Hazing: Bakit Kailangan Ito Ipagbawal sa Lahat ng Kapatira

Isinulat ni: Chloe Bettina J. Vale


Persweysib

Ang hazing ay dapat ipagbawal sa lahat ng mga kapatiran. Ayon sa Oxford Dictionary, ang hazing ay “imposition of strenuous, often humiliating, tasks as part of a program of rigorous physical training and initiation.” Base sa kahulugan nito sa Ingles, ang hazing ay ang paggamit ng mahirap at nakakahiyang gawain bilang isang pamamaraan sa pagtanggap sa bagong kasapi.

Una, ito ay dapat hindi payagan sa mga fraternity dahil ito ay mapanganib at ang mga miyembro ay maaaring magkaroon ng maraming pinsala sa katawan. Ang mga halimbawa ng ginagawa ay ang paginom nang napakaraming alak, pagpaso ng kahit anumang mainit na bagay, paggamit ng pisikal na karahasan at iba pa. Sa paggawa nito, tunay na nasasaktan ang mga biktima. Hindi ko man laman kayang isipin kung gaano karami ang sakit na naranasan ng biktima. Saka, hindi rin dapat nila maranasan ang ganitong pananakit dahil wala man lamang silang masamang nagawa.

Ikalawa, hindi dapat ito ipinapahintulot sa mga fraternity dahil ito ay nakakasira sa dignidad ng tao. Madalas ang mga paraan ng hazing ay hindi makatao. Ang mga kasangkop din sa hazing ay wala masyadong pakialam sa kapakanan at kaligtasan ng mga biktima. Malinaw na wala silang respeto para sa mga biktimang may karapatang respetuhin din dahil tao sila at lahat ng tao ay magkapantay-pantay.

Huli, ang hazing ay nakakamatay. Sa puntong iro, hindi na talaga maipapatawad ang hazing. Nawalan ng buhay ang mga inosenteng biktima. Sila ay bata pa lamang na may maliwanag na kinabukasan sana ngunit nawala ito sa kanila dahil sa hazing. Napakalungkot din ito para sa mga pamilya ng mga biktima ng hazing.  Nawalan sila ng anak, kapatid, pinsan at napakasakit ito para sa kanila. 

Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagiging biktima nga hazing at namamatay dahil dito. Walang talagang kabutihan ang naidudulot ng hazing dahil sa kasamaan, kalupitan at kawaan ng katarungan nito. Ngayon, kailangan na ng mga unibersidad na maging mas istrikto sa kanilang mg kapatiran. Dapat may maayos na pangangasiwa ang bawat kapatiran upang mapasigurado na walang hazing ay nagyayari at lahat ng mga aktibidad nila ay ligtas at kapaki-pakinabang para sa mga miyembro. Ito ay para lahat para sa kapakanan ng mga miyembro na hindi dapat makaranas ng anumang abuso, pananakit, pagsira sa dignidad at kamatayan.

Sa kabuuan, ang hazing ay nakakasakit, nakakapinsala, sumisira sa dignidad at nakakamatay. Ang mga paraan ng hazing ay sobrang delikado at hindi makatao. Wala itong tunay na mabuting epekto sa mga biktima dahil nasasaktan lang sila. Dahil dito, hindi dapat pinapayagan ang mga kapatiran na gumawa ng kahit anuman hazing.


Argumentatibo

Ang hazing ay dapat mahigpit na ipagbawal sa lahat ng mga kapatiran. Ayon sa Oxford Dictionary, ang hazing ay “imposition of strenuous, often humiliating, tasks as part of a program of rigorous physical training and initiation.” Base sa kahulugan nito sa Ingles, ang hazing ay ang paggamit ng mahirap at nakakahiyang gawain bilang isang pamamaraan sa pagtanggap sa bagong kasapi.

Una, ang hazing ay dapat hindi payagan sa mga kapatiran dahil ito ay mapanganib at ang mga miyembro ay maaaring magkaroon ng maraming pinsala sa katawan. Ang mga paraan ng hazing ng mga kapatiran ay talagang malupit at nakakasira sa kalusugan at kahalingan ng katawan. Sa isang kaso sa Amerika, si Timothy Piazza, isang dating mag-aaral sa Penn State University ay pinaginom ng labing walong bote ng malalakas at iba’t ibang alak. Dahil dito, siya ay nalasing at nahulog sa hagdanan ng frat house. Bilang resulta, nagkaroon siya ng pinsala sa utak. Isa pang halimbawa, si Horacio Castillo, isang dating mag-aaral ng UST at miyembro ng Aegis Juris Frat ay nagkaroon ng mga “hematoma”, maraming pasa saka mga paso galing sa mga sigarilyo. Sa mga ebidensyang ito, tunay na hindi ligtas ang hazing kaya hindi dapat ito ipinapahintulot sa mga kapatiran.

