Isinulat ni: Jacqueline Tiongco
Ang Pagbabakuna
Ang pag- bakuna ay isa sa mga maraming bagay na kailangan natin gawin sa ating buhay. Kailangan natin ito para bumaba ang pagkakataon na magkaroon ng sakit.
Ang mga gamit ng bakuna
- Ang mga bakuna ay tumutulong sa ating immune system na makilala at malabanan ang mga sakit sa ating katawan. Nakakatulong ito na makamit ang immunidad nang walang panganib na makuha ang isang sakit.
- Ito ay nagpapalakas ng ating immune system. Kung hindi tayo mabakunahan, maaaring madali tayong kapitan o makakuha ng malubhang sakit. Dahil dito, pwede tayong magkaroon ng kapansanan o mas nababahala pang humantong sa kasawian.
- Pinipigilan nito ang pagkalat ng mga sakit. Kung maraming tao ang mabakunahan, mas kaunti ang mga magkakasakit. Pinipigilan nito ang mga masasamang sakit tulad ng measles, mumps, polio, tetanus, at marami pang iba.
Ang mga epekto ng bakuna sa iyong katawan
- Magiging liway ka sa mga sakit. Kapag halos lahat ng populasyon ay nagpabakuna, ang ibang mga tao na hindi nabakunahan ay may mas kaunting pagkakataon na magkaroon ng sakit. Ito ay tinatawag na “herd immunity.”
- Ang bakuna ay nagbibigay ng panghabang buhay na proteksyon. Ito ay isang mahina o patay na mikrobyo na nilalagay sa iyong katawan. Ito ay nagagawa upang makilala ng ating immune system ang iba’t ibang mga sakit opang makagawa ito ng mga sapat na “anibodies” laban sa mga sakit na iyon. Pagkatapos nito, ang ating immune system ay handa na para protektahan ang ating katawan.
Mga istatistika ng bakuna
- Ang pagbakuna ay iniligtas ng 3-5 milyong tao bawat taon.
- Depende sa bakuna, ang pagbabakuna ay pwedeng magsimula sa pagkasilang ng isang bata. Ayon sa World Health Organization, noong 2018, 121.5 million (na mga na wala pang isang taaon gulang) ay nakakuha ng unang dosage ng diphtheria, tetanus, pertussis (DTP). Pero, may 19 million pang mga bata na isang taon na hindi pa nakakuha ng ikatlong dosage ng DTP. dahil dito, hindi sila nakakuha ng full immunity. Ang grapiko sa ibaba ay nagpapakita ng statistika sa buong mundo ng mga bata na isang taon gulang na nakakuha ng bakuna noong 2018.
- Ang “herd immunity” ay nagbibigay ng proteksyon sa mga tao na hindi nagpabakuna. Kapag maraming liway sa mga sakit, napipigilan ang pagkakalat ng mga sakit sa ibang tao. Ito ay nagbibigay din ng mas mataas na pagkakataon na mawawala ang sakit sa komunidad na iyan. Ang table sa ibaba ay nagpapakita ng istatistika tungkol sa pursiyento ng populasyon ng komunidad na kinakailangan mabakunahan para maakamit ang “herd immunity.” Ito ay tinatawag na “herd immunity threshold (HIT)”.
Talasanggunian
Data, statistics and graphics. (2019, December 13). Retrieved from https://www.who.int/immunization/monitoring_surveillance/data/en/
Vaccination and Immunization Statistics. (n.d.). Retrieved from https://data.unicef.org/topic/child-health/immunization/#data
Vaccines. (2019, September 19). Retrieved from https://www.who.int/topics/vaccines/en/
Vanderslott, S., Dadonaite, B., & Roser, M. (2013, May 10). Vaccination. Retrieved from https://ourworldindata.org/vaccination
Why is vaccination so important? (n.d.). Retrieved from https://www.fhi.no/en/id/vaccines/childhood-immunisation-programme/why-is-vaccination-so-important/