Isinulat ni: Katrina Selvaggio
Ang Pilipinas ay dati isa sa pinakamalaking tagalikha ng bigas sa Asya, pero ngayon, umaasa ang buong bansa sa mga angkat ng iba’t ibang nasyon. Anong nangyari sa Pilipinas? Bakit kailangan lumaban ang ating mga magsasaka para makuha ng pera? Ang pagtaas ng angkat ng bigas ng mga ibang bansa at ang pagkakalugi ng mga magsasaka sa Pilipinas ay mga epekto ng Rice Tariffication Law.
Ano ang Rice Tariffication Law:
Ayon kay Anette Tobias, ang Rice Tariffication Law o “An Act Liberalizing the Importation, Exportation, and Trading of Rice, Lifting for the Purpose the Quantitative Import Restriction on Rice, and for Other Purposes” ay isang pagkakaayos sa Agricultural Tariffication Act of 1996 para matangal ang limitasyon batay sa dami ng bigas at sa halip maglagay ng isang singil panlahat.
Ang batas na ito at pinirma ni Presidente Rodrigo Duterte noong Pebrero 14, 2019.
Ang mga angkat ng bigas galing sa mga bansa sa ASEAN ay mayroong 35% na singil at ang mga bansa hindi galing sa ASEAN ay may singil na 40%.
Layunin ng Rice Tariffication:
Ang layunin ng Rice Tariffication Law ay ipagtanggol ang mga magsasaka sa angkat ng mga ibang bansa gamit ng 35% singil sa bigas at pababain ang presyo ng bigas. Bukod doon, kailangan ang batas na ito para ikumpleto ang mga kinakailangan ng World Trade Organization at para magiging mapagkakatiwalaan sa sarili ang ekonomiya ng Pilipinas (hindi na kailangan ang interbensyon ng gobyerno).
Mga Epekto ng Rice Tariffication:
Ang mga positibong epekto ng batas na ito ay nakasentro sa ekonomiya. Mas mababang ura ng inflation, mas mura na ang bigas, nakilala na ang importansya ng isyu ng pagkukulang ng bigas sa bansa (at ang mga angkat ay natutulong rin sa pagtataas ng dami ng bigas sa bansa), at ang mga singil na kinukuha ng gobyerno ay ginagamit para sa pananaliksik at materyales para sa mga magsasaka (para magiging mas madali ang trabaho nila). Ang mga nagsusuporta ng batas na ito ay nagsasabi na ipinatatanggol rin ang mga magsasaka dahil mahal na mahal na mahal ang presyo para magangkat ng bigas dito, lalo na kung hindi kasama sa ASEAN ang mga bansa na interesado.
Isa sa pinakamalaki at negatibong epekto ng batas na ito ay ang kakulangan ng regulasyon galing sa gobyerno. Mayroong maraming mga katunggali ang mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi inaayos ang mga angkat kaya mas maraming bigas na inangkat ay nakikita kasya sa bigas na ginagawa ng ating mga magsasaka. Sinabi naman ng gobyerno na mayroong “safety nets” para hindi malugi ang mga magsasaka pero ayon kay Omi C. Royandoyan (2019), ang gastos ng magagawa ng isang kilo ng palay ay 12.40 pesos pero ang presyo ng bigas sa mga tindahan ay 7 hanggang 15 pesos para sa isang kilo. Karamihan sa mga magsasaka ay hindi nagkikita sa pagtatanim ng palay kaya nababawasan ang bilang ng magsasaka dito sa Pilipinas.
Ang mga magsasaka sa Pilipinas ay nasa mas mababang klase sa lipunan, at kung hindi sila gumagawa ng bigas, magiging mas mahal ang presyo bigas dahil angkat lamang ang pinagmulan ng bigas at ang mga hindi kayang bumili ng bigas dahil sa presyo ay magugutom. Sinasabi ng mga hindi nagsusuporta ng batas na ito na ang batas na ito ay
ginawa para iprotektahan ang mga tao na ito sa mataas na presyo ng pagkain pero ngayon sila ang nasasaktan ng ating gobyerno.
Bukod doon, naapekto ang industriya ng paggiling ng palay at ang industriya ng pagkain ng hayop at serbesa; ang total na average na kita ng mga industriya na ito ay paitaas ng 300 billion pesos.
Sa unang taon ng batas na ito, maraming tao ay nagtataltan kung kapaki-pakinabang ang batas na ito. Bagaman itong artikulo ay nagpapaliwanag ng mga mahalagang impormayson tungkol sa Rice Tarrification, ito lamang ang simula ng impormasyon na magagamit kaya kailangan pa magsaliksik pa tungkol dito. Sinusuporta mo ba ang batas na ito? O mayroong ka bang ibang ideya para sa mas magandang batas, at kulob sa itong lahat, ano ang gagawin niyo hinggil dito?
Sanggunian:
bw_mark. (n.d.). Understanding rice tariffication. Retrieved from https://www.bworldonline.com/understanding-rice-tariffication/
Fftc. (n.d.). Asia-Pacific Information Platform on Agricultural Policy-The Philippine Rice Tariffication Law: Implications and Issues. Retrieved from http://ap.fftc.agnet.org/ap_db.php?id=960&print=1xcvfd11
Revisit rice tariffication law. (n.d.). Retrieved from https://www.google.com.ph/amp/s/opinion.inquirer.net/124459/revisit-rice-tariffication-law/amp
Rice Tariffication Law will help keep prices down. (n.d.). Retrieved from https://news.mb.com.ph/2019/02/20/rice-tariffication-law-will-help-keep-prices-down/