Jeepney: Karapatan ng mga Tsuper at Mga Patakaran ng Pamahalaan

Isinulat ni: Francesca Racimo


Hindi matatanggal ang imahe ng jeepney sa lokal na panoorin. Wala ka sa Pilipinas kung wala kang makikitang jeepney sa likuran. Kaya naman nakakabahala na ang mga karapatan ng mga manggagawa, ng mga tsuper at drayber, ay nasa panganib  dahil sa iilang mga patakaran ng pamahalaan. 

Halaga ng mga Jeepney sa Lipunan

Tiyak na nakabaon na ang mga jeepney sa kulturang Filipino at sa pang-araw-araw na buhay ng mga Filipino. Sa kultural na aspeto, ang jeepney ay natatangi sa kultura ng Pilipinas. At hindi lang ito parte ng kultura, nagsisilbi na rin ito bilang simbolo ng diwa ng mga Filipino. Halimbawa, ay sa paglikha pa lamang nito mula sa mga lumang sasakyan ng mga Amerikano para sa gera at pagbago nito bilang isa sa pinaka kilala na paraan na transportasyon; pinapakita nito ang pagiging malikhain at pagiging mapag-paraan ng mga Filipino. 

Kinuha mula sa Philippine Jeepneys: Art on Wheels 

Ang mga imahe na nakapinta sa mga jeepney ay nagsisilbi bilang pisikal na katibayan ng iba’t-ibang bagay na parte ng kulturang Filipino, mula sa Catholisismo, mga kilalang “icon”, pagmamahal para sa pamilya at lokal na sining. Nakikita rin ang kaugaliang Filipino sa mga nakagawian mga praktis sa jeep. Halimbawa, ang pag-papasa ng pera sa tsuper, pinapakita nito ang diwa ng bayanihan. 

Sa pang-araw-araw na aspeto, mahalaga ang jeepney dahil ito ang pinaka karaniwang paraan ng pag- “commute”. Ayon sa survey ni Kardi Tekonomo, sa 771 na tao, 31% ang gumagamit ng jeepney, 21% para sa iba pa, 16% paglalakad, 12% bus, 10% MRT, 7% LRT2 at 3% ang gumagamit ng LRT1. (10.11175/eastsats.4.460) Mahalaga din ito, dahil ito ay nagsisilbi bilang pinaka epektibong alternatibo sa paggamit ng mga tren. Dahil, hindi gaya ng ibang mga bansa maraming problema at hindi mabisa ang sistema ng mga tren. 

Isang tsart ng gaano kadalas ang mga problema sa MRT2 mula 2016- 2017 . Kinuha mula sa MRT woes: How often do they happen? 

Hindi magiging ganito kahalaga ang mga jeepney sa kultura at pang-araw-araw na buhay ng mga Filipino kung hindi pinayaman at pinangalagaan ng mga tsuper na nagmamaneho ng mga ito. Sa bawat oras na minamaneho ng mga tsuper ang kanilang mga jeep, tumutulong silang pabutihin ang mararaming buhay ng mga Filipino at sa bawat bagong jeepney na ginagawa at minamaneho, tumutulong silang palaganapin at linangin ang kulturang Filipino; kaya naman importante na pahalagahan natin ang mga karapatan ng mga tsuper. 

Mga Problemang Gumagawa ng mga Peligro sa Mga Karapatang Manggagawa

Sa kabila ng importansya ng mga jeepney sa lipunan, marami pa rin patakaran at mga batas na ina-abuso at binabalewala ang mga karapatan manggagawa ng mga tsuper.

Batas TRAIN

Sa pagpasok sa bagong taon 2020, ang huling bahagi ng Batas TRAIN ay ipinatupad at muling tumaas ang excise tax sa mga produktong petrolyo. Sa huling pagtaas ng tax, tataas ang presyo ng gasolina at kerosene ng P1 at P1.50 kada litro para sa presyo ng diesel. Tataas din ang mga presyo para sa ibang produktong petrolyo ng P1, at sa kabuuan, tataas ng P10 kada litro ang presyo ng petrolyo. (New year, more taxes: Last fuel hike under TRAIN takes effect) Ito ay mayroong masamang epekto sa kinikita ng mga tsuper, dahil mas malaking bahagdan ng kanilang kinikita ay mapupunta sa pagbili ng petrolyong gas. 

Kung matatandaan natin noong taon 2017, ika-25 ng Hunyo, nagprotesta ang PISTON at ibang mga grupo tutol sa pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa Batas TRAIN.  (Piston, other groups to hold transport strike on June 25) Sabi ng mga grupo na dahil sa batas, mahigit-kumulang tumaas ng P9 ang presyo ng petrolyo at dahil dito mayroong dagdag gastos ng P270 para sa 30 litro araw-araw. At kung titingnan daw ang presyo ng gas sa simula ng administrasyong Duterte, tumaas daw ng P14 ang diesel, habang P16 ang gas at nagdadagdag pa ng halos P420 na gastos araw-araw. Kung problema na ito noong pagpasa pa lamang ng batas, mas malaking problema pa ito ngayon na mas mataas ng P1 ang presyo ng petrolyo. 

