Isinulat ni: Carmina Ashley Manabat
Persweysib
Ang pinakamababang edad para sa pagmamaneho ay hindi dapat ibaba pa. Dapat sa edad ng labing walo at pataas lamang ang edad na pagmamaneho.
Maraming buhay ng mga bata na nagmamaneho ay nawawala dahil sa mga aksidente sa sasakyan. Madalas ang mga nasa edad na labing-anim hanggang labing-pito ay nadadamay sa mga aksidenteng ito.
Ang painom ng alak at ang paggamit ng telepono habang nagmamaneho ay ang mga dahilan sa mga aksidenteng ikinamatay ng mga kabataan. Dahil sa kanilang limitadong karanasan at mga kamalian, Ang kanilang buhay ay nadadamay. Sa kasamaang palad may mga ibang tao din ay nadadamay sa mga aksidente na dulot ng pagmamaneho ng mga tinedyer. Mga nasa ibang kotse, pasahero, or mga nakapwesto lamang malapit kung saan nangyari ang aksidente. Mga tao na namatay dahil sa kamalian ng ibang tao. Ang maagang pagmamaneho din ay tintanggal ang pamamaraan ng paglakbay gamit ang bisekleta at paglakad. Ang pagbisikleta at paglakad ay mabuti para sa sariling kalusugan. Sa pagmamaneho, ilang oras nakaupo lamang ang nagmamaneho. Hindi ito mabuti sa kalusugan ng mga tinedyer.
Sa mga punto na ito, hindi dapat ibaba pa ang legal na edad para sa pagmamaneho. Ang pagmaneho ng mga nasa edad na labing-anim hanggang labing-pito ay madalas humahantong sa mga aksidente. Maari ang mga aksidente na ito ay nakamamatay, hindi lamang para sa nagmamaneho ngunit para sa iba pang kasangkot na partido. Ang pagmamaneho din ay maraming peligro sa kalusugan. Batay dito, dapat sa edad na labing-walo at pataas lamang ang legal na edad para sa pagmamaneho.
Argumentatibo
Ang pinakamababang edad para sa pagmamaneho ay hindi dapat ibaba pa. Dapat sa edad ng labing walo at pataas lamang ang edad ng pagmamaneho.
Naibunyag ng mga istatistika na ang mga edad ng abing-anim hanggang labing-pito ay ang pinaka-kasangkot sa mga aksidente ng sasakyan. Ang tulin ng nakamamatay na aksidente ng mga kotse para sa mga edad ng labing-anim hanggang labing-siyam ay tatlong beses na mas mataas kumpara sa mga edad na dalawang pu’t siyam at pataas. Ang mga sa edad na labing-anim hanggang labing-pito ay ang nasa pinakamataas na rismo (Insurance Institute for Highway Safety, 2018). Isa ding dahilan na dapat sa edad labing-walo at pataas lamang ang ligal na edad para sa pagmamaneho ay ang emosyonal na kapaunahan ng mga kabataan. Mas maayos at mataas Ang emosyonal na kapaunahan my mga nasa edad ng labing-walo pataas, kumpara sa mga nasa edad na labing-anim at labing-pito. Batay sa isang aral, ang emosyonal na kapaunahan ay nakukuha lamang ng todong sa edad ng dalawang pu’t dalawa (University of California: Irvine, 2009). Sa huli ang pagbaba ng ligal na edad para sa pagmamaneho ay naghihikayat ng hindi malusog na pamumuhay sa mga tinedyer. Batay sa isang pananaliksik, ang pagmamaneho ay maraming peligro sa kalusugan. Ang pag-upo sa isang lugar sa higit ng walong oras ay hindi mabuti para sa kalusugan ng mga nagmamaneho (Ding, Gebel, Phongsavan, Bauman, and Merom, 2014).
Ngunit sinabi ng iba na tama ang pagbaba ng ligal na edad para sa pagmamaneho. Dapat daw ito ibaba dahil limitado lang ang mga pagpipilian ng pamaraan ng pagbiyahe ng mga kabataan. Sa katotohanan hindi limitado ang mga pamaraan ng pagbiyahe ng mga tinedyer dahil hindi sila maaring magmaneho. Ang paglakad at pagbisikleta ay paraan ng pagbiyahe na mabuti para sa kalusugan ng isang tao. Ang paggamit ng pampublikong transportasyon ay isang mas mura na paraan ng paglalakbay kumpara sa pagmamaneho (Farrington, 2019).
