagbabakuna sa lahat ng mga bata. Sa gawaing ito pwede natin maprotektahan ang mga bata at ang kinabukasan ng ating bansa.
Argumentatibo
Ang ‘anti-vaxx movement’ ay isang lumang usapin na magpa- hanggang sa ngayon ay lumalala pa rin. Ang ‘anti-vaxx movement’ ay isang kaisipan o ideyolohiya na may hindi magandang dulot o epekto ang mga vaccines o bakuna at ito ang isa sa mga dahilan kung bakit may ‘autism’ at iba pang mga sakit. Sinimulan ito bago matapos ang ikalabing -walong siglo dahil mas maraming indibiduwal na ayaw magkabakuna laban sa tigdas o ‘smallpox’. Isa sa mag dahilang kanilang sinabi ay kalinisan at mga paniniwalang pangrelihiyon o kaya naman ay politikal kasama na rin dito ang takot na maidudulit ng pagkakasakit.. At ang isa sa mga pinag-ugatan nito ay ang maling paniniwala. Maraming ang sumuporta ng ‘anti-vaxx movement’. Sa Amerika apat na pu’t limang persyento o dalawa sa limang Amerikano ay mayroon duda o hindi pag-aagam-agam tungkol sa mga bakuna. (The Harris Poll, 2019)
Isa sa mga mahalagang bakuna ay ang laban sa Polyo o Poliomylettis. Ang sakit na ito ay maaring humantong sa pagkamatay ng isang tao dulot ng komplikasyon. (Center for Disease Control and Prevention, 2019) Ito ay maaring maiwasan sa pamamagitan ng pababakuna sa isang bata na hindi pa nakakapag-aral. Higit sa labing-walong milyong tao ay maaari nang makapaglakad ngayon at hindi na magigingn lumpo dahil sa polyo at nasa 1.5 milyong kabataan naman ang nailigtas sa kamatayan dahil sa bakunang ito. Mula noong 1988, ang pandaigdigang kaso ng polyo ay bumaba ng higit sa siyamnapu’t siyam na porsyento. (WHO, 2019) Ang pagbakuna laban sa Polyo ng isang bata ay importante at dapat ipinapatupad ng gobyerno.
Mahalagang bakunahan laban sa polyo ang isang bata dahil ito ay napatunayan na ng siyensya ayon sa masusing pag aaral. Ang iba’t ibang klase ng bakuna katulad ng sa Polyo ay ligtas. At ang epekto ng pagkakaroon ng lagnat o walang ganang kumain ay pangkaraniwang epekto at hindi dapat ikabahala. At kung sakaling ikaw ay magkasakit hindi ito dapat ikabahala sapagkat sa protektado ka laban sa paglala ng ano mang sakit. Ang pagkakasakit ng isang tao ay hindi lamang sa bakuna kung hindi dulot din ng iba’t ibang kadahilanan sa ating kapaligiran. Ang benepisyo ng pagkakaroon ng bakuna ay nababawasan ang panganib. At kung walang bakuna mas marami naman ang magkakasakit at maaring maging dahilan sa kanilang kamatayan. Ang bakuna ay mayroong tinawag na “live organisms”. Isa sa mga epekto nito ay ang pagkakaroon ng hindi gaanong malalang sakit. Katulad ng ‘live oral’ polyo na bakuna pwede itong maging isang kaso ng polyo. Ang mga suporta ng ‘anti-vaxx movement’ ay nagsasabi na dahil dito, hindi ligtas ang pagbakuna ng mga bata at nasa bandang huli ay pagsisimulan pa rin ng mas maraming sakit na sa halip na maligtas ang bata ay nagdulot pa ng mas mabigat na problema. Pero ito ay hindi tama dahil isang halimbawa ng ‘buhay’ o live na bakuna ay ang ‘Chickenpox’. Itong bakuna ay nabuo para magkaroon ng maliit na ‘rash’ o pantal ang bata. Ito ay dahil ang ‘chickenpox’ ay isang sakit na hindi o bihirang bumalik pagkatapos nagkaroon na ang bata dati pa. At ang mga ‘rash’ ay maliit lang at ligtas dahil ito ay isang ‘incomplete’ na sakit. Ang epekto ng rash sa bata ay isang pagpapahiwatig na gumagana ang bakuna. Sa ‘live at oral’ polyo na bakuna hindi na ito ginagamit sa mga bata at bihirang magkaroon ng polyo ang bata pagkatapos ng makumpleto ang bakuna. Dahil dito ligtas pa rin ang pagbabakuna kahit mayroon mga ‘live organisms’ o patay na viruses dahil ito ay nagbibigay ng mas maganda kaysa negatibong apekto.
