Isinulat ni: Andrea Garcia
Noong Enero 8, 2020, nagulat ang mga taga-Britanya nang inihayag ang Duke at Duchess ng Sussex, sina Prinsipe Harry at Meghan Markle, na aatras sila bilang miyembro ng Maharlikang Pamilya. Ipinahayag nila ito sa pamamagitan ng isang paskil sa Instagram. Sa caption, sinabi nila na hindi na sila magiging nakatataas na miyembo ng Maharlikang Pamilya. Magkakaroon sila ng kasarinlan sa pinansya, at gugulin ng mas maraming oras sa Hilagang Amerika, pero susuporta pa rin nila ang reyna.
Bakit umalis sina Prinsipe Harry at Meghan?
Habang nakakagulat ang pahayag na ito, ilang buwan na na nagbabakasali ang midya na aatras sina Prinsipe Harry at Meghan bilang miyembro ng Maharlikang Pamilya. Ito ay dahil sa masamang pag-uugali ng midya patungo kay Meghan mula pa sa kanyang kasal kay Prinsipe Harry. Nagpakilala ni Prinsipe Harry na hindi siya masaya sa paraan ng pagtrato ng midya sa kanyang asawa. Sinabi niya na ang ginagawa nila ay “bullying” at inihambing niya ang sitwasyon ni Meghan sa sitwasyon ng kanyang nanay, si Prinsesa Diana. Noong Setyembre 2019, hinabla ni Meghan ang isa sa nangungunang kumpanya ng midya sa Britanya, the Mail, para sa maling paggamit ng pribado na impormasyon. Ang mga problema nina Prinsipe Harry at Meghan Markle sa midya ay isang maaaring dahilan kung bakit nagpasiya silang umatras bilang nakatataas na miyembro ng Maharlikang Pamilya.
Reaksyon ng Maharlikang Pamilya sa Pahayag
Ayon sa mga mapagkukunan sa palasyo, ang mga nakatataas na miyembro ng Maharlikang Pamilya ay nagulat at nabigo dahil sa pahayag. Sinabi na hindi naaprubahan ng reyna ang pahayag bago ipinaskil nina Prince Harry at Meghan ito sa Instagram. Nang ipinaskil na ang pahayag, hiningi ng reyna ng isang pagpupulong kasama ng mga nakatataas na miyembro ng Maharlikang Pamilya sa tirahan niya sa Sandringham. Ang kasama sa pagpupulong na ito ay ang reyna, si Prinsipe Charles, si Prinsipe William, at si Prinsipe Harry. Hindi kasali si Meghan sa pagpupulong dahil pumunta siya ng Kanada. Naganap ang pagpupulong noong Enero 13.
Bunga ng Pagpupulong sa Sandringham
Noong Enero 18, ipinihayag ang resulta ng pagpupulong. Sinabi ng reyna sa kanyang ulat na nagkaroon na sila ng mga desisyon tungkol sa kinabukasan ni Prinsipe Harry at ang kanyang pamilya. Sa ulat na ito, sinabi ng reyna na kahit nagpasiya ni Prinsipe Harry na umatras sa Maharlikang Pamilya, mahal pa rin niya sina Prinsipe Harry, Meghan, at Archie, ang anak ni Prinsipe Harry. Sa pagpupulong, nagpasiya sila na hindi na kakatawan nina Prinsipe Harry at Meghan ang reyna. Bagama’t si Prinsipe Harry ay nasa linya pa para sa trono, at ang titulo niya at ang kanyang asawa ay ‘Duke at Duchess ng Sussex‘, hindi na sila tatawagin ng “His/Her Royal Highness“. Hindi na sila mapondohan ng Maharlikang Pamilya, at kailangan na nilang kumuha ng kanilang sariling mapagkukunan ng pribadong kita. Gayunpaman, pinili ni Prinsipe Charles na pondohan si Prinsipe Harry habang nasa panahon ng pagbabago pa sila. Mananatili ang kanilang tirahan sa Frogmore Cottage, ngunit kailangan nilang magbayad para sa renta at pagkukumpuni. Ang pagtantya ng presyo ng pagkukumpuni ay nasa 3 milyon dolar. Pagkatapos ng isang taon, magkakaroon ng isa pang pagpupulong ang Maharlikang Pamilya para suriin ang pagbabago na ito.
Talasanggunian:
- Taylor, E. (January 18, 2020). Queen Elizabeth Just Released a Remarkably Personal Statement About Prince Harry and Meghan Markle. Retrieved from https://www.vogue.com/article/queen-elizabeth-statement-prince-harry-meghan-markle
- Foster, M. & Woodyatt, A. (January 19, 2020). Harry and Meghan are giving up royal titles and state funding. Here’s what that means. Retrieved from https://edition.cnn.com/2020/01/19/uk/harry-meghan-royal-explainer-gbr-scli-intl/index.html
- Landler, M. (January 19, 2020). Harry and Meghan’s Hard Exit. Retrieved from https://www.nytimes.com/2020/01/19/world/europe/harry-meghan-royal.html
- Katz, G. & Lawless, J. (January 19, 2020). Harry, Meghan to quit royal jobs, give up ‘highness’ titles. Retrieved from https://apnews.com/5bfcbf944904be1ce273d2d14618b624
- Landler, M. (January 18, 2020). Harry and Meghan Give Up Royal Titles, Forgo State Funding. Retrieved from https://www.nytimes.com/2020/01/18/world/europe/meghan-harry-royals-uk.html#
- BBC. (January 19, 2020). Harry and Meghan drop royal duties and HRH titles. Retrieved from https://www.bbc.com/news/uk-51163865
Waterson, J. & Davies, C. (October 2, 2019). Meghan sues Daily Mail on Sunday as Prince Harry launches attack on tabloid press. Retrieved from https://www.theguardian.com/uk-news/2019/oct/01/meghan-sues-mail-on-sunday-for-publishing-letter-to-her-father