Modernisasyon ng Jeepney 

Kinuha mula sa Yes, Pedro, we need to modernize the jeepney

Simula pa lang ng taong 2017, sa paglabas ng proposal para sa modernisasyon, tumutol na agad ang maraming mga unyon at organisasyon ng mga tsuper at opereytor laban dito. Sa 2017 palang nagkaroon ng mga strike noong Pebrero 6, 26 at 27; sa sumunod na taon ng 2018, Marso 19; at noong nakaraang taon na 2019, habang papalapit na ang modernisasyon sa 2020, mas dumami ang mga strike, July 15 at ang mga hanay ng mga strike mula Septiyembre 30 hanggang Oktubre 1. Ang mga nagsunod-sunid na strike noong Septiyembre 30 hanggang Oktubre 1 ay tinuturing na isang sa pinakamalaking strike ng mga tsuper at operaytor, halos 85% ng mga tsuper at operaytor ang pumunta sa strike at nasuspende ang mga classes noong Septiyembre 30 sa maraming siyudad, kasa na ang Bacolod, Bago, Iloilo, Marikina, Masbate, Parañaque, Pasay at Manila at ang mga probinsya ng Pampanga at Rizal. (Massive transport strike set

Litrato sa kaliwa . Kinuha mula sa IN PHOTOS: Piston says nationwide transport strike a success

Litrato sa kanan . Kinuha mula sa Filipino transport workers strike against ‘modernization’ of public utility vehicles 

Mula sa mga balita at mga litrato na kumakalat sa internet, mukhang tutol sa pagbabago ang mga jeepney driver, ngunit hindi ito totoo. Hindi sila tutol sa pagbabago, tumututol sila sa proposal ng pagbabago ng pamahalaan. Ang problema sa Modernisasyon ng PUV  ay una, ito ay hindi mabisang tangka sa pag-aayos sa nakakapangaalingan sistema ng transportasyon ng bansa; pangalawa, masyadong mahal ang mga gastos na kinakailangan at lumalabas lang bilang isang halimbawa ng pagsasamantala ng mga korporasyon na pagkakitaan ang isang problema; at pangatlo, ito ay lumalabas bilang isang polisiya na kontra-mahirap. 

Unang punto, ang pampublikong transportasyon ay kinakailangan maging serbisyo para sa mga mamamayan mula sa pamahalaan, kaya kailangan ito ay mura o walang bayad. Ngunit, sa Modernisasyon, nakadepende pa rin ang pamahalaan sa isang korporasyon. Dahil dito mas tataas ang gastos ng pagbabago at pagbubuti ng sistema ng transportasyon, at sa huli mapupunta ito sa pagsakop at pagmomonopolyo ng isang korporasyon sa industriya ng mga jeepney. 

Pangalawa, dahil nakadepende nga ang gobyerno sa isang korporasyon mas mahal ang gastos sa pagbabago ng mga jeepney. Base sa programa ng polisiya, inaasahan ng pamahalaan na gumastos ng halos P1.2- 1.6 milyon ang mga tsuper para sa bagong jeep. Upang mabayaran ito kailangan nilang pumasok sa isang loan. Para ilagay sa konteksto, ang karaniwang kita ng isang tsuper kada-araw ay halos P1000, ngunit pagkinuha nila ang loan, kinakailangan magbayad sila ng, kumalkula, P800 kada-araw sa susunod na 8 taon para mabayaran ang loan. Wala sa konsidersyon ng pamahalaan na sa P1000 na kinikita ng mga tsuper, kailangan pa nilang gumastos para sa petrolyo (na nagtaas presyo na naman dahil sa Batas TRAIN) at pagkain, at hindi rin binibilang ang mga gastusin para sa mga pamilya nila tulad ng bayad sa bahay, mga bayad sa tubig at kuryente, edukasyon at iba pa. Masasabi na wala sa isip ng pamahalaan ang mga kinakailangan ng mga tsuper. Ito ay ang kabuhayan nila at kinakailangan nila ito para makaraos sa buhay. At hindi lang yan, ang mataas na gastos sa pagbabago ng mga jeep ay maipapasa sa balikat ng mga pasahero. At hindi ito tama, dahil karamihan ng mga pasahero ng mga jeep ay mga mahihirap at kaunti lang ang kita. 