Ayon sa mga tagasuporta ng hazing, ang hazing sa tao ay nakakadisiplina at nakakalakas sa loob, at nagagawa ito sa pamamagitan ng pananakit at pagiging marahas dahil natatakot ang mga biktima. Kailangan din ito upang mapalakas ang kalalakihan ng isang lalaki. Ngunit, wala itong konkretong pruweba. Mas maraming paraan kung paano palakasin ang loob at disiplinahin ang sarili nang mapayapa at ligtas. Base sa isang artikulo ng Pediatric Child Health (2004), ang pagdisiplina sa mga bata ay epektibo kung ito ay patas, ankop sa ugali at para sa indibidwal na pagbubuti. Ang ganitong disiplina ay dapat gamitin din ng mga miyembro ng mga kapatiran dahil patungo ito sa epektibong pansariling pagdisiplina. Ang maayos na pagdisiplina ng mga lider ay tumutulong sa paglakas ng loob ng isang tao. Dito, hindi kailangan maging marahas at malupit upang maligtas din ang mga miyembro ng isang kapatiran. Maaari ring mag-ayos ng mga iba’t-ibang aktibidad ang mga lider ng kapatiran para sa disiplina tulad ng mga pagpupulong, “workshop”, at iba pa.

Ikalawa, hindi dapat ipinapahintulot ang hazing sa mga kapatiran dahil ito ay nakakasira sa dignidad ng tao. Ang mga kilos ng kaharasan sa hazing ay tunay na hindi gumagalang sa pagkatao ng mga biktima. Sa hazing ni Gullio Servando, isang dating mag-aaral ng De La Salle College of St. Benilde, nakikita sa isang CCTV video na siya ay walang kamalayan habang hinihila sa palabas ng elebeytor. Nakikita rin na wala man lamang pakialam at pag-ingat ang mga kasamahan ni Servando. Sa Amerika, matitindi rin ang mga kaharasang ginagawa sa mga biktima. Noong 1959, si Richard Swanson, isang dating mag-aaral ng Univerity of California ay pinakain ng isang atay na babad sa mantika at lunokin ito nang hindi ngumunguya. Dahil dito, siya ay nabulunan. Dahil talagang walang respeto ang mga kasangkop ng hazing sa kanilang biktima, nawawala ang kanilang dignidad kaya dapat ipagbawal ang hazing sa mga kapatiran.

Gayunpaman ay naniniwala pa rin ang mga tagasuporta ng hazing na ang pagsasagawa ng hazing ay nagtuturo ng respeto. Ngunit, ang pagsira sa dignidad ay maraming epekto sa kalusugang pangkaisipan ng isang tao. Ang mga gawain ng mga miyembro ng kapatiran ay matuturing pisikal na pagaabuso dahil ito ay marahas. Ayon sa MentalHelp.net (n.d.), maaaring magkaroon ng trauma or sikolohikal na problema ang mga biktima ng kahit anong abuso. Dahil dito, sila ay maaaring magkaroon din ng pagkabalisa at depresyon pagkatapos ng naranasan nilang abuso.

 Huli, ang hazing ay nakakamatay. Lahat ng mga tao na nailahad sa itaas ay namatay dahil sa mga pinsalang nakuha nila sa hazing. Dahil napakarahas na ng mga ginawa sa mga biktima, hindi na nakaya ng kanilang katawan ang mga epekto ng hazing kaya sila ay namatay. Sa Pilipinas pa lamang, mayroon nang tatlompu’t-isang kamatayan mula pa noong 1954 (ABS-CBN Research and Investigative Group, 2017). Base naman sa artikulo ni Hank Nuwer (n.d.), halos isang lalaki ay namamatay dahil sa hazing  sa Amerika mula pa noong 1953.

Kahit may namamatay rito, ayon sa mga gumagawa ng hazing, hindi raw nila intensyon na mamatay ang mga biktima. Ngunit, hindi ito wastong dahilan. Ang mga kasangkot sa anumang hazing ng biktimang namatay ay tunay na pumatay pa rin sa tao. Sa Pilipinas, ang Republic Act No. 7659 Art. 248 ay nagsasabi na, “Murder. – Any person who, not falling within the provisions of Article 246 shall kill another, shall be guilty of murder and shall be punished by reclusion perpetua, to death if committed with any of the following attendant circumstances:

6. With cruelty, by deliberately and inhumanly augmenting the suffering of the victim, or outraging or scoffing at his person or corpse.”

Ibig sabihin nito, hindi babago na ang paggawang hazing ng mga kasangkot ay pagpatay pa rin sa ibang tao dahil ginawa ito gamit ng karahasan, kalupitan at para sa pagdusa ng biktima.

Iba rin ay magtatalo na bawal na ang hazing sa Pilipinas base sa bagong Hazing Law na inaprubahan at pinirma ni Pangulong Duterte base sa Anti-Hazing Act of 2018. Sa ibang mga bansa, marami ring mga batas ay nagbabawal ng hazing (HazingPrevention.Org, n.d.). Subalit, nakikita na hindi ito mahigpit na ipinapatupad ng mga kolehiyo ay kapatiran dahil mayroon pa ring mga kaso ng hazing. Isang halimbawa nito ay ang naibahaging kaso ni hazing Timothy Piazza. Nangyari iton noong 2018 kahit matagal nang may batas tungkol pagbabawal sa hazing. Dahil dito, kailangan talagang mas istrikto at mahigpit ang lahat ng kolehiyo sa pamamahala sa kanilang kapatiran.

Sa kabuuan, ang hazing ay nakakasakit, nakakapinsala, sumisira sa dignidad at nakakamatay. Ang mga paraan ng “hazing” ay sobrang delikado at hindi makatao. Wala itong tunay na mabuting epekto sa mga biktima dahil nasasaktan lang sila. Dahil dito, hindi dapat pinapayagan ang mga kapatiran na gumawa ng kahit anuman hazing.

Talasanggunian

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started