Isinulat ni: Anna Marie A. Almeda
Persweysib
Noong unang panahon ang mga bata ay nasa kalsada. Naglalaro ng patintero, tumbang preso, tagu-taguan, at marami pang larong kalye. Sila’y nag-uusap at nagtatawanan ng harap harapan. Subalit ngayon, sila’y nasa kani-kanilang mga kwarto, halos hindi na makausap. Minsan nakatungo sa telepono, parang mababali na ang leeg. Minsan naman nakatitig sa isang telebisyon o kompyuter. Kay sarap ng unang panahon, nakikilala ang isang tao na hindi nasalikod ng isang panambil.
Ang paggamit ng gadyet ay hadlang para magkaroon ang isang bata ng magandang relasyon kasama ang kanyang magulang. Kung palagi siyang nasa gadyet niya hindi niya makakausap ang kanyang magulang at ang kanyang magulang ay magagalit dahil hindi siya nasagot at iyon ay hindi nagbibigay respeto sa nakakatanda. Maliban dito ang relasyon din ng bata sa ibang tao ay hindi kagandahan dahil nagsimula ang kanilang relasyon sa teknolohiya. Kilala lamang nila ang tao sa likod ng panambil at hindi sa tunay na buhay. Delikado rin ang mga “Social Media” sa kabataan dahil maraming mga aplikasyon na maaaring maglagay sa kanila sa delikado na sitwasyon. Isang halimbawa dito ay Facebook. Isang aplikasyon kung saan makakausap ng isang bata ang iba’t ibang tao at makakakita rin siya ng mga post mula sa kanyang mga kaibigan. Ito ay delikado dahil may mga taong nagkukunwaring ibang tao para makausap ang isang bata. Hihingin ang mga personal na impormasyon at may ginagawa na masama. Katulad ng kidnapin ang bata, nakawan ang kanyang bahay o ang pera nila sa bangko. Kailangan nakikita ng magulang ang paggamit ng batang nasa edad na labing tatlo o pababa ang kanilang ginagawa sa telepono para sila’y masubaybayan at matutukan na walang maling ginagawa.
Kailangang matutunan ng isang bata na hindi gumamit ng kanilang gadyet dahil hindi nila makikita ang kagandahan ng mundo. Isang halimbawa ay nasa bakasyon sila ng kanyang pamilya. Nagsasaya ang lahat habang siya ay nakaupo lamang nakatitig sa kanyang telepono nag-aantay ng sagot mula sa kanyang mga kaibigan. Nasasayang ang araw sa walang kwentang mga bagay. Imbis na magkaroon ng relasyon kasama ang kanyang pamilya, nagkakaroon siya ng relasyon kasama ang kanyang telepono. Sanhi rin ng pagkulong sa kwarto dahil sa paglalaro o paggamit ng teknolohiya ang labis na kalungkutan at pagkatakot. Importante sa isang bata ang lumabas at maarawan dahil maganda ang epekto ng araw sa mentalidad ng isang bata.
Ang gadyet din ayon sa World Health Organization ay maaaring magdulot ng kancer sa isang bata. Ang kanyang mata ay lalabo at maaaring magkaroon siya ng sakit ng ulo. Ito ay dahil sa “electromagnetic field” na nagmumula sa mga gadyet. Maliban sa mga ito, ang madalas na paggamit sa gadyet ay makakaapekto sa paglaki ng bata. Dahil wala siyang ginagawa at siya’y nakaupo lamang lahat ng kanyang kinain ay mananatili lamang sa kanyang tiyan. Wala siyang “excercise” at ito ay masama rin dahil magdudulot ito ng labis na katabaan. Ang mga ito ay hindi mararanasan ng isang bata kung siya ay nasa kalye naglalaro. Magkasugat man siya sa kanyang pagtanda ay pagtatawanan niya nalang ito. Imbis na sakit ang makukuha ay isang ala-ala na hindi mapapalitan.