Isa ding sinasabing dahilan para ibaba ang edad ng ligal na edad para sa pagmamaneho ay dahil nanakakatulong ito sa karanasan at paghahanda ng mga kabataan. Tama naman na ang pagmamaneho ay dadagdag sa karanasan at paghahanda ng mga tinedyer ngunit maraming kailangan aregluhin para tiyakin ang kaligtasan ng mga kasibulan na nagmamaneho at iba pang mga drivers na maaring maging biktima ng mga aksidente ng mga tinedyer na nagmamaneho. Kailangan iregulate ang paginom ng alkohol ng mga tinedyer at ang paggamit ng telepono habang nagmamaneho. Batay sa estadistika, ang paginom ng alkohol ay ang dahilan para sa 29% ng mga aksidenteng ikinamamatay noong 2017 (Children’s Hospital of Philadelphia, 2017). Batay din sa isang pananaliksik, ang mga tinedyer na naiulat na nagagamit ng telepono habang nagmamaneho ay madalas hindi din nakasuot ng “seatbelt” (Children’s Hospital of Philadelphia, 2017). Sobrang dami ng mga kadahilan na kailangan aregluhin para masigurado ang kaligtasan ng mga tinedyer na nagmamaneho.
Ang huling dahilan na Hindi dapat itaas pa ang edad para sa pagmamaneho ay dahil isa itong tanda ng kulang sa tiwala para sa kabataan. Sa punto na iyon, maraming ibang mga paraan para maipakita ang tiwala sa mga tinedyer na mas epektibo. Maaring bumuo ang tiwala sa isang tinedyer sa pamaraan ng pakikipag-usap sa bawat isa tungkol sa mga karaniwang interes at ang sama-samang paggawa ng mga aktibidad sa labas (Hollman Ph.D, 2016).
Dahil sa mga paksa na ito hindi dapat ibaba pa ang legal na edad para sa pagmamaneho.
Talasangunian
Children’s Hospital of Philadelphia. (n.d.). Impaired Driving. Retrieved February 7, 2020, from https://www.teendriversource.org/teen-crash-risks-prevention/rules-of-the-road/impaired-driving
Children’s Hospital of Philadelphia . (n.d.). Cell Phones. Retrieved February 7, 2020, from https://www.teendriversource.org/teen-crash-risks-prevention/distracted-driving/cell-phones
Ding, D., Gebel, K., Phongsavan, P., Bauman, A. E., & Merom, D. (2014, June 9). Driving: a road to unhealthy lifestyles and poor health outcomes. Retrieved February 7, 2020, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4049576/
Farrington, R., Gingerfi, Gingerfi, & Farrington, R. (2019, October 7). 7 Alternatives to Owning a Car That Might Be Better for You! Retrieved from https://thecollegeinvestor.com/23104/owning-a-car-alternatives/
Hollman, L., & Hollman, C. L. (2017, December 7). 7 Ways to Develop Trust With Your Teen Using Parental Intelligence. Retrieved from https://www.huffpost.com/entry/7-ways-to-develop-trust-w_b_9292812
Insurance Institute for Highway Safety. (n.d.). Fatality Facts 2018: Teenagers. Retrieved February 7, 2020, from https://www.iihs.org/topics/fatality-statistics/detail/teenagers?kbid=62750
Teen Driver Car Accident Statistics & Facts. (n.d.). Retrieved from https://www.edgarsnyder.com/car-accident/who-was-injured/teen/teen-driving-statistics.html
Tefft, B. (2018, June 14). Rates of Motor Vehicle Crashes, Injuries and Deaths in Relation to Driver Age, United States, 2014-2015. Retrieved February 7, 2020, from https://aaafoundation.org/rates-motor-vehicle-crashes-injuries-deaths-relation-driver-age-united-states-2014-2015/
Young drivers aged 16 to 19 most likely to be involved in fatal accidents. (n.d.). Retrieved from https://www.topgear.com.ph/news/young-drivers-aged-16-to-19-most-likely-to-be-involved-in-fatal-accidents