Sinasabi ng pamahalaan na makakatulong ito sa pagbawas ng polusyon at mababawasan ang emisyon ng mga jeepney sa pagbago ng mga jeepney. Ngunit, base sa isang pananaliksik ng Manila observtory, nananagot lamang sa 15% ng emisyon “particulate matter” ang mga jeep sa Metro Manila. Kaya hindi sapat na sabihin na sa pag-ayos ng mga jeepney, malulutas ang problema ng polusyon. (Alternative Technologies for the Philippine Utility Jeepney )

Sa simulang-simula naman, nalikha at naging pangunahing paraan ng transportasyon ang mga jeepney dahil pagkatapos ng Pangalawang Digmaang Mundo, walang ginawa ang pamahalaan na sistema ng transportasyon para sa masa. (A Push To Modernize Philippine Transport Threatens The Beloved Jeepney) Bakit ngayon lang, pagkatapos ng ilang dekada ng kapabayaan at kawalan ng bahala, nila gustong bigla-biglang ayusin ang sistemang ito? Sa pagkakampeon nila sa modelo ng Modernisasyon na ito, lumalabas na ito ay isa na namang oportunidad para kumita imbis na tulungan ang mga taong kinakailangan ito. 

Imbis na isang pang mabilisang at agarang na solusyon, kailangan makipag tulungan ang pamahalaan sa mga tsuper at opereytor. Sabi nga ng pinuno ng PISTON, na “Gusto naman ng programang modernisasyon… pero kailangan makatarungan (socially-just), demokratiko at nakatuon ito sa serbisyo (public-service-oriented) at kailangan pangmatagalang layunin nito ay ang pagkakaisa (nationalization) ng pampublikong transportasyon.” (Everything You Need to Know About the PUV Modernization)

Konklusyon

Maraming dalang mahahalagang bagay at serbisyo ang mga jeepney at ang mga tsuper nito. Nagbibigay kulay sila sa araw-araw na buhay at nagsisilbi bilang isang “safety-net” sa hindi mabisang sistema ng transportasyon sa Pilipinas. Walang tumbas ang serbisyong dala ng mga tsuper at operator. Kaya naman kailangan tiyakin natin na pinoprotektahan ang kanilang mga karapatan, dahil sa pagpoprotekta ng mga karapatang ito, pinoprotektahan na rin natin ang mga karapatan ng mga pasahero, ang mga mamayan ng bansa. 

Bibliograpiya

  1. Alternative Technologies for the Philippine Utility Jeepney (n.d.) Kinuha mula sa https://cleanairasia.org/wp-content/uploads/2017/04/Jeepney-CB-Study.pdf 
  2. Elemia, C. (n.d.). Transport strike vs jeepney modernization set for September 25. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/nation/183204-transport-strike-stop-and-go-coalition-september-24 
  3. News, A. (2017, February 25). Jeepney drivers to hold strike Monday. Kinuha mula sa https://news.abs-cbn.com/news/02/25/17/jeepney-drivers-to-hold-strike-monday 
  4. News, A. (2017, August 04). Libo-libo, stranded dahil sa tigil-pasada kontra jeepney phaseout. Kinuha mula sa https://news.abs-cbn.com/video/news/02/06/17/libo-libo-stranded-dahil-sa-tigil-pasada-kontra-jeepney-phaseout 
  5. Paris, J. (n.d.). Malacañang ‘will not be intimidated’ by September 30 transport strike. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/nation/241362-malacanang-will-not-be-intimidated-september-30-2019-transport-strike 
  6. Rappler.com. (n.d.). IN PHOTOS: Piston says nationwide transport strike a success. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/move-ph/241407-photos-piston-says-september-30-transport-strike-success 
  7. Rappler.com. (n.d.). LTFRB urges ACTO to cancel July 15 transport strike. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/nation/235370-ltfrb-urges-acto-cancel-july-15-2019-transport-strike 
  8. Rappler.com. (n.d.). Piston, other groups to hold transport strike on June 25. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/nation/205422-jeepney-transport-strike-june-25-2018 
  9. Rey, A. (n.d.). New year, more taxes: Last fuel hike under TRAIN takes effect. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/business/248346-last-tranche-fuel-tax-hike-train-2020 
  10. Rey, A. (n.d.). Piston to hold transport strike against jeepney phaseout on March 19. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/nation/198269-piston-transport-strike-march-19 
  11. Transforming Public Transportion the Philippines. (2016) . Kinuha mula sa https://www.changing-transport.org/wp-content/uploads/2016_Full_NAMA_Concept_Jeepney_NAMA.pdf 
  12. Tuquero, L. (n.d.). LTFRB threatens to suspend, cancel franchises of operators who joined strike. Kinuha mula sa https://www.rappler.com/nation/241425-ltfrb-threatens-suspend-cancel-franchises-operators-joined-strike 
  13. Umali, J. (1970, January 01). Everything You Need to Know About the PUV Modernization. Kinuha mula sa https://www.esquiremag.ph/wheels/drive/puv-modernization-a2212-20191021-lfrm 
  14. Yap, M. Y. (2019, September 30). What’s going on with the Jeepney strikes in the Philippines? Kinuha mula sa https://sea.mashable.com/article/6506/whats-going-on-with-the-jeepney-strikes-in-the-philippines?amp=1

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started