Ang Pagbawal ng Medical Cannabis sa Pilipinas

Isinulat ni: Kristella Maria H. Rivera


Persweysib

Simula nang imungkahi ang legalisasyon ng medical cannabis sa Kamara, nagkaroon ng maraming debate at kontrobersiya tungkol dito.  Kamakailan, nagpahayag ng pagsang- ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan ang batas na magpapatupad ng pagiging legal nito.  Noong Oktubre 2017, nagsampa ng panukalang batas House Bill 6517 sina Rep. Angelina D.L. Tan at Rodolfo T. Albano, na naglalayong gawing legal ang paggamit ng medical cannabis para sa mga Pilipinong may karamdaman.  Ayon sa panukalang batas, ang paggamit ng medical cannabis ay mangyayari laman sa patnubay at gabay ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).  Noong Enero 2019, inaprubahan ng ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukalang batas matapos ang ikatlong pagbasa nito.

Datapwat marami ang nagsasabing kinakailangan at makabubuti ang paggamit ng medical cannabis sa iba’t ibang karamdaman, maaring mas mabigat ang mga panganib na dulot nito.  Pananagutan nating antabayanan at alagaan ang ating tahanan. Pananagutan nating huwag ulitin ang mga pagkakamaling nagawa ng mga ninuno natin upang maiwasan ang kasamaang dulot ng mga ito.  Dahil sa masasamang side effects ng marijuana, maraming pamilya ang nasira, maraming buhay ang nagwakas.  Maraming bata ang napariwara or naiwang mag- isa dala ng kapabayaan ng magulang na gumagamit ng droga.  Panahon na para unahin natin ang kapakanan ng ating mga kabataan, ang pag- asa ng ating bayan. Panahon na upang siguruhin nating hindi malululong sa masamang bisyo ang mga magulang, at ang mga bata, nang dahil sa pang- aabuso ng isang bagay na ang layunin ay makapagbigay ng lunas sa karamdaman.

Dapat nating isaisip ang di- makatarungang pagkitil ng buhay ng maraming kapwa Pilipinong napagkamalan lamang sa laban ng pamahalaan kontra droga.  Anong uri ng hustisya ang maibibigay sa kanila kung maraming tao ang mapapabayaan umabuso ng kani- kanilang reseta para sa medical cannabis?  Isaisip din natin ang bilang ng mga kriminal na maaring makapuslit at magbenta sa mga taong hindi naman talaga nangangailan nito.  Isang napakahalagang konsiderasyo nito sa maayos na pagpapatupad ng batas, na maaaring hindi pa handa ang pamahalaan na pamunuan, dahil sa dami ng iba pang suliranin ng ating bansa.
Sa kasalukuyang lagay ng ating bansa, kung saan madaming batas ang hindi sinusunod at hindi naipatutupad ng tama, hindi maipapayong isabatas ang medical cannabis, dahil sa mga panganib na kalalagyan ng mga mamamayan, lalo na ng mga kabataan, at ng lipunan sa kabuuan. Sa ating lipunan ngayon, napapabayaan na ang mga kabataan, napapatay na ang mga inosente, at napapawalang sala ang mga kriminal.  Ano pa ang magiging kinabukasan ng ating lipunan — kung sa ngayon pa lang ay puno na ng gulo, bagabag at pagkasira? Dadagdagan pa ba natin ng isa na namang pagkakataon para abusuhin ang ating mga batas, na siyang dapat na nagsasaayos sa atin bilang isang lipunan?  Maaaring mayroong buting maidudulot ang medical cannabis sa isang bahagi ng ating populasyon.  Subalit, kailangang umunlad muna tayo tungo sa pagiging maayos, madisiplina at masunurin sa batas, upang masigurong hindi ito maabuso at magiging kasiraan ng higit na nakararami.  Sa ganitong panahon lamang magiging matagumpay ang pagpapatupad ng isang batas na mayroong malaking possibility of abuse.


Argumentatibo

Simula nang imungkahi ang legalisasyon ng medical cannabis sa Kamara, nagkaroon ng maraming debate at kontrobersiya tungkol dito.  Kamakailan, nagpahayag ng pagsang- ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan ang batas na magpapatupad ng pagiging legal nito.  Noong Oktubre 2017, nagsampa ng panukalang batas House Bill 6517 sina Rep. Angelina D.L. Tan at Rodolfo T. Albano, na naglalayong gawing legal ang paggamit ng medical cannabis para sa mga Pilipinong may karamdaman.  Ayon sa panukalang batas, ang paggamit ng medical cannabis ay mangyayari laman sa patnubay at gabay ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).  Noong Enero 2019, inaprubahan ng ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukalang batas matapos ang ikatlong pagbasa nito.

