Isinulat ni: Andrea Clarisse De Jesus
Noong nakaraang Enero 12, 2020 ang bulkang taal na matagagpuan sa Batangas ay sumabog. Ayon kay Helen Regan at Jinky Jorgio ng CNN, ang paghulog ng abo ay umabot ng siyam na milya at marami kailangan lumikas sa kanilang mga tirahan. Ang lalawigan ng Batangas ay ang pinaka naapektohan dito kaya makikita sa imahe na galing sa CNN, nabalot ng napakaraming abo ang mga tirahan ng mga tao doon.
Imahe 1: Ang Lalawigan ng Batangas na nakabalot ng abo.(Regan and Jorgio, CNN, 2020)
Sinabi din na malaki ang naging pinsala sa mismong lugar ng bulkang taal, maraming mga hayop ang naiwanan at hindi nailikas agad. Ayon sa NDRRMC maraming mga tao na ang kailangan nang lumikas ng madalian at kahit gustohin man nilang isama ang kanilang mga alagang hayop hindi na nila ito nagawa dahil sa oras at panganib na dulot ng malakas na pagbuga ng abo ng bulkang Taal. Ayon naman sa CNN maraming mga tao din hindi nakinig sa mga babala ng gobyerno dahil marami sa mga residente ay nagpumilit bumalik para lang masagip ang kanilang mga alagang hayop. Ngunit dahil sa malakas na paghulog ng abo sa mga lugar na napinsala, nahirapan ang mga taong sagipin ang mga naiwang hayop sa lugar. Sinabi ni Mark Timbal, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, masyado daw malaki ang mga hayop at mabibigat ito para sa mga bangka kaya’y inuna muna nila ang paglilikas ang mga tao. Ang mga hayop ang dapat na kasunod na ililigtas kaso nung pabalik na ang mga rescuers upang iligtas ang mga hayop, biglang lumala ang kundisyon ng Taal na naging dahilan upang hindi na makabalik ang mga tao para ilikas ang sa mga hayop lalo na ang mga kabayo.
Imahe 2. Ang kabayo na nakabalot ng abo. (Regan and Jorgio, CNN, 2020)
Makikkta sa larawan na ang kabayo ay nakabalot ng abo at sabi sa pakinayam sa CNN, ang mga kabayo ay hindi na nakakalakad ng mahusay at ang mga mata nila ay nakasara pa dahil sa abo. Ayon kay BGen. Marceliano Teofilo, ang kumander sa Task Force Taal, Pinalipas nila ang malakas na pagbagsak ng abo ngunit pag balik ng mga tagapagligtas sa lugar, tumambad sa kanila ang maraming katawan ng mga patay na hayop na nabalot ng putik. Ang mga lugar ay pawang nagmistulang “Ghost Town” dahil sa dami ng patay na hayop at mga halaman doon. Maraming kabayo, na ginagamit sa turismo ang naiwan malapit sa crater ng Bulkang Taal, ang naiwan doon dahil mahirap silang ilikas agad. Ayon naman sa PAWS o Philippine Animal Welfare Society, tatlongpung (30) kabayo lamang ang nailigtas sa naitalang tatlong libong (3,000) kabayo ang nailikas. Sinabi rin nila na nung nalaman ng mga mayari ng kabayo na hindi na makukuha ang mga naiwang kabayo sa lugar dahil pinagbabawalan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pag balik ng mga tao sa isla nagkusa ang mga mayari na sila na lamang ang gagawa ng aksyon para mailigtas ang mga kabayo. Sinabi ng isa sa mayari ng mga kabayo na gumamit sila ng 3-4 na bangkang gawa sa kahoy at nagsagwan ng higit kumulang na 50km para lamang madala ang mga kabayo patungo sa Balete, Batangas.
Imahe 3. Ang mga Lokals na Nililigtas Ang Mga Kabayo (Lopez at Presse at Ted Aljibe, AFP, ABS-CBN, 2020)
Ayon sa ABS-CBN, ang mga residente ay pumunta doon sa may bulkang taal para balikan ang mga kabayo at nakita nila na napakahina na ang mga kabayo pero binalik parin nila ang mga kabayo sa mga may ari.
Imahe 4. Isang manok na nabalot ng abo na nililigtas. (Regan and Jorgio, CNN, 2020)
Ang larawan na ito ay kuha ng CNN. Dito makikita natin ang isang manok na nakabalot ng abo. Tulad ng nangyari sa marami pang mga hayop katulad ng mga kabayo at baka sa mga lugar na napektuhan ng husto ng ash fall. Ayon kay Gaea Katreena Cabico ng PhilStar, sa paguulat ng PETA or People for the Ethical Treatment of Animals, malamang ay namatay ang mga hayop na malapit sa mismong bulkan lalo na ang mga kabayo na ginagamit para dalhin ang mga turista sa bulkan. Sinabi rin nila na ang Tawilis na kilala bilang isang uri ng sardinas sa tubig tabang ay naapektuhan din. Dahil sa pangyayaring ito nagtalaga rin ang PETA ng mga rescuers na nagbibigay ng tubig, pagkain, at mga serbisyo ng Beterinaryo para sa mga aso at pusa na abandona na dinala sa mga rescue centers. Sinabi rin ng mga tao ng PETA na aalagaan nila ang mga hayop na ito hanggang magkasama muli sila ng kanilang mga may ari o mailagay sila sa ligtas na lugar. Hindi lamang mga aso, pusa at kabayo ang mga hayop na lubhang naapektuhan sa pagbuga ng abo ng bulkang Taal kundi pati mga baboy, baka, kambing at mga ibon rin.
