Isinulat ni: Lauren Therese De Luna
Poliomyelitis at ang kanyang mga Sintomas
Ang polio o polymyelitis ay isang nakahahawang sakit na nagbabanta sa buhay. Ang sanhi ng sakit na ito ay ang poliovirus. Ang pangunahing naapektuhan sa sakit na ito ay mga batang may edad na mas mababa sa limang taong gulang. Nakukuha ang polio kapag nahahawakan ang dumi o feces ng taong mayroon nito. Subalit, dahil sa kakulangan ng kalinisan, maaring makontaminado ang mga sariling katawan, pinagmumulan ng tubig, at pagkain. Dahil dito, maaring mahawa ang isang tao sa paghawak lamang sa taong may virus.
Isang batang nakamit ang Poliomyelitis (Sangunnian: Philippine Star)
Ilan sa mga sintomas ng Polio ay lagnat, panghihina ng katawan, pagkalumpo, pagsusuka, paninigas ng leeg, pangangalay ng mga kamay at paa, sakit sa tyan, kahirapan sa paghinga, at mahapding lalamunan. Ang taong may polio ay hindi palaging nagpapakita ng sintomas dahil sila ay nagdadala lamang ng sakit. Dahil dito, pwede nilang hawaan ang iba ng walang kaalaman, kaya importante na mag-ingat sa sarili upang hindi makamit ang sakit. Sa pinakamasamang kaso, ang maaring maganap ay ang pagkaparalisa o pagkamatay ng pasyente.
Ang Kasaysayan at Kasalukuyang Kondisyon ng Polio
Ang bansa ay idineklara bilang “polio free” noong Oktubre 2000, at ang huling kaso ng sakit ay iniulat noong 1993. Ang unang kaso ng polio, pagkatapos ng labing-siyam na taon, ay natuklasan noong Setyembre 14, 2019, sa isang tatlong taong gulang na babae galing sa Lanao del Sur, sa timog ng Pilipinas, na may positibong resulta para sa polio virus type 2. Ang ikalawang kaso ay nadiskubre noong Setyembre 19, 2019 sa isang limang taong gulang na batang lalaki sa Lumban, Laguna, sa hilaga ng Pilipinas. Sa kapaligiran ng mga lugar na iyon, partikular sa Maynila at Davao, may natagpuang poliovirus-positive environment samples. Ang mga obserbasyong ito ay nagpapahiwatig na ang poliovirus ay nagpapalipat-lipat na sa buong bansa. Halos dalawang dekada na ang nakalipas kung saan ang Pilipinas ay napalaya sa anumang mga sakit na may kinalaman sa polio, subalit sa Setyembre 19, 2019, idineklara ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagsiklab ng Polio sa bansa.
Isang batang tumatanggap ng pang bibig na bakuna (OPV) galing sa medikal na propesyonal.
(Sanggunian: CNN Philippines)
Ayon sa Department of Health (DOH), ang maaring dahilan sa pagbalik ng polio ay ang pagbagsak ng porsyento ng pagbabakuna sa 66%. Kailangang 95% ng populasyon ay nakabakuna upang maiwasan ang pagkalat nito. Isinaad rin ng DOH na tatlo sa limang bata na wala pang limang taon ay hindi nabakunahan laban sa polio sa Pilipinas. Subalit, mayroong maraming mga kadahilanan sa pagbagsak ng porsyento ng nakabakuna, kabilang ang pagkawasak ng tiwala ng publiko sa mga bakuna na dulot ng mga problema sa Dengvaxia, bakuna ng dengue, at pagbabawas ng puhunan para sa kalusugan ng bansa. Sa ngayon, naiulat na ang labing-anim na kaso ng poliovirus, isa na ang nakaabot sa Quezon City, Metro Manila. Ang balita na ito ay nagpapakita na ang virus ay nakakalat na sa buong bansa.
Mga Hakbang sa Pag-iiwas ng sakit na Polio
Sa pagbalik ng nakakamatay na sakit na ito, kailangan sundin ang ilang mga hadlang para hindi kumalat sa ibang tao. Ang pinakaepektibo at pinakasiguradong paraan ng pag-iwas nito ay ang pagbakuna. Ang polio ay may dalawang kailangan na bakuna, oral polio vaccine (OPV) at inactivated poliovirus vaccine (IPV). Ang mga bakunang ito ay nakatulong sa pagbawas ng mga kaso ng polio ng 99% mula noong 1988. Upang mapigilan ang pagkalat ng polio sa bansa, ang DOH ay nagkaroon ng kampanya na tinatawag Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP), kung saan pinapabakunahan nila ang mga tao sa mga apektadong lugar hanggang Pebrero.
(Source: World Health Organization)
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit, maayos na hugasan ang kamay sa tulong ng sabon at tubig, siguruhin na maayos ang pagluto ng pagkain, inumin lamang ang malinis na tubig, at gumamit ng mga malilinis banyo at pasilidad. Ang sakit na ito ay hindi mapapagaling kapag nakamtan na, ngunit maaring maiwasan. Napakahalaga ang kalinisan at pagbabakuna upang hindi mas lumaganap ang virus, kaya kailangang magsikap ang bawat tao para sa kalusugan ng bayan.
Alalahanin natin na ang polio ay isang nakakamatay na sakit na nakakahawa sa lahat, lalo na sa mga bata. Dapat alam natin ang kailangang gawin upang mapigilan ang patuloy na paglaganap ng polio sa Pilipinas.
Talasanggunian
- Bosano, R. (2019, September 19). Polio naitala muli sa Pilipinas matapos ang halos 2 dekada. Nakuha mula sa https://news.abs-cbn.com/news/09/19/19/kaso-ng-polio-naitala-sa-ph-matapos-ang-19-taon
- CNN Philippines Staff. (2020, January 16). DOH records 4 more polio cases in PH. Nakuha mula sa https://www.cnn.ph/news/2020/1/16/Philippines-health-polio-cases.html
- Department of Health. (2019, October 4). BRING YOUR CHILD TO THE HEALTH CENTER FOR ‘PATAK’ POLIO – DOH: Department of Health website. Nakuha mula sa https://www.doh.gov.ph/press-releases/Bring-your-child-to-the-health-center-for-patak-polio–DOH
- Jaymalin, M. (2019, September 20). After 19 years, polio re-emerges in the Philippines – DOH. Nakuha mula sa https://www.philstar.com/headlines/2019/09/2 0/1953457/after-19-years-polio-re-emerges-philippines-doh
- Jaymalin, M. (2020, January 17). Polio cases hit 16; 1st in Metro Manila reported. Nakuha mula sa https://www.philstar.com/headlines/2020/01/17/1985533/polio-cases-hit-16-1st-metro-manila-reported
- Matsuzawa, M. (2019, October 28). Polio’s resurgence in Philippines: The ancient disease was supposed to be extinct last year. Nakuha mula sa https://www.philstar.com/headlines/2019/09/20/1953468/polio-resurges-philippines-ancient-disease-was-supposed-be-extinct-last-year
- Racaniello, V. (2019, September 26). Polio returns to the Philippines. Nakuha mula sa http://www.virology.ws/2019/09/26/polio-returns-to-the-philippines/
- World Health Organization. (n.d.). Polio outbreak in the Philippines. Nakuha mula sa https://www.who.int/westernpacific/emergencies/polio-outbreak-in-the-philippines