Ang Paggamit ng mga Libro/Papel sa Paaralan

Isinulat ni: Andrea De Jesus


Tekstong Persweysib

Sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, marami na ang pagbabago sa larangan ng edukasyon. Madalang na ang paggamit ng kabataan ng mga aklat dahil sanay na silang gumamit ng mga kompyuter at gadgets sa kanilang pag-aaral. Tila hindi na humahawak ng mga aklat ang kabataan ngayon. Madalas, nakababad na sila sa internet. 

Dati, aklat ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon. Ngayon, sa internet na ang takbuhan ng mga kabataan kapag may nais silang malaman. Unti-unti naring pinapayagan ng ibang paaralan na palitan na ang mga libro ng mga “tablets or Ipads” ngunit nais ba talaga nating pabayaan ang mga kabataan magbabad nalang sa makabagong teknolohiya o gumamit parin ng aklat sa paaralan? Para sa akin, mas mainam parin gumamit ng aklat sa pag-aaral ang mga kabataan. Hindi dahil ayoko ng makabagong teknolohiya kundi mas maraming benepisyo ang makukuha nila sa pag gamit ng aklat kaysa sa pagbabad sa internet. At hindi masisiguraduhan na ang mga ginagawa nila sa telepono nila ay para talaga sa pag-aaral.

Napapansin niyo ba na maraming kabataan ngayon ang bata pa lamang ay nakasalamin na? isa ito sa epekto ng parating nakababad sa internet. Mas mainam gumamit ng libro dahil hindi nakakasilaw sa ating mata ang pagbabasa mula dito kumpara sa mga gadgets. Walong oras sila nasa eskwelahan, talaga bang pababayaan ninyo na nakatitig lang ang anak o estudyante ninyo sa kanilang mga telepono? Hindi ba dapat inaalagan ninyo ang mga bata na pumapasok kaysa sa pagbibigay pa ng problema sa kanilang mga mata? At saka maiiwasan pa nila ang maraming temptasyon na mayroon sa internet kapag sa libro sila nagpokus ng pagaaral. Ang paggamit pa ng libro sa paaralan ay magbibigay ng katiyakan sa inyo na may natutunan talaga sila at kasabay nito sila ay nagbabasa pa at walang pagkagambala sakanila.

Ang paggamit din ng mga papel o libro sa paaralan ay mas makakatulong pa sa memorya ng mga bata dahil pag isinusulat nila ito, mas matatandaan nila o mas tatatak ito sa kanilang mga isip. Dahil dito mas makaka aral ng mabuti ang mga bata at mas magkakaroon ng mga matataas na marka sa paaralan. Hindi ba ito naman ang gusto nating lahat para sa mga bata? Ang pagbabasa din at pagsusulat sa isang papel ay mas makaka buti sa kanilang mga imahinasyon at pagkakamalikhain dahil mas may kalayaan sila sa pagsusulat. Hindi lang iyan pero mas makakabuti pa ang kanilang talasalitaan. Kapag telepono ang gamit, hindi gaano maaalala ng mga bata ang impormasyon na makukuha nila at mabilis din sila pumunta sa isa pang aplikasyon dahil hindi lahat ng mga bata ay may pagtitimpi sa sarili. 

Alam din natin na maraming temptasyon ang mayroon sa internet. Isa na rito ang social media na maaring maging hadlang sa konsentrasyon ng mga mag-aaral habang gumagamit ng tablet sap ag-aaral. Madali lamang nila ma-acces ang ibat ibang social media sites habang gumagamit ng gadgets sa pagaaral. Pumapangalawa rito ang mg laro na makikita sa internet. Alam natin na noon pa man marami nang nalululong sa mga video games kahit wala pang internet pero mas lumala ito nang nagkaroon na ng internet dahil sa mabilis na pag access nila sa iba’t-ibang uri ng mga laro dito. Ang mga ito ay nakakasagabal sa pag-aaral ng kabataan.