Karamihan ng mga bakuna ay binubuo ng inactive o hindi aktibong bakuna. Hindi posible na makuha ng isang tao ng sakit dahil sa bakuna. Ang mga bakuna ay mayroon aktibong sangkap. Hindi maaring makakuha ng sakit sa isang uri ng bakuna. Ligtas ang mga sangkap para maayos pangasiwaan. Anumang sangkap ay hindi maganda kung ito ay nasa mas mataas na dosis kahit na ito ay dami ng tubig lamang. Ang mga sangkap na nasa bakuna ay higit na mas mababa kaysa sa mga pangkaraniwang nasa kapaligiran. Pero marami ay magsasabi na hindi ba masama ang mga Ang mga bumubuo sa isang bakuna kung titingnan isa-isa ay masama pero marami pang ibang sangkap na tinatawag na “counter-acts” ng mga hindi mabubuting sangkap. Pero ang mga masasamang sangkap ay nasa mas mababang dosis lamang’. Higit na mas mababa pa sa mga bagay na pumapasok sa pangangatawan ng tao sa pang araw-araw. Isang halimbawa ay Thimerosal, isang ‘mercury-containing compound’. Ito ay isang malawakang ginagamitan ng pangangalaga para sa mga bakuna at panindang nasa mulit-dosis na vials. Pero kahit masama ang ‘mercury’, tayo ay natural na nakalantad sa mercury tulad ng gatas, pagkaing-dagat at solusyon na nasa ‘contact lens”. Wala namang masamang epekto sa aming katawan kung tayo ay gagamit’ ng mga bagay na ito. Dahil dito walang ebidensya na ang dami ng thimerosal sa mga bakuna ay masama sa kalusugan. Isa pang halimbawa ay Formaldehyde. Ang formaldehyde ay nasa automobile exhaust, panggamit bahay at kagamitang pambahay tulad ng karpet, tapiserya, sa mga pampaganda, pintura at felt-tip markers, at iba pang mga produktong pangkalusugan tulad ng antihistamines, cough drops and mouthwash. Kahit mayroon mga masasamang sangkap sa mga bakuna ligtas parin ito dahil ang mga ‘dose’ ng mga masasamamg sangkap ay may kaunti o walang epekto sa kalusugan ng mga tao.
Noong taong 1993, ang huling kaso ng polyo ay nakita sa Pilipinas. Pero sa taon ng 2000 lamang inideklara ng ‘world health organization’ na kasama ang Pilipinas sa isa sa mga ‘polio-free’ na bansa kasama ng ‘WHO’s Western Pacific Region’. Sa kasalukuyan ay mayroon tinatawag na ‘outbreak’ ng polyo sa bansa na muling nakita lamang pagkaraan ng dalawang-pu’t taon. Ang sakit na polyo ay maaring mawala sa ating bansa at sa mundo kung ang bawat bata ay mababakunahan laban sa sakit na ito. Upang tuluyang mawala ang sakit na ito kinakailangan mapabakunahan ang higit sa siyam na pu’t limang porsyento ng kabataan mula sa gulang na dalawang buwan hanggang anim na taon. Kahit na isang bata lamang ay hindi nabakunahan laban sa polio ito ay maaring makahawa sa ibang bata at ang tanging pagbabakuna lamang ang makakatulong tuluyan mawala ito. Pero marami ang masasabi na kung lahat ng bata na kasama nila ay nabakunahan na, hindi na kailangan mapabakuna ang kanyang anak. Ito ay batay sa paniniwala na kung wala sa mga paligid and sakit hindi makakahawa ang bata na hindi napakabakuna. Ito ay hindi totoo dahil maraming mga kadahilaan kung bakit nagkaroon ng sakit ang isang bata. Att kung hindi napakabakuna ang isang bata siya ay madaling kapitan ng sakit at maaring mag karoon ng mas malalang sintomas kaysa sa mga batang napabakunahan na. Kahit lahat ng mga bata sa paligid niya ay napakabakuna dapat din siyang magpabakuna upang maiiwasan ang mga sakit.
