Ang Krisis ng Polusyon sa Karagatan

Isinulat ni: Maria Raphaela Salcedo


Isa sa mga pinakamalaking isyu sa mundong ito ay ang polusyon sa karagatan. Sinasabi na ang 80% ng polusyon ay galing sa gawaing pantao. Mula sa plastik bag o ang mga pestisidyo ang karamihan sa basura na ating ginagawa sa lupa ay sa kalaunan ay nakarating sa mga karagatan, alinman sa pamamagitan ng sinasadyang paglalaglag o mula sa run-off sa pamamagitan ng mga drains at ilog.

Mga Sanhi ng polusyon sa karagatan 

Ang unang sanhi ng polusyon ay galing sa mga malaking industriya, sa kanilang mga factory o galing rin sa mga malapit na lungsod. Ito ay ang mga pagtagas ng langis o ang tinatawag na oil spills. Ito ay responsable sa 12% ng polusyon at 36% ng langis ay galing sa mga lungsod at industriya na dumadaan sa mga ilog at drains.

Ang ikalawang sanhi ay ang mga sanhi rin ng eutrophication. Ito ay ang karamihan ng nutrients sa tubig kaya may sobrang pagtubo ng halaman at namamatay ang mga isda dahil sa kakulangan ng oxygen. Ang mga ito ay ang mga guano o fertilizers, at ang mga dumi galing sa kanal. May maraming lugar sa mundo iniiwanan nila ang mga dumi ito kaya nakaipon ang lahat nito sa aming karagatan. 

Isa pang sanhi ng polusyon ay ang mga kemikal na gawang tao. Sa panahong ngayon marami, kung hind lahat, ng buhay sa aming karagatan ay naapekto ng mga kemikal na ito.  Maaring ito pumunta sa tubig galing sa lupa ng mga magsasaka, o galing sa hangin, o minsan tinatapon natin ito sa dagat. Mapanganib ito dahil ngayon, natagpuan ito sa kanilang food chain kaya na sa aming pagkain rin. Halimbawa mga hayop katulad ng seal ay may antas ng kontaminasyon milyon-milyong beses na mas mataas kumpara sa tubig na nakatira sila. At ang polar bear, na kumakain ng seal ay aabot ng tatlong bilyong mas mataas na konsentrasyon kumpara sa kanyang kapaligiran. 

Ang pinakakilalang sanhi naman ay ang plastik. Ang problemang ito ay nagmula noong naimbento ang plastik. Noong sa pangalawang digmaan, dito nagmula ang paguso ng paggamit ng plastik. Sa panahon rin ng paggamit ng langis na krudo ay hinihikayat ng mga tao sa paggamit ng plastik sa paggawa ng iba’t ibang mga produkto. 

Ngayon mayroong tinatawag na dead zone na parehong laki ng New Jersey, at ang libong milyang lugar ng basurang plastik sa Northern Pacific Ocean tinawag ng ‘Great Pacific Garbage Patch’ na nagbabanta ang buhay ng mga milyong buhay sa dagat. Ito ang pinakamalaking sanhi dahil, ang plastik ay hindi biodegradable. Ang ibig sabihin nito ay hindi ito masisira gaano man katagal siya diyan sa tubig. Kasama nito, dahil sa kalakasan ng alon minsan may maliliit na plastik particles na galing nito na tinatawag na microplastics. At itong mga microplastics ay kinakain ng mga isda, pagong, o ang mga balyena.

Ang epekto ng polusyon 

Kaya, ano nga ba ang epekto ng mga sanhing ito? Isang epekto ng polusyon ay sinabi na sa naunang bahagi, ang Eutrophication. Ang eutrophication ay ang napakalaking konsentrasyon ng kemikal at nutrients sa tubig na ito ay binibilisan ang paglaki ng mga halaman sa dagat. Sa teorya, parang maganda ito para sa aming mga dagat subalit ito ay mapanganib sa mga sea life. Dahil sa kakapalan ng mga halman na ito, sumisinghap ang mga marine animals at nawawalan sila ng oxygen. Kasama nito humaharang ito ang araw na minsan kailangan ang mga maliliit na isda o alimango, kaya namamatay sila sa dagat. 

Ang pinakamalaking epekto ng polusyon na ito ay ang pagmamatay ng mga koral reefs. Dahil sa mga carbon emissions sa hangin, ito rin ang nag-aambag sa mga kadumihan ng karagatan. Dahil sa kainitan ng tubig, nawawala ang kulay ng mga koral, at namamatay sila dahil sa konsentrasyon ng kemikals at sa acidification ng dagat. Nakakaapekto ito rin sa mga isda at maliliit na organisms dahil minsana ng koral reefs at sea anemone, ay saan sila nakatira, at gumaganap bilang isang pagtanggol sa mga mandaragit. 

Ano ang ginagawa namin? 

Sa kabila ng lahat nito, may marami ring hakbang sa pag-iwas na naiimplement sa mundo. Halimbawa, ang pagbabawal ng gamit ng single-use plastics sa mga lungsod. Sa pilipinas, ang paggamit ng kahon o ang BYOB sa grocery ay isang proyekto na isinasagawa upang mabawasan ang basura sa aming karagatan. Ngayon nauuso ang paggamit ng sustainable water bottles katulad ng hydro flask o klean kanteen, at ang paggamit ng metal straw o straw na gawa ng kahoy. Mayroong din maraming organisasyon na nakatuon sa paglinis ng mga dagat, katulad ng OCEAN CLEANUP o GREENPEACE. At ang mga gobyerno ay nagsisikap upang protektahan ang aming mga coral reefs, halimbawa sa Pilipinas ang Tubbataha reef sa Palawan ay ipinahayag bilang isang protected area noong 2010.  

Talasanggunian

https://www.nationalgeographic.com/environment/oceans/critical-issues-marine-pollution/

https://wwf.panda.org/our_work/oceans/problems/pollution/

https://www.nrdc.org/stories/ocean-pollution-dirty-facts

http://www.secore.org/site/corals/detail/coral-reefs-are-dying.23.html

https://www.bidnet.com/resources/business-insights/protecting-our-oceans-how-government-is-working-to-reduce-pollution-and-promote-sustainability-en.jsp

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started