Sa paggagamit naman ng mga libro o papel sa paaralan, ito ay mas makakabawas ng sakit sa ulo para sakanila. Hindi ba mas komportable itong mga impormasyon na ito? Na hindi sasakit ang ulo nila at maaalala lahat ng mga nakukuha nilang impormasyon? Dapat lagi muna natin tandaan ang mga kalagayan ng mga bata at kung saan sila makakabuti, hindi dapat tayo sumasangayon agad sa paggamit ng telepono kasya sa libro sa paaralan dahil maraming magagawa ang mga bata na hindi para sa paaralan o takdang aralin kapag hawak ang isang telepono. 

Ang aklat o libro parin ang dapat mabisang gamitin sa pag-aaral. Dito, maiiwasan ng mga mag-aaral ang mga temptasyon bigay ng mga makabagong teknolohiya at makakapagpokus sila sa kanilang leksyon sa paaralan. Matututo rin sila na kontrolin ang kanilang sarili at gumamit ng ibang kasanayan tulad ng pagsusulat at pagkopya ng teksto kaysa sapag type or copy/paste ng  mga teksto sa internet. 


Tekstong Argumentatibo

Sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, marami na ang pagbabago sa larangan ng edukasyon. Madalang na ang paggamit ng kabataan ng mga aklat dahil sanay na silang gumamit ng mga kompyuter at gadgets sa kanilang pag-aaral. Tila hindi na humahawak ng mga aklat ang kabataan ngayon. Madalas, nakababad na sila sa internet. 

Dati, aklat ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon. Ngayon, sa internet na ang takbuhan ng mga kabataan kapag may nais silang malaman. Unti-unti naring pinapayagan ng ibang paaralan na palitan na ang mga libro ng mga “tablets or Ipads” ngunit nais ba talaga nating pabayaan ang mga kabataan magbabad nalang sa makabagong teknolohiya o gumamit parin ng aklat sa paaralan? Para sa akin, mas mainam parin gumamit ng aklat sa pag-aaral ang mga kabataan. Hindi dahil ayoko ng makabagong teknolohiya kundi mas maraming benepisyo ang makukuha nila sa pag gamit ng aklat kaysa sa pagbabad sa internet. At hindi masisiguraduhan na ang mga ginagawa nila sa telepono nila ay para talaga sa pag-aaral.

Napapansin niyo ba na maraming kabataan ngayon ang bata pa lamang ay nakasalamin na? isa ito sa epekto ng parating nakababad sa internet. Mas mainam gumamit ng libro dahil hindi nakakasilaw sa ating mata ang pagbabasa mula dito kumpara sa mga gadgets. Walong oras sila nasa eskwelahan, talaga bang pababayaan ninyo na nakatitig lang ang anak o estudyante ninyo sa kanilang mga telepono? Hindi ba dapat inaalagan ninyo ang mga bata na pumapasok kaysa sa pagbibigay pa ng problema sa kanilang mga mata? At saka maiiwasan pa nila ang maraming temptasyon na mayroon sa internet kapag sa libro sila nagpokus ng pagaaral. Ang paggamit pa ng libro sa paaralan ay magbibigay ng katiyakan sa inyo na may natutunan talaga sila at kasabay nito sila ay nagbabasa pa at walang pagkagambala sakanila.

Ang paggamit ng teknolohiya, ay isang dahilan kung bakit may salamin na ang kabataan pero ayon sa Myopia Institute hindi lang iyon ang dahilan, dahil pwede din sa mga iba’t-ibang radyasyon. Isang magandang dahilan sa pagamit ng mga telepono sa pag-aaral, ay ang pagpapadali ng pagdadala ng mga gamit sa paaralan. Alam natin na mabibigat ang mga aklat na ginagamit sa mga leksyon sa paaralan. Madalas nagiging problema ito sa mga mag-aaral tulad ng pag pangit ng tindig at pagsakit ng likod . Ayon sa American Academy of Orthopedic surgeons, ang isang estudyante ay dapat sampung porsyento lamang ng kanilang timbang ang dapat nilang bitbitin/buhatin ngunit ang pagbubuhat ng kanilang mga aklat papasok at pauwi ng paaralan ay mas madalas na mas mabigat pa.

