Ang mga Epekto ng Iba’t ibang Uri ng Droga sa Kalusugan ng mga Tao

Isinulat ni Anna Marie A. Almeda


  Ngayon siya ay may magandang buhay ngunit bago ito marami siyang pinagdaanan. Dati bago ang droga ang kanyang buhay ay maginhawa. Isang siyang aktor at musikero. Ngunit lahat ito nagbago nang maipluwensyahan siya ng droga. Sa isang iglap nawalan siya nang bahay at kotse, naninirahan siya sa ilalim ng lamesa ng nagtutulak ng droga. Siya ay si Romano Vasquez. Sa isang iglap ang kanyang buhay ay bumaliktad. Ang kwentong ito ay isa sa napakarami. Ang droga ay nakakasira ng buhay, nakakasira ng pamilya, nakakasira sa sarili at minsan nakakamatay. Ang pag-abuso sa droga ayon sa “Dangerous Drugs Board” o DDB ay ang patuloy na paggamit ng isang tao sa isang droga na higit pa sa kanyang kailangan. Dahil dito ay maaring humantong sa pagkagumon ng droga ang isang tao. Samantala, ang pagkagumon sa droga ay ang pangangailangan ng isang tao na gumamit ng droga. Ang droga ay may iba’t ibang mga uri at pinanggagalingan. Iba ay kemikal ang iba naman ay nagmumula sa mga halaman.  

Ang mga droga na nagmula sa mga halaman ay ang NPS at marijuana. Ang NPS ay ginagamit bilang “herbal” na gamot. Subalit dahil sa walang pagpigil ng mga opisyal ng gobyerno ay nagagamit na ito sa ibang paraan. Bilang droga. Ayon sa PDEA o ang Philippine Drug Enforcement Agency ang NPS o ang new psychoactive substances ay maitatawag na ““designer drugs”, “legal highs”, “herbal highs”, “bath salts”, “research chemicals”, “laboratory reagents””. Ang pangalan na “new” o bago ay hindi nangangahulugan na bago ang drogang ito. Sa katunayan iba’t ibang NPS ang “natuklasan” apatnapung taon na ang nakakalipas. Ang NPS ay maraming kapahamakan na dala sa isang tao. Ito ay nakakasama sa kalusugan ng gumagamit na higit sa kinakailangan. Ang mga taong gumagamit ng labis labis nito ay naoospital dahil sa malalang pagkalason. Ang marijuana, sa kabilang banda ay ang droga na nagmumula sa isang halaman. Itong halaman na ito ay ang “cannibis plant”. Ito ay nagagamit sa paraan ng paninigarilyo o pagkain nito. Ang droga na ito ay nagpapalubay sa damdamin ng gumagamit. Para siyang nasa ulap. Ang mga epekto ng droga na ito ay malalala para sa kaisipan ng isang tao. Ayon sa PDEA makakalimot ang tao ng simpleng mga gawain katulad ng pagbabasa at pagasasalita, maapektuhan rin ang paggalaw ng isang tao. Nakakasama din ang droga para sa mga sanggol na nasa sinapupunan pa ng kanilang mga ina. Maaring sila mangakanak kahit hindi nila kabuwanan, maaring malalag ang bata o patay ng isilang ang bata. Ito ang mga epekto ng mga droga na nagmumula sa isang halaman. 

Ipinapakita ng larawan ang mga lugar sa Pilipinas na marami o kritikal na nagamit ng drogang marijuana.

