Isinulat ni: Kristella Maria H. Rivera
Mga bahay ng informal settlers sa Manila Bay
Madami ang ginagawa para sa paglinis ng Manila Bay. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), hindi pa pwedeng lumangoy ang mga tao sa tubig ng Manila Bay (DOH, 2019). Sa Manila Bay lamang, siyam na daang tonelada ng basura and nakararating sa dalampasigan (Cudis, 2019). Dahil sa kaalaman sa suliraning ito, mayroon nang higit pa sa isang libo ang nagkusang-loob na tumulong sa paghakot ng basura sa lugar na ito. Sinimulan ito sa Quirino Grandstand, kung saan nagkaroon ng isang solidarity walk patungo sa Manila Bay. Itong proyekto ay tatagal ng 7 taon, at inayos ng DENR ang 3 yugto ng itong cleanup. Una, water quality improvement, pangalawa, rehabilitation at resettlement, at pangatlo, education at sustainment (DENR, 2019).
WATER QUALITY IMPROVEMENT
Ang Water Quality Improvement ay nakatutok sa mga estero at daanan ng tubig upang maiwasan ang bara at butas sa mga tubo. Maaring itong simulan sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng pagtatapon ng basura. Ihiwalay ang mga tuyo sa basang basura. Maari ding bawasan ang lebel ng coliform sa mga dumi at nakalalasong discharges galing sa mga bahay at establisimyentos sa pamamagitan ng paguugnay sa kanila sa mga STPs. Maglagay ng mga pansamantalang pasilidad para sa sanitasyon ng mga informal settlers na nakatira sa tabi ng mga estero at baybaying dagat habang hinahanapan sila ng permanenteng matitirahan.
REHABILITATION AT RESETTLEMENT
Ang ikalawang bahagi ng proyektong ito ay ang paglilipat ng mga informal settlers sa mga permanenteng tirahan sa iba’t ibang lalawigan tulad ng Cavite, Bulacan, Rizal, Laguna and Batangas. Ayon kay Jansteen Manuel, isang empleyado ng Environmental Protection and Waste Management Department ng Quezon City, maraming lupain sa mga lalawigang ito na maaring tayuan ng mga bahay para sa mga pamilyang lilipat mula sa siyudad (Castelo, 2019). Mahalaga na magkaroon ng hanapbuhay para sa mga bagong lipat upang maipagpatuloy nila ang normal na pamumuhay ng isang pamilya. Pagkatapos malutas ang isyung ito, magiging mas madaling siguruhin ang pagkumpleto ng programang 340 MLD ng Maynilad at Manila Water sa taong 2022. Habang tinatapos ang paglilipat sa mga informal settlers, maari nang simulan ng mga kinauukulan ang rehabilitasyon ng sistema ng alkantarilya sa siyudad.
EDUCATION AT SUSTAINMENT
Para sa ikatlong bahagi ng programa, mahalagang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mamamayan ukol sa mga detalye ng proyekto, upang masigurong maitutuloy ang mga ito. Kailangan din ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas. Sa ganitong paraan, magpapabilis ang pagkumpleto ng sistema ng alkantarilya sa Metro Manila mula sa taong 2037 sa 2026.
ANG MANILA BAY SA TAONG 2020
Pagkatapos ng isang taon ng Manila Bay cleanup
Dahil sa patuloy na suporta galing sa pamahalaan at mga boluntaryo, patuloy ang paglinis ng Manila Bay at madami na ang nagawa. 51 na pamilya ay nalipat na sa Tala, Caloocan. Sa ngayon, mayroon nang 9,708 ang nainspeksyon at 2,478 na ang nabigyan ng abiso upang magpaliwanag tungkol sa mga nakitang paglabag sa batas. 107 naman ang nabigyan ng order of cease-and-desist. Ngayon, ang mga mamamayan ng Pilipinas ay umaasa sa taong 2026 na sana makabalik ang itong lugar sa dating kalagayan.
TALASANGGUNIAN:
- Department of Environment and Natural Resources. (2019). FACT SHEET ON MANILA BAY REHABILITATION. Retrieved from https://www.denr.gov.ph/index.php/news-events/press-releases/853-fact-sheet-on-manila-bay-rehabilitation
- Cudis, C. (2019). 9K tons of waste end up in Manila Bay: DENR. Retrieved from https://www.pna.gov.ph/articles/1063093
- INQUIRER.net BrandRoom. (2019). How the Manila Bay cleanup can have a global impact. Retrieved from https://business.inquirer.net/267185/how-the-manila-bay-clean-up-can-have-a-global-impact
- Castelo, M. (2019). Manila’s informal settlers face relocation in exchange for clean bay. Retrieved from https://news.mongabay.com/2019/10/manilas-informal-settlers-face-relocation-in-exchange-for-clean-bay/
- Vera-Ruiz, E. (2019). YEAR-END REPORT: DENR: From Boracay rehab success to ‘Battle for Manila Bay’ cleanup. Retrieved from https://news.mb.com.ph/2019/12/26/year-end-report-denr-from-boracay-rehab-success-to-battle-for-manila-bay-cleanup/
- Nelz, J. (2019). Manila Bay Rehabilitation: Before & After Photos. Retrieved from https://philnews.ph/2019/01/29/manila-bay-rehabilitation-before-after-photos/
Rey, A. Manila Bay rehab: The challenge of cleaning up the nation’s waste. Retrieved from https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/224306-stilt-houses-manila-bay-rehabilitation-series-part-1