Bagamat mabigat talaga ang mga aklat maraming paraan ang maaring gawin upang hindi maapektuhan ang mga kabataan. Ayon sa Kids Health, pwede magdala ng isa pang bagahe ang mga estudyante para ma balanse ang mga bitbit niya. Ayon naman kay Andy Orin, pwede naman ilagay ng mga estudyante ang mga libro na hindi nila kakailangan sa kanilang mga maliit na kompartimento. Ito din ay binibigay ng mga eskwelahan para talaga sa mga libro at para gamitin ng mga estudyante at hindi pabayaan lamang.   

Ang paggamit ng telepono sa paaralan ay may mga benepisyo rin dahil ayon kay Keengwe at Bhargava (2013) ang paggamit ng teknolohiya sa paaralan ay mas nakakabilis ng komunikasyon sa mga estudyante at sa mga guro, sa pag kukuha ng mga impormasyon para sa gawain ang kasali na din dito. Ayon din kay Daniel Adeboye ng eLearning Industry, sa isang pananaliksik sa Unibersidad ng KwaZulu-Natal 92% ng mga estudyante ay nagsabi na mas madaling gamitin ang mga telepono nila dahil mas mabilis nila makukuha ang mga impormasyon. Sinasabi din ng mga estudyante na mahahanap nila agad kung ano ang kailangan nila para sa kanilang gawain. Ayon din kay Daniel Adeboye na kapag gamit ang mga teknolohiya sa eskwelahan, pwede mapadala na ng mga guro ang mga talakayan o panayam nila sa mga estudyante at may kopya na sila at hindi na gagamit ng papel para kumopya pa, nakakatipid sa oras ng klase at guro. 

Ayon naman kay Catherine Winter, ang paggamit ng mga libro ay mas nakakapag paliwanag ng mabuti sa isang paksa na binabasa ng mga estudyante, kahit mabilis man makuha ang impormasyon sa hawak nilang teknolohiya, minsan hindi siya ka gaano maaasahan at minsan hindi marami ang mga lehitimong impormasyon na makukuha ng mga estudyante. Sinasabi din ni niya na ang paggamit ng mga libro ay mas nakaka buti sa mga kaalaman ng mga estudyante dahil kapag isunusulat ang mga aralin galing sa guro, mas maaalala ang mga impormasyon ng mga  estudyante. Ayon naman sa World Economic Forum, ang paggamit ng mga libro ay ang unang gamit talaga sa pag-aaral at sa paggamit nito, dito makakapag-isip talaga ang mga estudyante at kasabay dito magbibigay ng konsentrasyon sa estudyante. Ayon kay Paras Bhatia, ang pagbabasa din at pagsusulat sa isang papel ay mas makaka buti sa kanilang mga imahinasyon at pagkakamalikhain dahil mas may kalayaan sila sa pagsusulat. 

Alam din natin na maraming temptasyon ang mayroon sa internet. Isa na rito ang social media na maaring maging hadlang sa konsentrasyon ng mga mag-aaral habang gumagamit ng tablet sa pag-aaral. Madali lamang nila ma-acces ang iba’t ibang social media sites habang gumagamit ng mga teknolohiya sa pag-aaral. Pumapangalawa rito ang mg laro na makikita sa internet. Alam natin na noon pa man marami nang nalululong sa mga video games kahit wala pang internet pero mas lumala ito nang nagkaroon na ng internet dahil sa mabilis na pag access nila sa iba’t-ibang uri ng mga laro dito. Ang mga ito ay nakakasagabal sa pag-aaral ng kabataan.

Ayon naman sa Academin Rigour, marami na sa mga kabataan ngayon ang gumagamit ng mga telepono, pati ang mga guro ay gumagamit na ng mga telepono. Sa isang pagsisiyasat sa Pew Research Center may 58% na mga guro ang gumagamit ng mga telepono para gamitin sa mga eskwelahan. Ayon di sa artikulo, 73% ng mga guro ay ang nagsasabi na ang gamit ng telepono ay mas nakakabuti sa pagsasagot ng mga estudyante sa klase at sa kanilang mga gawain. 47% din ng mga guro ang sumasangayon na gumamit ng mga telepono sa klase dahil ito nga daw ang bumabago sa kabataan ngayon. 

