Ang Pagbawal ng E-cigarettes sa mga Minorde Edad

Isinulat ni: Isabella Marie B. Alvarez


Persweysib

Marami sa mga bata ngayon ay naiimpluwensya sa iba’t ibang mga bisyo na nakakasama sa kanilang kinabukasan at kalusugan. Ang paninigarilyo o paggamit ng E-cigarettes sa mga nakakabata ay hindi dapat pinapayagan. Karamihan sa mga batang ito ay mga estudyante sa highschool lamang. Ito’ y ginagawa sa mga party, kotse, pampublikong lugar o kahit saan at walang pumipigil sa kanila. Kaya’t dapat hiyakatin ng gobyerno na ipagbawal ang benta at paggamit ng e-cigarettes sa mga batang hindi pa 18. 

Ang mayoryang gumagamit ng e-cigarettes ay ang mga minorde edad. Ang rason kung bakit ito’y ginagamit ay dahil sa nakakapelang disenyo ng aparatong ito. Isang halimbawa ng uri ng e-cigarette ay ang “JUUL”. Kahawig nito ang isang usb kaya hindi siya makikilala bilang isang e-cigarette ng mga matatanda. Nilalaman nito ang isang “juul pod” na mayroong nicotine, isang nakahuhumaling kemikal. Sa loob ng juul may isang aparatong nagpapainit upang mamunga ng usok na hinihinga ng gumagamit. Ngunit sa pagkakaalam ng karamihan, pampalasa at tubig lang ang natitikman nila sa juul. Kahit na mas marami ang tubig na nilalaman ng isang pod, malaki-laki pa rin ang porsyento ng nicotine nito. Kaya’t kung hindi sila tutukan at pagsabihan, patuloy pa rin nila itong gagamitin. Ang kinakatakutan ng mga magulang o kinakatanda ay ang mapanganib ang kalusugan ng mga bata. Dahil sa kemikal na pumapasok sa kanilang sistema, posibleng magkaroon ng kanser sa baga, pinasala sa utak o kanser sa lalamunan ang mga taong gumamit ng e-cigarette. 

Makakatulong kung tutukan ng mga magulang ang kanilang mga anak para hindi mapasama ang kanilang kalusugan. Marami sa kanila ay napipilitan lang gumamit nito dahil sa kanikanilang mga kaibigan na nagiimpluwensya sa kanila. Kaya’t makabubuti kung kausapin natin ang ating mga anak na maging maingat sa mga taong pinapasok nila sa kanilang buhay. At importanteng bigyan sila ng gabay para mas maintindihan nila ang mga kahihitnan na maaring mangyari sa kanila. Panghuli, dapat hinihikayat ng gobyerno na ipatigil at higpitan ang bebenta ng mga e-cigarettes sa Pilipinas dahil madaling lokohin ng mga bata ang mga tindero.


Argumentatibo

Marami sa mga bata ngayon ay naiimpluwensya sa iba’t ibang mga bisyo na nakakasama sa kanilang kinabukasan at kalusugan. Ang paninigarilyo o paggamit ng E-cigarettes sa mga nakakabata ay hindi dapat pinapayagan. Karamihan sa mga batang ito ay mga estudyante sa highschool lamang. Ito’ y ginagawa sa mga party, kotse, pampublikong lugar o kahit saan at walang tumitigil sa kanila. Kaya’t dapat hiyakatin ng gobyerno na ipagbawal ang benta at paggamit ng e-cigarettes sa mga batang hindi pa 18. Ang pagbebenta at paggamit ng e-cigarettes para sa mga batang hindi pa ligal (under 18) ay dapat ipagbawal.  

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang e-cigarette ay ang pinaka sikat na produkto na binibili at ginagamit ng halos limang milyong mga taga highschool Ang rason kung bakit ito’y ginagamit ay dahil sa nakakapelang disenyo ng aparatong ito. Isa sa siyam na bata ang naninigarilyo ng e-cigarette sa bansa natin ngayon. 

Isang halimbawa ng uri ng e-cigarette ay ang “JUUL”. Kahawig nito ang isang usb kaya hindi siya makikilala bilang isang e-cigarette ng mga matatanda. Nilalaman nito ang isang “juul pod” na mayroong nicotine, isang nakahuhumaling kemikal. Sa loob ng juul may isang aparatong nagpapainit upang mamunga ng usok na hinihinga ng gumagamit. Ngunit sa pagkakaalam ng karamihan, pampalasa at tubig lang ang natitikman nila sa juul. Kahit na mas marami ang tubig na nilalaman ng isang pod, malaki-laki pa rin ang porsyento ng nicotine nito. Kaya’t kung hindi sila tutukan at pagsabihan, patuloy pa rin nila itong gagamitin. 

