Ang Pagbawal ng Paggamit ng Plastik sa Pilipinas

Isinulat ni: Yshi David


Persweysib

Tinatayang 8.3 bilyong tonelada ng plastik ang ginawa mula pa noong 1950s, ayon sa Global Citizen Organization. Ang paggawa at paggamit ng plastik ay lubos na tumataas sa paglipas ng mga taon. Isipin lamang ang lahat ng mga negatibong epekto na mayroon ito sa ating mundo, lalo na sa ating bansa, ang Pilipinas. Marami ang naaapektuhan at kaunti lamang ang ating kamalayan tungkol dito. Dahil dito, dapat ipagbawal ang paggamit ng plastik sa Pilipinas dahil sa mga masasamang epekto na mayroon ito sa mga kapaligiran, hayop at mga tao.

Ang lahat ng plastik na ating tinatapon ay napupunta sa ating kapaligiran. Kasama dito ang ating mga karagatan at kagubatan. Ayon sa Ocean Conservancy, bawat taon, ang 8 milyong metriko toneladang plastik ay pumapasok sa mga karagatan ng buong mundo. Ang Pilipinas ay nagbubuo ng 2.7 milyong toneladang basurang plastik taun-taon at 20 porsyento nito ay napupunta sa karagatan. Bukod diyan, may mga kemikal ang plastik na napupunta sa lupa. Ang mga plastik ay masama sa kapaligiran dahil ang mga maliliit na piraso ng plastik ay maaaring magdala ng bakterya at mga impeksyon na nagiging mga sanhi ng mga sakit. Bilang mga Pilipino, dapat nating alagaan ang ating bansa. Ang mga dagat at kagubatan ay mga tahanan para sa mga hayop at para din sa mga tao. Mahalaga na alagaan at respetuhin natin ang ating kapaligiran. Huwag nating hayaan na mamatay ito!

Ang plastik na ating tinatapon ay nakakaapekto sa buhay ng mga hayop. Ang mga buhay nila ay nasa panganib na dahil sa mga plastik na napupunta sa kanilang mga tahanan. Ang nangyayari ay kinakain nila ang mga plastik dahil akala nila na ito ay pagkain. Dahil diyan, sila ay namamatay. Ang plastik na ito ay matatagpuan sa tiyan ng higit sa 90% ng mga ibon sa dagat at sa mga tiyan ng higit sa kalahati ng mga pawikan sa mundo. Naisip mo ba kung gaano sila nahihirapan? Dapat tayong maawa sa mga hayop dahil nawawala ang kanilang buhay dahil sa ating mga aksyon. Hindi lamang tayo ang nabubuhay sa mundong ito. Patuloy na mawawalan sila ng buhay kung wala tayong gagawin tungkol sa problemang ito.

Ang paggamit ng plastik ay masama sa kalusugan at buhay ng mga tao. Ang mga plastik na ating ginagamit tulad ng mga laruan at mga lalagyan ng mga produktong pampaganda at pagkain ay gawa sa BPA na nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga tao. Ang mga kemikal na ito ay delikado lalo na sa mga bata. Ang mga pagkain na kinakain din natin ay nagiging masama para sa atin. Dahil sa mga sobrang kaliit ng plastik, pumupunta ito sa mga tiyan ng mga isda at iba pang mga hayop. Kinakain na natin ang ilang mga plastik na ating itinapon sa dagat at ito ay maaaring magdala ng sakit sa atin. Ngayon, makikita natin ang mga masasamang epekto ng plastik sa ating pang araw-araw na buhay. Hindi dapat natin ilagay sa panganib ang ating buhay at kumilos ngayon.

Ang labis na paggamit ng plastik ay dapat ipagbawal dahil sa mga masasamang epekto na mayroon ito sa atin at sa Pilipinas. Ang kalagayan ng ating bansa ay magpapatuloy na lumala sa susunod na mga taon kung wala tayong gagawin upang tigilin ito. Dapat nating alagaan ang ating kapaligiran at maging maingat sa ating mga kilos. Ang kinabukasan ng ating bansa ay umaasa sa mga desisyon nating ngayon. Kaya, nasa atin kung gusto nating gumawa ng pagbabago para sa kabutihan ng ating bansa.


Argumentatibo

Tinatayang 8.3 bilyong tonelada ng plastik ang ginawa mula pa noong 1950s, ayon sa Global Citizen Organization. Ang paggawa at paggamit ng plastik ay lubos na tumataas sa paglipas ng mga taon. Isipin lamang ang lahat ng mga negatibong epekto na mayroon ito sa ating mundo, lalo na sa ating bansa, ang Pilipinas. Marami ang naaapektuhan at kaunti lamang ang ating kamalayan tungkol dito. Dahil dito, dapat ipagbawal ang paggamit ng plastik sa Pilipinas dahil sa mga masasamang epekto na mayroon ito sa mga kapaligiran, hayop at mga tao.