Dapat mapabakunahan ang lahat ng mga bata sa Pilipinas. Dapat ito ay maging isang batayan para maipatupad ng gobyerno. Ito ay dahil hindi masama ang mga bakuna. Walang scientific na dahilan kung bakit ito ay masama. Ang mga bakuna ay isang ligtas na paraan para magkaligtas ang mga kabataan laban sa mga iba’it ibang mga sakit. Kahit ang mga bakuna ay mayroon ‘live organisms’ o patay na ‘viruses’ hindi ito magkaproblema sa kalusugan ng isang tao. Ang mga bakuna din ay ligtas dahil ito ay tumulong para magka’immunize’ ang isang tao laban sa isang sakit. Kahit mayroon mga masasamang sangkap na nasa loob ng mga bakuna hindi ito nakakapinsala. Ang ‘dosage’ ng masasamang sangkap ng bakuna ay kaunti lamang na kung tinurok sa katawan ng tao wala o mahina lang ang epekto. Dahil dito dapat magpabakuna ang mga tao laban sa polyo para mahinto ang ‘Polyo Outbreak’ sa Pilipinas. Kung hindi lahat ng bata ay napakabakuna siya ay nanganganib na makakuha o mahawa ng sakit na baka maging dahilan ng mas malalang mga sintomas. Mabawasan ang mga pagkasawi ng mga bata kung ang lahat ng mga bata ay napabakunahan. Malapit ng mawala ang Polyo sa Pilipinas at sa buong mundo. Kung mapapawala ang polyo sa pilipinas magiging mas ligtas ang paligid kung saan lumalaki ang kabataan, ang kinabukasan ng Pilipinas at ang kinabukasan ng buong mundo.
Talasanggunian
- 45 Percent of Surveyed American Adults Doubt Vaccine Safety. (2019, June 25). Retrieved from https://www.infectioncontroltoday.com/vaccines-vaccination/45-percent-surveyed-american-adults-doubt-vaccine-safety
- Ben-Joseph, E. P. (Ed.). (2019, March). Your Child’s Immunizations: Polio Vaccine (IPV) (for Parents) – Nemours KidsHealth. Retrieved from https://kidshealth.org/en/parents/polio-vaccine.html
- Global Polio Eradication Initiative. (n.d.). History of Polio. Retrieved from http://polioeradication.org/polio-today/history-of-polio/
- Immunization Action Coalition. (n.d.). Importance of Vaccines. Retrieved from https://vaccineinformation.org/vaccines-save-lives/
- Pesce, N. L. (2019, March 6). Anti-vaxxer teen tells Congress why he vaccinated himself against his mom’s wishes. Retrieved from https://www.marketwatch.com/story/these-parents-didnt-vaccinate-their-kids-so-now-the-kids-are-doing-it-themselves-2019-02-11
- Pongdee, T. (2019, August 19). Vaccines: The Myths and the Facts: AAAAI. Retrieved from https://www.aaaai.org/conditions-and-treatments/library/allergy-library/vaccine-myth-fact
- The College of Physicians Philadelphia. (2018, January 10). History of Anti-vaccination Movements. Retrieved from https://www.historyofvaccines.org/content/articles/history-anti-vaccination-movements
- World Health Organization. (2019, September 19). WHO, UNICEF and partners support Philippine Department of Health’s polio outbreak response. Retrieved from https://www.who.int/philippines/news/detail/19-09-2019-who-unicef-and-partners-support-philippine-department-of-health-s-polio-outbreak-response –