Ang kinakatakutan ng mga magulang o kinakatanda ay ang mapanganib ang kalusugan ng mga bata. Ayon sa National Academics of Science, Engineering and Medicine, dahil sa kemikal na pumapasok sa kanilang sistema, posibleng magkaroon ng kanser sa baga, pinasala sa utak o kanser sa lalamunan ang mga taong gumamit ng e-cigarette. Ang “pods” o “juice” na linalalaman ng e-cigarettes ay may kemikal at halong elemento na nakakasira ng mga cell sa loob ng katawan. 

Ngunit ang e-cigarettes ay linikha upang maipatigil o mabawasan ang mga taong naninigarilyo ng tabako na sigarilyo. Ayon sa Health Line, ang isang “pod” ng juul ay naglalaman ng 0.5-6.1 mg ng nikotina samantala ang isang sigarilyo ay may laman na 13.3-15.4 mg ng nikotina. Kahit na mas maliit ang porsyento ng nikotina sa e-cigarette, kung gagamitin parin ito ng kasing kahaba marahil na pareho ang madadatnan na sakit. Ang e-cigarette ay hindi naglalaman ng tabako o ibang mga carcinogens upang mabawasan ang pagkakataon na magkaroon ng kanser ang isang tao. Bagaman ito’y mabuti, dahil sa ibang mga kemikal na nilalaman nito mararanasan pa rin ang pagkakaubo o ang pagkakasira ng baga. Ang e-cigarette ay mas nakakaapilang tignan kumpara sa tabako na sigarilyo. Mas mukha siyang maayos tignan at gamitin, hindi rin siya nakakasunog ng bibig o lalamunan. Kahit na maganda siyang tignan, hindi pa rin mabuti ang maiidudulot na kahinantnan sa katawan. 

Sa impormasyong inilahad, masasabing walang mabuting maidadala ang paninigarilyo  ng e-cigarette sa mga bata. Makakatulong kung tutukan ng mga magulang ang kanilang mga anak para hindi mapasama ang kanilang kalusugan. Marami sa kanila ay napipilitan lang gumamit nito dahil sa kanikanilang mga kaibigan na nagiimpluwensya sa kanila. Kaya’t makabubuti kung kausapin natin ang ating mga anak na maging maingat sa mga taong pinapasok nila sa kanilang buhay. At importanteng bigyan sila ng gabay para mas maintindihan nila ang mga kahihitnan na maaring mangyari sa kanila. Panghuli, dapat hinihikayat ng gobyerno na ipatigil at higpitan ang bebenta ng mga e-cigarettes sa Pilipinas dahil madaling lokohin ng mga bata ang mga tindero. 

Talasanggunian

  1. Quick Facts on the Risks of E-cigarettes for Kids, Teens, and Young Adults | CDC. (0AD). Retrieved from https://www.cdc.gov/tobacco/basic_information/e-cigarettes/Quick-Facts-on-the-Risks-of-E-cigarettes-for-Kids-Teens-and-Young-Adults.html 
  2. E-cigarettes, Vapes and JUULs – What Teens Should Know. (0AD). Retrieved from https://www.lung.org/stop-smoking/smoking-facts/e-cigarettes-teens.html
  3. Knowles, H. (2019, September 18). 1 in 9 high school seniors vape nicotine near-daily, new survey says amid e-cigarette scare. Retrieved from https://www.washingtonpost.com/health/2019/09/19/high-school-seniors-vape-nicotine-near-daily-new-survey-says-amid-e-cigarette-scare/
  4. The Money Behind Vaping and E-Cigs. (2019, February 15). Retrieved from https://lendedu.com/blog/money-behind-vaping/.
  5. Capritto, A. (n.d.). Juul vape: What is it, why are teens addicted, and is it safe? Retrieved from https://www.cnet.com/news/juul-what-is-it-how-does-it-work-and-is-it-safe/.
  6. E-Cigarettes and Lung Health. (n.d.). Retrieved from https://www.lung.org/stop-smoking/smoking-facts/e-cigarettes-and-lung-health.html.
  7. How Much Nicotine Is in a Cigarette and Other Tobacco Products? (2019). Retrieved February 12, 2020, from https://www.healthline.com/health/how-much-nicotine-is-in-a-cigarette#bottom-line

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started