Ang mga Pinsala na Dinala ni Bagyong Tisoy sa Pilipinas

Isinulat ni: Yshi David


Mga bahay na nasira sa Legazpi City pagkatapos tumama ang bagyo sa bansa.

Ang kuha ni Nino Luces, Reuters

        Noong Desyembre 2019, ang isang malakas na bagyo na kilala bilang Bagyong “Kammuri” o “Tisoy”, ay tumama sa Pilipinas at ito ay nag-iwan ng maraming pinsala sa bansa. May mga tao na namatay at maraming bahay at kabuhayan ang nasira. Ang bagyong ito ay ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa sa taong 2019. Ito ay na

Mga Tao na Namatay at Naapektuhan

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang bagyong Tisoy ay nag-iwan ng 9 na tao na nasawi. Lima sa Oriental Mindoro, isa sa Marinduque, isa sa Batangas, isa sa Quezon, at isa din sa Leyte. Ngunit sa pagkalipas pa ng mga araw, naiulat ng mga opisyal at pulis na ang mga nasawi ay umabot na sa 17 na tao. Bukod dito, ang 19 na tao ay nasaktan.

Mga Agrikulturang Nasira

Ang halaga ng mga pananim at produktong agrikultura na nawasak ng Bagyong Tisoy ay umabot sa P2.097 bilyon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Desyembre 7, 2019. Ang mga lugar na naapektuhan ay ang Southern Tagalog, Bicol Region, Eastern Visayas at Central Luzon. Ang mga pananim na nasira ay mga iba’t-ibang mga prutas at gulay, bigas, at pati na rin ang mga pangingisda ng mga probinsya.

Mga nasira na agrikultura.

UNTV News and Radio

Ang Pagbaha sa Iba’t-ibang Lungsod

Northern Samar. Ang kuha ni  Jerry James Acdang

Catubig, Northern Samar. Ang kuha ni Jerry James Acdang

Mahigit sa 50,000 na tao na tao ang lumikas o umalis sa kanilang mga bahay dahil sa mga bugso ng bagyo, baha, at pagguho ng lupa. Ang mga lalawigan ng Albay, Sorsogon at Camarines Sur sa Bicol Region at Calbayog City sa Samar ay inilagay sa ilalim ng estado ng kalamidad. Sa barangay Cagogobngan sa hilaga ng Samar, ang mga bahay ay nalubog sa malalim na baha. Samantala, ang mga bahay at mga gusali sa lungsod ng Calbayog ay nasira.

Mga Paaralan na Naapektuhan

Isang silid-aralan na ginamit bilang evacuation center para sa

mga residente ng Legaspi City, Albay.

Ang kuha ni Razvale Sayat.

Ang masamang panahon na dinala ng panahon ay nag-udyok din sa pagsuspinde ng mga klase sa 923 lungsod at munisipyo. Halos P904 milyong halaga ng pinsala ay naitala dahil sa bagyong Tisoy. Iniwan ng bagyo ang 240 mga silid-aralan na nawasak at 543 silid-aralan na nasira, ayon sa pinakahuling ulat mula sa Rapid Assessment ng Pinsala ng DepEd. Sinabi ni Mayflor Jumamil, and tagapgsalita ng DepEd Bicol, ay nagsabi na ang halaga ng mga nasira na silid-aralan ay P600 milyon. Bukod sa imprastraktura, iniulat din ng DepEd Bicol ang 5,933 na sira sa mga gamit sa paaralan, 24,923 mga materyales sa pag-aaral, at 893 kagamitan sa kompyuter. Malapit sa 2,000 mga paaralan sa buong Bicol ay ginamit bilang mga evacuation center.

Pagkatapos ng Bagyo

        Pagkatapos ng lahat ng mga pinsasla na dinala ni bagyong Tisoy, dapat nating maghanda para sa mga paparating na mga kalamidad. Kailangan nating tulungan ang ating mga kababayan lalo na marami ang nawala sa kanila. Marami din ang igagastos ng ating gobyerno. Dapat nating gawin ang ating bahagi sa pagtutulong, kahit kung ito ang pagbibigay ng mga donasyon lamang. Marami pang mga kalamidad ang maaaring makarating sa ating bansa, kaya dapat tayong maghanda.

Talasanggunian

  1. Flores, H. (2019, December 3). Typhoon Tisoy leaves trail of destruction. Retrieved January 22, 2020, from https://www.philstar.com/headlines/2019/12/04/1974181/typhoon-tisoy-leaves-trail-destruction 
  2. News, A. B. S.-C. B. N. (2019, December 4). NDRRMC: Typhoon Tisoy leaves 9 dead, P811-M damage. Retrieved January 22, 2020, from https://news.abs-cbn.com/news/12/05/19/ndrrmc-typhoon-tisoy-leaves-9-dead-p811-m-damage 
  3. Ostria, R. A. (2019, December 6). ‘Tisoy’ damage to Bicol schools reaches P904M. Retrieved January 22, 2020, from https://newsinfo.inquirer.net/1198719/tisoy-damage-to-bicol-schools-reaches-p904m 
  4. Pelayo, M. (2019, December 5). ‘Tisoy’ leaves P2-B worth of damage to PH agriculture – DA – UNTV News. Retrieved January 22, 2020, from https://www.untvweb.com/news/tisoy-leaves-p2-b-worth-of-damage-to-ph-agriculture-da/ 
  5. Tarabay, J. (2019, December 3). Typhoon Kammuri Kills at Least 17 as It Powers Through Philippines. Retrieved January 22, 2020, from https://www.nytimes.com/2019/12/03/world/asia/philippines-typhoon-tisoy-kammuri.html 
  6. Typhoon Tisoy forces over 225,000 people to evacuate. (2019, December 3). Retrieved January 22, 2020, from https://www.philstar.com/headlines/2019/12/03/1973907/typhoon-tisoy-forces-over-225000-people-evacuate 

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started