Imahe 5. Ang mga residente na bumalik para iligtas ang mga Hayop. (Regan and Jorgio, CNN, 2020)
Makikita sa larawan na galing sa CNN na ang mga iba’t- ibang tao ay nagligtas ng mga hayop na naiwan sa isla. Ayon kay Aaron Recuenco ng Manila Bulletin, pagkatapos ng ilang araw nung sumabog ang bulkan, maraming mga awtoridad na nagsagip sa mga hayop na nakatili sa napakapanganib na lugar.
Imahe 6. Mga nailigtas na hayop ng mga lokals (Recuenco, Manila Bulletin, 2020)
Ayon sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) at ABS-CBN, ilang araw na ang nakalipas at ang mga awtoridad o mga residente sa Batangas ang nagliligtas parin ng mga hayop. Ang mga nailigtas na mga hayop ay inaalagaan kaya lang marami mga kabayo ang na apektohan ng abo kaya ang mga iba ay naghihirap na kaya unti-unti na sila namamatay. Gayunpaman, sabi ni Romelito Marasigan sa Manilla Bulletin, ang pagliligtas sa mga hayop ay binibigyan ng buong atensyon dahil marami ang naiwan pa. Sinabi din na kunukuha sila ng tulong galing sa mga iba’t-ibang animal rights group, non government organizations, at sa mga taong may kusang luob na gusting tumulong. Ginagawa nila ito para maibalik na nila ang mga hayop sa mga may ari at makakabalik na sila sa normal nilang buhay at trabaho.
Ang Apekto ng Pagkamatay ng mga Kabayo sa Batangas
Ayon kay Ron Lopez, Agence France-Presse ng ABS-CBN, ang lalawigan ng Batangas ay ang pinaka nakikilala sa pag sakay sa mga kabayo para madala ang mga tourista sa mga iba’t ibang lugar na makikita doon, pero dahil sa paghulog ng abo at sa pagbalot ng mga maraming hayop, marami din mga kabayo na namatay. Dahil sa karamihan na namatay na mga kabayo, mawawalan ng trabaho ang mga residente dahil dito sila nabubuhay at ang pagsakay sa mga kabayo ang ang pinaka magandang atraksyon sa Batangas. Sabi ni Alfredo Daet, 62, sa AFP sa isang pakinayam na ang mga buhay nila ay nakasalay sa mga kabayo dahil doon sila nakakabuhay at dinagdag niya na mahal nila ang mga kabayo kaya gusto nila iligtas ang mga kabayo.
Sa pag sabog ng bulkang taal noong Enero 12, 2020 marami ang naapektohan at mas lalo na ang mga kabayo. Dahil sa karamihan na mga kabayo na namatay sa isla at mga iba nahihirapan ngayon sabi ni David Philips sa CNN. Hanggang sa ngayon, Ayon sa PHILVOLCS nakataas parin ang Alert no. 4 sa lalawigan. Nawa’y humupa na ang aktibidad ng Bulkang Taal para sa kaligtasan ng mga tao lalo na sa mga hayop roon.
Talasanggunian
- Regan, H. , Jorgio, J. (2020, January 15). Desolate images from Taal volcano show horses and cows buried in ash. Retrieved from https://edition.cnn.com/2020/01/15/asia/philippines-taal-volcano-animals-shelters-intl-hnk/index.html
- Cabico, G. (2020, January 14). Taal eruption killed animals, plants on volcano island, NDRRMC says. Retrieved from https://www.philstar.com/headlines/2020/01/14/1984746/taal-eruption-killed-animals-plants-volcano-island-ndrrmc-says
- Ketzer, M. (2020, January 22). PETA Asia Rescuers Are the Only Ones Going to Taal Volcano. Retrieved from
- Recuenco, A. (2020, January 16). Evacuation of animals from Taal volcano danger zone starts. Retrieved from
- ABS-CBN News. (2020, January 17). About 100 animals alive on Taal volcano island. Retrieved from
https://news.abs-cbn.com/news/01/17/20/about-100-animals-alive-on-taal-volcano-island
- Lopez, R. , Presse, A. (2020, January 15). Risking lives to rescue horses in Taal ‘no man’s land’. Retrieved from
https://news.abs-cbn.com/news/01/15/20/risking-lives-to-rescue-horses-in-taal-no-mans-land
- ABS-CBN News. (2020, January 15). 30 out of 3,000 Taal horses rescued from volcano island. Retrieved from
https://news.abs-cbn.com/life/01/15/20/30-out-of-3000-taal-horses-rescued-from-volcano-island