Ayon sa isang ulat ng United Nations, may 158.8 milyong katao sa buong mundo ang gumagamit ng marijuana. Ito ay mahigit sa 3.8% ng kabuuang populasyon ng mundo. Datapwat marami ang nagsasabing kinakailangan at makabubuti ang paggamit ng medical cannabis sa iba’t ibang karamdaman, maaring mas mabigat ang mga panganib na dulot nito.  Ayon sa mga eksperto, ang pang- aabuso sa paggamit nito ay nagdudulot ng hallucinations, panic  at psychosis.  (Drug Free World, n.d). Sa kalaunan, maari ding makaranas ng addiction, withdrawal symptoms at pagbaba ng IQ ang mga gumagamit nito. Sinasabi ng mga sumusuporta dito na mabisa ito bilang painkiller.  Gayunpaman, maami namang mga gamot na nagsisilbing painkiller na hindi kasing mapanganib ang mga side effects.  Dagdag pa dito, marami ding home remedies na maaring gawin upang maibsan ang kirot o sakit na nararamdaman ng isang pasyente.

Sa napipintong pagsasabatas ng medical cannabis, sinasabing makikilala na ang mga kriminal na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot laban sa mga totoong may sakit na nangangailangan nito.  Matatandaang maraming pagpatay ng naiuulat dahil sa gyera ng pamahalaang Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot. Noong Junyo 2016, itinatalang 12,000 na Pilipino na ang napapatay (Human Rights Watch, 2016) kaugnay nito.  Batay sa mga aksyon/ galaw ng pamahalaan at ng Philippine National Police, maaaring madagdagan pa ang talang ito ng mga Extra Judicial Killings (EJK), lalo na kung walang mahigpit na panuntunan tungkol sa pagkakakilanlan ng mga establisimyentong legal na makapagbebenta, at sa mga pasyenteng maaring gumamit nang naayon sa batas.  Sa ganitong paraan, bukas sa pang aabuso sa bahagi ng establisimyento, ng bumibili, at ng kapulisan ang kaayusan ng pagpapatupad ng batas.

Marami din ang nagsasabing sa mga ibang bansa na nagsabatas na ng medical cannabis, katulad ng Peru, Argentina at Australia, hindi ito nagdulot ng anumang suliranin.  Ang mga ito ay pawang mga mauunlad na bansa, kung saan mababakas ang disiplina ng bawat mamamayan.  Sa kabilang dako, ang Pilipinas ay isang 3rd world country.  Ayon kay Crescencio Doma Jr., isang sociologist sa University of Santo Tomas, ang kakulangan sa disiplina ay nasa ugat na ng kulturang Pilipino.  Ayon sa kanya, “ang kawalan ng pasensya ay isang reaksyon sa depektyo ng isang sistema ng lipunan. Nawawalan ng pasensya ang mga tao kapag hindi napupunan ang kanilang mga pangangailangan sa takdang panahon.  Kasabay nito, makikitang nanggagaling din ang ugaling ito sa kawalan ng malinaw na mga polisiya at panuntunan sa pagpapatupad ng mga batas, na sumisiguro sa positibong tugon ng mga mamamayan sa mga ito.” (2018)  Makikita ito nang maliwanag hindi lamang sa batas tungkol sa medical cannabis, kundi sa marami pang ibang batas na nauukol sa mga pangakaraniwang bagay tulad ng trapiko, paggamit ng mga pribeleyo, pagbabayad ng buwis, at marami pang iba.  Makikitang hindi sumusunod ang marami dahil sa kawalan ng mahigpit na panuntunan, maluwag na pagpapatupad, at kawalan ng karampatang parusa. Sa halip na sumunod, ang kulturang Pilipino ay naghahanap ng lusot.

Maraming side effects ang idinudulot ng Cannabis. Ito ang dahilan kung bakit ito ipinagbawal sa simula.  Kasali na dito ang mga di kanais nais na suliraning sikolohikal, na maaring magdulot ng malalaking problema hindi lamang sa gumagamit kundi sa mga taong nakapaligid sa kanya at sa pamayanang at lipunang kanyang ginagalawan.  Ang iba dito ay panandalian, subalit ang karamihan ay maaring maging pangmatagalan o panghabang- buhay at hindi na mababagoSa konteksto ng lipunang Pilipino, mas maraming suliranin kaysa mabuting epekto ang pagsasabatas ng medical cannabis.  

Talasanggunian

  1. Philippine Congress. (2017). AN ACT PROVIDING COMPASSIONATE AND RIGHT OF ACCESS TO MEDICAL CANNABIS AND EXPANDING RESEARCH INTO ITS MEDICAL PROPERTIES. Retrieved from http://congress.gov.ph/legisdocs/first_17/CR00402.pdf
  2. National Health Service (February 2019). Painkillers. Retrieved from https://www.nhs.uk/live-well/healthy-body/which-painkiller-to-use/Fou
  3. Human Rights Watch. (2016). Philippines’ War on Drugs. Retrieved from https://www.hrw.org/tag/philippines-war-drugs 
  4. Williams, S. (2018). These 30 Countries Have Legalized Medical Marijuana in Some Capacity. Retrieved from https://www.fool.com/investing/2018/07/21/these-30-countries-have-legalized-medical-marijuan.aspx

Foundation for a Drug-Free World International. The Truth About Marijuana. Reitrieved from https://www.drugfreeworld.org/drugfacts/marijuana/short-and-long-term-effects.html

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started