Ang mga batang nasa edad na labing tatlo at pababa ay dapat hindi ilantad sa mga gadyet dahil sa bata nilang isipan at katawan. Sila ay lumalaki at ang madalas na paggamit sa teknolohiya ay makakasama sa kanilang kalusugan at mentalidad. Ang kabataan ng isang tao ay dapat lubusin. Dapat siya’y naglalaro sa kalye kasama ang ibang bata. Dapat maranasan nila ang kasayahan sa paglaro sa ilalim ng araw. Sana maranasan ng mga bata ang madapa, umiyak at mapagalitan ng kanilang ina. Ito ang pinakamagagandang ala-ala na hinding-hindi mapapalitan. Mga oras na hindi nasasayang sa pagtitig sa isang panambil kundi mga oras na nagsasaya kasama ang mga kaibigan, pinsan at iba pa.
Argumentatibo
Ang gadyet ayon sa History ay alinman sa mekanikal o “electronic” na bagay na sumasagawa ng iba’t ibang layunin. Ang mga gadyet na ito ay ang mga telepono, bidyo na mga laro (“video games”), kompyuter at marami pang iba. Ang gadyet ay ginagamit ngayon ng kabataan para sa iba’t ibang sadya. Subalit para sa mga batang may edad na labing tatlo at pababa ay dapat pagbawalan gumamit ng mga ito dahil sa masasamang epekto nito sa kanilang kalusugan at mentalidad.
Makakaapekto ang teknolohiya sa pag-unlad ng kaisipan o ang “brain development” ng bata. Ayon sa CDC o ang Centers for Disease Control and Prevention ang utak ng isang bata ay umuunlad hanggang kanyang pagtanda at ang unang walong taon ay magtatayo ng pundasyon para sa haharapin na pag-aaral, kalusugan at katagumpayan sa buhay. Ang pag-unlad ng isipan ng isang bata ay lubos na nakasalalay sa mga naituturo ng kanyang mga magulang at mga karanasan sa buhay. Ang pagtutuk sa gadyet ay hahadlang sa pag-unlad ng isipan ng bata dahil hindi magagamit ng isang bata ang kanyang isipan kung ang oras nito ay nasasayang sa paggamit at paglalaro sa komputer o telepono. Maliban sa pag-unlad ng kaisipan ng isang bata maaapktuhan din ang lawak ng kanilang kaisipan (“attention span”). Ito’y mababawasan dahil gugustuhin ng isang bata na tumingin sa kanilang gadyet para tignan kung mayroong taong gusto sila makausap, ayon sa Medical News Today. Maliban dito dahil sa pagkagumon sa paglalaro ng mga bidyo na laro, ang isipan ng isang bata ay nakatutok dito at hindi sa pag-aaral o sa gawin niya. Ang pagkilala rin ng kabataan ay maantala (“cognitive delay”), parte na rito ay ang pag-alala ng isang bata at ang kanyang pagsasalita. Ito ay maantala dahil ang bata ay hindi nakakausap ang ibang tao at ito ay tumutulong upang matuto sila ng bagong mga salita. Ngunit dahil sila ay nakatutok lamang sa kanilang gadyet wala silang natutunang mga bagong salita (Sundus, J Depress Anxiety 2018). Subalit ayon kay Dr. Rajini Sarvananthan maaaring makatulong ang teknolohiya para pasiglahin ang kanilang pandama at imahinasyon mula sa mga malikhain na mga aplikasyon. Maliban dito dahil sa mga aplikasyon na ito mauunlad nito ang koordinasyon ng mata at kamay.