Bagamat, ayon din sa Academic Rigiour ang paggamit ng telepono sa klase ay hindi lagi mababantayan ng mga guro kung ang ginagawa ng mga estudyante ay para ba talaga sa kanilang mga gawain o hindi pero kapag gamit naman nila ang mga libro o papel, alam ng mga guro na hindi ibabahagi ng mga estudyante ang mga sagot sa kanilang mga kaibigan dahil makikita naman ng mga guro kapag papel ang hawak pero kapag telepono, hindi malalaman ng guro. Kaya pag libro o papel ang gamit ng mga estudyante, may katiyakan ang mga guro na ang mga estudyante ay gumagawa talaga ng mga gawain para sa paaralan. 

Sa paggagamit ng mga libro o papel sa paaralan, ito din ay mas makakabawas ng sakit sa ulo para sakanila. Dapat lagi muna natin tandaan ang mga kalagayan ng mga bata at kung saan sila makakabuti, hindi dapat tayo sumasangayon agad sa paggamit ng telepono kasya sa libro sa paaralan dahil maraming magagawa ang mga bata na hindi para sa paaralan o takdang aralin kapag hawak ang isang telepono. 

Ang aklat o libro parin ang dapat mabisang gamitin sa pag-aaral. Dito, maiiwasan ng mga mag-aaral ang mga temptasyon bigay ng mga makabagong teknolohiya at makakapagpokus sila sa kanilang leksyon sa paaralan. Matututo rin sila na kontrolin ang kanilang sarili at gumamit ng ibang kasanayan tulad ng pagsusulat at pagkopya ng teksto kaysa sapag type or copy/paste ng  mga teksto sa internet. 

Talasanggulian:

  1. Adeboye, D. (2016, July 15). 5 Effective Uses Of Mobile Technology In The Classroom. Retrieved from https://elearningindustry.com/5-uses-mobile-technology-in-the-classroom
  1. Winter, C. (2019, June 4). 10 Benefits of Reading: Why You Should Read Every Day. Retrieved from https://www.lifehack.org/articles/lifestyle/10-benefits-reading-why-you-should-read-everyday.html
  1. Alexander, P. A., Singer, L. M., University of Maryland, University of Maryland, University of Maryland, & University of Maryland. (2017). Students learn better from books than screens, according to a new study. Retrieved from https://www.weforum.org/agenda/2017/10/students-learn-better-from-books-than-screens-according-to-a-new-study
  1. Barnwell, P. (2016, April 27). Should Smartphones Be Banned From Classrooms? Retrieved from https://www.theatlantic.com/education/archive/2016/04/do-smartphones-have-a-place-in-the-classroom/480231/
  1. Lynch, M., & Dean. (2020, January 21). Do mobile devices in the classroom really improve learning outcomes? Retrieved from http://theconversation.com/do-mobile-devices-in-the-classroom-really-improve-learning-outcomes-38740
  1. https://www.quora.com/I-used-to-read-a-lot-of-books-I-know-it-improved-my-vocabulary-and-has-expanded-my-knowledge-But-recently-due-to-time-constraints-I-have-not-read-many-books-What-are-the-advantages-of-reading-a-lot-of-books
  1. Dowshen, S. (Ed.). (2016, August). Backpack Safety (for Parents) – Nemours KidsHealth. Retrieved from https://kidshealth.org/en/parents/backpack.html
  1. Orin, A. (2015, August 21). How to Deal with a Heavy Backpack. Retrieved from https://lifehacker.com/how-to-deal-with-a-heavy-backpack-1725542147
  1. Myopia Institute. (2018, April 19). Video: Effects of Excessive Screen Time on Your Kids’ Eyes. Retrieved from https://www.myopiainstitute.com/eye-care/video-effects-of-excessive-screen-time-on-your-kids-eyes/
  2. https://www.researchgate.net/publication/235439008_The_Impact_of_Mobile_Phone_Usage_on_Student_Learning

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started