Ang mga halimbawa ng mga droga na kemikal ay ang shabu, inhalants, ecstasy, opiates, bangkok pills, cocain at sedatives. Ang mga droga na ito ay nagagamit sa iba’t ibang paraan. Isa sa mga ito ay nahahanap sa bahay ng mga tao. Ito ay ang inhalants, katulad ng pandikit, pantangal ng kulay sa kuko, panlinis sa bahay at iba-iba pa. Ngunit kahit iba-iba man ang tawag sa mga drogang ito pare-pareho lamang ang kanilang epekto sa mga tao. Ang isipan nila ay naiiba. Sila ay tinatawag na “high” kung saan wala sila sa tamang kaisipan. Sila’y nasa ibang mundo kung saan mararamdaman nila na wala silang mga problema. Ngunit ang mga epekto nito sa kalusugan ay malala. Ang mga gumagamit ng mga drogang ito ay posibleng mawalan ng ala-ala, makaranas ng pagsusuka, depresyon at iba-iba pang mga karamdaman. Ayon sa PDEA ang epekto ng droga o reaksyon ng katawan sa droga ay naiiba sa bawat tao. Maaring malala ang epekto sa isang tao habang sa isang tao naman ay katamtaman lamang. Ito ay dahil ang mga katawan ng tao ay iba’t iba at iba iba rin ang kanilang reaksyon sa  kemikal na kanilang ginagamit. Dahil sa mga epekto ng mga droga sumasagawa ang gobyerno ng Pilipinas ng iba’t ibang programa na maaring bumaba sa bilang ng mga taong nagamit ng mga droga. Ang mga programang ito ay nagdulot ng milyon-milyong droga na nakumpiska ng mga opisyal mula sa mga tao.        

  Ang mga larawan ng iba’t ibang droga na kemikal (ecstasy, inhalants, shabu, opiates).

Ang mga Hakbang na Isinasagawa ng Gobyerno

Kahit na may nahuhuli pa rin na mga nagbebenta o nagamot ng mga droga sa bansa ay ito ay bumaba kumpara noon. Ayon sa PNA o Philippine National Police mula sa 626,000 noong Hulyo 2015 hanggang Hunyo 2016 bumaba ang bilang ng gumagamit o nagtutulak ng droga ng 26.23% nang Hunyo 2019. Ito ay resulta ng mga isinasagawang proyekto ng gobyerno laban sa droga. Isa na rito ang “3-pronged aprroach”. Ang 3-pronged approach ay ang supply, demand at harm reduction. Ang supply reduction ay ang pagbaba ng paggawa ay pagbenta ng mga bawal na droga sa pamamagitan ng mga  tagapagtupad ng batas. Ang pangalawang hakbang ay ang demand reduction approach kung saan ibababa ang kagustuhan ng mga tao na bumili o kumuha ng droga sa pamamagitan ng paglalahad ng masasamang epekto nito. Ang huling hakbang ay ang harm reduction approach, ito ay nauugnay sa mga interbensyon na binabawasan ang talamak na epekto ng paggamit ng gamot. Ang 3-pronged approach ay isa sa maraming programang ginagawa ng gobyerno upang lubusan nang mawala ang droga sa bansang Pilipinas.

Talasanggunian

  1. Facts about drugs. (n.d.). Retrieved January 18, 2020, from https://pdea.gov.ph/drug-trends/facts-about-drugs
  2. Board, D. D. (2013, May 23). Home. Retrieved January 18, 2020, from https://www.ddb.gov.ph/sidebar/68-faqs
  3. Caliwan, C. L. (2019, May 1). PDEA adopts 3-pronged approach to boost anti-drug campaign. Retrieved January 18, 2020, from https://www.pna.gov.ph/articles/1068634
  4. (n.d.) The Philipine Drug Situation. Retrieved on January 18, 2020, from https://pdea.gov.ph/images/AnnualReport/2012AR/2012PhilippineDrugSituation.pdf
  5. Medina, R. (2018, April 15). 2 stories of redemption & hope. Retrieved January 20, 2020, from https://www.philstar.com/entertainment/2018/04/16/1806208/2-stories-redemption-hope/amp/ 
  6. Caliwan, C. L. (2019, August 12). Continuous crime rate decline shows anti-drug campaign’s success. Retrieved January 20, 2020, from https://www.pna.gov.ph/articles/107757
  7. Board, D. D. (n.d.). Home. Retrieved January 20, 2020, from https://www.ddb.gov.ph/major-programs-and-projects

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started