Karagdagan sa “cognitive delay” ang kahirapan sa pag-aaral. Ayon sa KidKare makakaapekto sa kanilang pag-alala at konsentrasyon ang telepono. Ang mga bata ay maaring malapit sa kanilang damdamin na wala na silang ibang gustong gawin kundi gamitin ito. Ngunit makakatulong din naman ang paggamit ng teknolohiya sa kabataan dahil sa mga impormasyon na makukuha rito para sa pananaliksik, takdang-aralin at iba pang gawain pangeskwela. Ito ay mas madali at malalapitan (“accessible”). Ngunit dapat ito ay may limitadong paggamit pa rin dahil ang isang bata ay maaaring magkagumon sa teknolohiya na maaaring magdulot ng sakit sa isip katulad ng pagkalungot, pagkabalisa, “autism” at marami pang mga sakit. Ang teknolohiya ay hindi lamang nakakasama sa mentalidad ng isang bata kundi na rin sa kanyang kalusugan.
Ang teknolohiya ayon sa World Health Organization ay maaaring magdulot ng kancer sa isang bata dahil sa “electromagnetic field” na nanggagaling dito. Masama rin ito sa mata ng kabataan kapag ito’y palanging nakatitig sa komputer o telepono. Ang kanyang mata ay lalabo at maaaring magkaroon siya sakit ng ulo. Maliban sa mga ito, ang madalas na paggamit sa teknolohiya ay makakaapekto sa paglaki ng bata. Ayon sa KidKare maaantala ang paglaki ng isang bata dahil hindi nagagamit ng bata ang kanyang katawan. Ang sanhi rin nito ay labis na katabaan. Ayon sa Sydney Children’s Hospital ang kabataan ay dapat makagamit ng teknolohiya subalit kailangan ito’y may katamtaman. Ang batang labing walo hanggang dalawampu’t apat na buwan ay wala dapat pagkakalantad sa gadyet, ito ay ayon sa The American Academy of Pediatrics. Ayon din sa kanila ang mga batang may edad na dalawa hanggang lima ay ipapagamit ng isang oras lamang ang gadyet. Para naman sa mga batang nag-aaral na kailangan ang paggamit ng bata sa gadyet ay may pangangasiwa ng kanilang magulang upang hindi maapektuhan ang kanilang isipan at kalusugan.
Ang mga batang nasa edad na labing tatlo at pababa ay dapat hindi ilantad sa mga teknolohiya. Kahit nakakatulong ang gadyet sa pang araw-araw na gawain ng isang bata. Ito’y may epekto pa rin sa kanilang kalusugan at kaisipan. Ang katawan ng isang bata ay umuunlad palang at ang maagang paglantad ng teknolohiya sa kanila ay distraksyon para sa tamang paglaki nila.
Talasanggunian
- (2014, October 8). Electromagnetic Fields and Public Health: Mobile Phones. Retrieved from https://www.who.int/en/news-room/fact-sheets/detail/electromagnetic-fields-and-public-health-mobile-phones
- KidsKare. (2018, July 3). Electronic Gadgets in Children. Retrieved from https://kidskare.in/electronic-gadgets-in-children/
- Holmes, J. (n.d.). 9 Effects of Modern Gadgets on Children Development. Retrieved from
- https://www.playgroundequipment.com/effects-modern-gadgets-children-development/
- History. (2011, June 12). What is a gadget? Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=19M27uUNBJs
- (n.d.). Screen Time and Children. Retrieved from https://www.schn.health.nsw.gov.au/fact-sheets/screen-time-and-children
- (n.d.). Early Brain Development and Health. Retrieved from https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/early-brain-development.html
- (2014, February 17). Children’s attention spans at risk from too much screen time. Retrieved from http://theconversation.com/childrens-attention-spans-at-risk-from-too-much-screen-time-23051
- Schmitt, B. (2014). Attention Deficit/ Hyperactivity Disorder (ADHD): How to Help your Child. Retrieved from https://www.summitmedicalgroup.com/library/pediatric_health/pa-hhgbeh_attention/
(2018). The Impact of using Gadgets on Children. Retrieved from https://www.longdom.org/open-access/the-impact-of-using-gadgets-on-children-2167-1044-1000296.pdf