Isinulat ni: Maxine Rae Marty
Noong Disyembre 2019, ang kauna-unahang operasyon para ilipat ang isang puso (heart transplant) sa panibagong pasyente pagkatapos ang pagkamatay ng sirkulasyon nito sa isang taong binawian ng buhay ay naganap sa Duke’s Medical Hospital sa North Carolina. Ito ay ang kauna-unahang operasyon sa isang nakatatandang tao (adult) sa Amerika. Isa itong mahalagang tagumpay sa larangan ng medisina dahil sa mga batang pasyente pa lamang ito naging matagumpay.
Pag dagdag ng nagbibigay o ‘donor pool’
Nagbubukas din ito ng maraming paraan para magligtas ng buhay ng mga tao na may karamdaman sa puso. Mayroong dalawang daang libo at kalahati (250,000) na tao ang maaaring mabigyan ng bagong puso subalit nasa dalawang libo at kalahati lamang hanggang tatlong libo’t kalahati ( 2,500 – 3,500) ang pwedeng gawin sa Amerika. Si Drs. Jacob Schroder, isa sa mga doktor sa operasyon, ang nagsabi na kung magagawa ang operasyong ito ay sa iba’t ibang ospital ay makakapagbigay ito ng higit sa tatlong-pung porsiyento lamang.
Ang mga panganib na kakarapin
Kahit pa naging matagumpay ang operasyon na ito ay marami pa ring mga panganib na kinakaharap. Isa sa mga importanteng salik ay paano namatay ang tao. Mas mahirap gumawa ng DCD o ‘donation after cardiac death’ kung ang tao ay binawian ng nga buhay pagkadating sa ospital o ‘dead upon arrival’. Mayroon ding kabuluhan ang kalagayan ng tao sapagkat dapat ay malusog ang iba’t ibang bahagi ng kanyang pangangatawan. Hindi maaaring magbigay o maging “donor” ang isang tao kung mayroon siyang sakit o karamdaman tulad ng HIV, diabetes, cancer at marami pa iba. Ito ay maaaring magkaproblema ang pasyenteng tatanggap ng puso pagkatapos ng operasyon. Isa pang tinitingnan dito ay ang uri ng dugo. Kung hindi magkatugma ang dugo sa pasyente ay baka magkaroon ng problema ang kanyang puso.
Ang Operasyon
Sa operasyon na ginanap sa Duke’s Medical Hospital,nang huminto ang puso nang may limang minuto, ito ay tinatawag na “hands off period”. Dito ay ipinapahayag na namatay na ang pasyente. Ito ay ang pagkakataon upang alisin ang kanyang puso o ibang pang bahagi ng kanyang organ na maaaring ibigay sa isang taong nangangailangan. Ang puso ay ilalagay sa isang malamig na solusyon. Inilagay ito sa isang makinang tinatawag na “transmedics Organ care system”. Sa makinang ito ipinasok ang puso ng mainit na dugo para tumibok ang puso . Sa makinang ito ay pwedeng iwanan ang puso hanggang sa handa na ang pasyenteng tatanggap nito. Bilang paghahanda, ang puso ay “pinatutulog” muna.
Gaano kahirap ang operasyon na ito
May mga panganib kung bakit mahirap ang operasyon na ito. Isa sa mga kadahilanan ay baka hindi na tumibok ang puso pagkatapos itong alisin sa binawian ng buhay na pasyente. Isa pang maaaring panganib ay kung magkaroon ng mga komplikasyon sa gaawing mga operasyon lalo na ang mga “Transplants”. Walang kasiguraduhang magiging matagumpay na lubos ito. Ang kakulangan o walang oxygen sa dugo ang puso ay pwedeng magdulot ng mga komplikasyon sa pasyente o baka magkaroon ng permanenteng balakid o problema sa puso. Ang puso din ay may mababang “warm ischemic time”. Ito ay mahalaga dahil ang warm ischemic time ay Isang panganib kung pwede magkaroon ng operasyon ang pasyente. Isa pang dahilan ay ang “standard heart transplant”. Mayroong labing-tatlong (13) na taon na “survival rate” o itatagal ng buhay subalit sa hindi malamang dahilan ay may mga namatay pagkatapos ng operasyon. Sa taon na ito ay wala pang masyadong mga “research” o pagsasaliksik na posibleng magbigay ng dahilan kung bakit hindi na gumana ang isang puso pagkatapos ng operasyon.
Talasanggunian
- Chakradhar, S. (2020, January 16). New heart transplant method being tested for the first time in the U.S. Retrieved from https://www.statnews.com/2020/01/16/heart-transplant-donation-after-cardiac-death/
- Abbasi, J. (2020, January 14). First US “Donation After Circulatory Death” Heart Transplant. Retrieved from https://jamanetwork.com/journals/jama/fullarticle/2758577
- Duke performs America’s first adult heart donation after circulatory death. (2019, December 6). Retrieved from https://www.advisory.com/daily-briefing/2019/12/06/heart-transplant
- Kim, A. (2019, December 3). Doctors ‘reanimate’ heart for first-of-its-kind transplant in US. Retrieved from https://edition.cnn.com/2019/12/03/health/dcd-heart-transplant-trnd/index.html
- ODT Clinical. (n.d.). Donation after circulatory death. Retrieved from https://www.odt.nhs.uk/deceased-donation/best-practice-guidance/donation-after-circulatory-death/