“Fake News” sa 2019 SEA Games

Isinulat ni: Carmina Ashley Manabat


Kadamidaming kaso ng “fake news” ay naganap sa pagbalita ng 2019 Southeast Asian Games (SEA games). 

Isa sa mga unang kaso ng “fake news” ay ang pagbalita na ang Whitewoods Convention and Leisure Hotel, ang hotel na naninirahan ng Women’s Football team, ay naghanda ng “kikiam” para pang almusal na mga atleta. Si Let Dimzon, ang tagasanay ng Women’s Footbal team, ang Philippine Malditas, ay nagsabi sa isang panayam na “hindi enough yung rice and kikiam and egg, walang nutrients.” (ABS-CBN, 2019)

Ang tagasanay ng Philippine Malditas, si Let Dimzon: “ hindi enough yung rice and kikiam and egg, walang nutrients.” l ABS-CBN News

Ngunit naibunyag na wala si Let Dimzon noong inihain ang sinasabing “kikiam” at hindi niya ito natikman. Sa katotohanan, ang sinasabing “kikiam” ay “chicken sausage”. Sabi ni Bruce Lim, ang punong tagapagluto ng SEA Games, “It basically is just a chicken hotdog. The hotel wanted to liven it up a bit so what they did was saute it with soy sauce and different spices so it looked like kikiam, but it really wasn’t,” [“Chicken hotdog” talaga siya. Gusto lang ng hotel na pasiglahin lang ng kaunti kaya iginisa nila ito ng toyo at iba’t ibang pampalasa at kaya nag mukhang ito parang “kikiam”, pero sa katotohanan hindi.] (Domingo, 2019). 

Isa ding kaso ng “fake news”, ay ang pagbalita na ang “Biñan Football Stadium” ay hindi pa handa at sumasailalim ng pagkukumpuni. Sa artikulo na nagbalita nito ay ipinakita ng isang larawan ng isang hindi pa tapos na “football stadium”. Ngunit sa katotohanan ang “Biñan Football Stadium” ay handa at hindi sumasailalim ng pagkukumpuni. 

Ang artikulo na inihayag na nagbalita na hindi pa handa ang “Binan Football Stadium” at ang larawan na sinabi na ang hindi pa tapos na stadium. l Binan City Information Office

Sa katunuyan, ang “Biñan Football Stadium” ay kumpleto sa mga probisyon kailangan para sa SEA games. Nabalita ng maayos na ang “Biñan Football Stadium” ay may maayos na distribusyon ng mga bilyete, portalets, lugar para sa mga nawala at natagpuan na mga bagay, centro para sa media, 3,000 kapasidad sa pag-upo, at may pribadong silid para sa mga mahalagang bisita. May nakahanda ding “halal” na pagkain para sa pribadong silid na ito (Magpantay, 2019). Ang pagbalita na hindi handa ang Biñan Football Stadium ay “fake news” at ang larawan na sinasabing ay ang “Biñan Football Stadium” ay sa katotohanan ay ang “UP Diliman field”. 

Ang handa na “Biñan Football Stadium” para sa SEA Games. l ABS-CBN News

Tungkol sa mga kaso ng “fake news” sabi ni kinatawan, Alan Peter Cayetano na masama ang kayang loob tungkol sa mga instansiya na ito. “I can make light of it but it was painful,” sabi ni Cayetano (Colcol, 2019).

            Sa kabutihang-palad Ang mga kaso ng “fake news” ay hindi humadlang sa mga kapalaran ng mga atleta ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay nagtagumpay sa 2019 Southeast Asia Games at iginiwad ng 149 gintong medalya. 

Talasanggunian

ABS-CBN News. (2019, November 25). Breakfast of champions? SEA Games athletes’ kikiam and egg meal trends. ABS-CBN News. Retrieved from https://news.abs-cbn.com/news/11/25/19/breakfast-of-champions-sea-games-athletes-kikiam-and-egg-meal-trends

Colcol, E. (2019, November 28). Cayetano admits getting upset over ‘fake news’ on SEA Games hosting. GMA News Online. Retrieved from https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/717080/cayetano-admits-getting-upset-over-fake-news-on-sea-games-hosting/story/?amp 

Domingo, K. (2019, November 28). SEA Games food chief explains why athletes mistook chicken sausage as kikiam. ABS-CBN News. Retrieved from https://news.abs-cbn.com/news/11/28/19/sea-games-food-chief-explains-why-athletes-mistook-chicken-sausage-as-kikiam

Lozada, B. (n.d.). Thailand claims not enough Thai food, drinks for players at hotel. Inquirer.net. Retrieved from https://www.google.com/amp/s/sports.inquirer.net/374589/thailand-claims-not-enough-thai-food-drinks-for-players-at-hotel/amp

Magpantay, A. R. (2019, November 26). Stadium sa Binan, walang naging aberya sa simula ng SEA Games football. ABS-CBN News. Retrieved from https://news.abs-cbn.com/sports/11/26/19/stadium-sa-bian-walang-naging-aberya-sa-simula-ng-sea-games-football

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started