Ang lahat ng plastik na tinatapon ng mga tao ay napupunta sa kapaligiran, ngunit maaaring sabihin ng iba na hindi naman nila nakikita ang mga masasamang epekto ng plastik at wala naman ang nagyayari sa paligid. Ang pahayag na ito ay mali at maaaring itong patunayan sa mga katotohanan at ebidensya. Ayon sa Ocean Conservancy, bawat taon, ang 8 milyong metriko toneladang plastik ay pumapasok sa mga karagatan ng buong mundo. Ang Pilipinas naman ay nagbubuo ng 2.7 milyong toneladang basurang plastik taun-taon at 20 porsyento nito ay napupunta sa karagatan (Vila, 2018). Ang isang kongkreto na ebidensya ay ang ilog Pasig na nakalista sa sa mga nangungunang 10 ilog sa mundo na nagdadala ng basurang plastik sa dagat (National Geographic, n.d.). Noong 1990, ang ilog Pasig ay idineklera na biologically dead. Ang ilog na ito ay dating isang lugar kung saan nakatira ang mga hayop at mga tao. Maaari na hindi nararanasan ng mga ibang tao ang mga masasamang epekto ng paggamit ng plastik, ngunit talagang makikita ito sa kapiligiran. 

Ang mga plastik na tinatapon ng mga tao ay nakakaapekto sa buhay ng mga hayop. Ang mga buhay nila ay nasa panganib na dahil sa mga plastik na napupunta sa kanilang mga tahanan. Bagaman, kahit na ito ang sitwasyon, sinasabi ng mga tao na ang buhay ng mga hayop ay hindi kasingkahalaga sa buhay ng mga tao, at na mayroon pa ring kasaganaan sa mga hayop kaya hindi kailangan mag-alala. Ang nangyayari ay kinakain ng mga hayop ang mga plastik dahil akala nila na ito ay pagkain. Dahil diyan, sila ay namamatay. Ang plastik na ito ay matatagpuan sa tiyan ng higit sa 90% ng mga ibon sa dagat at sa mga tiyan ng higit sa kalahati ng mga pawikan sa mundo (Ocean Coservancy, n.d). Ayon sa Ocean Coservancy, kapag ang mga hayop ay kumain ng plastik, maaari itong maging sanhi ng mga sakit at kamatayan. Kasama dito ang kabawasan o kawalan sa lakas ng kanilang katawan, pag-aalaga sa nutrisyon at kahusayan sa pagkakain, kung saan ang lahat na ito ay mahalaga para sila ay mabuhay. Ang buhay ng mga hayop ay kasinghalaga ng buhay ng tao at kailangan mag-alala ang lahat dahil ang kanilang mga buhay ay nanganganib.

Ang paggamit ng plastik ay masama sa kalusugan at buhay ng mga tao. Maaaring sabihin ng mga tao na ang pang araw-araw na buhay ay nagiging mas madali dahil sa paggamit ng plastik at ang pagbawal sa paggamit nito ay magiging sanhi ng mga problema sa ekonomiya at kabuhayan. Kahit na ito ay totoo, mahalagang isipin ang kinabukasan ng bansa. Ang mga plastik na ginagamit ng mga tao katulad ng mga laruan at mga lalagyan ng mga produktong pampaganda at pagkain ay gawa sa BPA (Bisphenol A), isang kemikal, na nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga tao (Earth Day Organization, 2018). Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, ang BPA ay natagpuan sa 93% ng mga sample ng ihi na kinuha mula sa mga taong na nasa edad anim. Ang mga kemikal sa plastik ay nagiging sanhi ng mga sakit at impeksyon. Ang mga epekto ay lalala sa katagalan at ang mga susunod na henerasyon ay magdudurusa dahil sa mga desisyon at kilos ng mga tao ngayon.

Ang labis na paggamit ng plastik ay dapat ipagbawal dahil sa mga masasamang epekto na mayroon ito sa mga tao at sa Pilipinas. Ang kalagayan ng bansa ay magpapatuloy na lumala sa susunod na mga taon kung wala ang gagawin upang tigilin ito. Dapat alagaan ng lahat ang kapaligiran at maging maingat sa kanilang mga kilos. Ang kinabukasan ng bansa ay umaasa sa mga desisyon ng mga tao ngayon. Kaya, nasa tao kung gusto nilang gumawa ng pagbabago para sa kabutihan ng bansa.

Talasanggunian

  1. Fact Sheet: The Plastic Threat to Human Health. (2019, December 21). Retrieved February 4, 2020, from https://www.earthday.org/fact-sheet-the-plastic-threat-to-human-health/ 
  2. Plastic planet: How tiny plastic particles are polluting our soil. (n.d.). Retrieved February 4, 2020, from https://www.unenvironment.org/news-and-stories/story/plastic-planet-how-tiny-plastic-particles-are-polluting-our-soil 
  3. Vila, A. (2018, October 18). This is why Philippines is world’s third-largest ocean plastic polluter. Retrieved February 4, 2020, from https://www.scmp.com/lifestyle/health/article/2168819/philippines-plastic-pollution-why-so-much-waste-ends-oceans 
  4. Wadhwa, S. (2019, May 1). How Does Plastic Affect Wildlife and Forests? Retrieved February 4, 2020, from https://repurpose.global/how-does-plastic-affect-wildlife-forests/ 
  5. Watters, J. (2020, January 16). Plastics in the Ocean. Retrieved February 4, 2020, from https://oceanconservancy.org/trash-free-seas/plastics-in-the-ocean/ 
  6. Williams, R. (2018, May 16). We Depend On Plastic. Now, We’re Drowning in It. Retrieved February 4, 2020, from https://www.nationalgeographic.com/magazine/2018/06/plastic-planet-waste-pollution-trash-crisis/

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started