Isinulat ni Katarina Marie Chua
Litrato 1. Isang mapa na nagpapakita ang mga bansa kung saan galing ang basura at ang mga bansa kung saan ititnatapon ang nasabing basura. (UN Environment Program, 2006)
Maraming iligal na basura na ang napapadpad sa Pilipinas na nagmula sa mga umunlad na bansa tulad ng Canada, Australia, Hong Kong, at South Korea. Maraming negatibong epekto ang pagtatapon ng basura sa Pilipinas galing sa ibang bansa sa ating kalusugan, kapaligiran, lipunan at ekonomiya. May dalawang uri ang basura na tinatapon nila, ito ay ang mapanganib at di-mapanganib na basura. Ang mapanganib na basura ay ang mga gamit na may negatibong epekto sa kasulugan tulad ng mga gamit na ginamit na ng iba. Isang halimbawa na ito ay ang mga bateria ng kotse na ginamit na ng iba. Ang di-mapanganib na basura ay walang negatibong epekto ang mga gamit sa ating kalusugan tulad ng pagkain at mga plastik. (World Customs Organization, 2019)
Ayon kay ISWA o ang International Solid Waste Commision pinipili ang mga bansa na itapon ang kanilang basura sa mga bansa na umuusbong pa lamang, dahil mura lang ang pagbabayad nito. Ngunit, marami ang negatibong epekto ito. Dahil sa kakulangan sa tamang pagtuturo sa paghihiwalay ng basura, ginagawa ang itong paghihiwalay ng mga tao na kulang sa kaalaman tungkol sa tamang paghihiwalay ng basura upang maaaring kumita ng pera. Dahil dito, may maraming negatibong epekto sa ating kapaligiran ang itong iligal na paghahagis ng basura. Dahil sa maling paghihiwalay ng basura pumupunta ang mga hazardous na basura sa ating mga karagatan at lupa at inilalagay ang kalusugan ng ating bansa sa kapanganiban. Bukod dito, inilalagay din ang kalusugan ng mga tao na naghihiwalay ang basura dahil wala silang kaalaman sa tamang kasuotan at gamit upang gawin ang paghihiwalay na maayos.
Ngunit may pagasa sa pagbabago, noong 35th ASEAN Summit sa Thailand may sinabi ni Presidente Rodrigo Duterte na ipinakita ng kanyang patutol sa pagtatapon ng basura ng ibang bansa sa Pilipinas. May isang grupo tawag EcoWaste Coalition na patuloy na hinihimok ang pangulo na pagtibayin ang Kasunduang Basel Ban. Ang Kasunduang Basel Ban ay para sa pagbabantay ng tamang paggalaw at pagtatapon ng basura ng isang bansa. Bukod dito, noong ika-19 ng Enero, ipinabalik sa South Korea ang hati ng 5,177 metric tons ng basura na pinatapon sa Pilipinas noong Hulyo 2018. Hindi tayo dapat umasa sa gobyerno dapat magsimula tayo sa ating mga bahay sa pamamagitan ng paghihiwalay ng ating basura ng maayos para sa isang malinis na bansa.
Talasanggunian
- Appelqvist, B., & Cooper, J. (2011). Waste Trafficking, Challenges And Actions To Be Taken . Nakuha mula sa https://www.iswa.org/index.php?eID=tx_iswaknowledgebase_download&documentUid=3316
- Chavez, C. (2020, January 11). Environmental groups hail return to South Korea of illegal waste shipments. Nakuha mula sa https://news.mb.com.ph/2020/01/11/environmental-groups-hail-return-to-south-korea-of-illegal-waste-shipments/
- EcoWaste Coalition. (2019, December 31). Group cites PRRD’s strong stance vs foreign waste importation. Nakuha mula sa https://pia.gov.ph/news/articles/1029773
- Relativo, J. (2019, June 3). Basurang Ipinuslit sa Mindanao mula Hong Kong Ibabalik Ngayong Araw. Nakuha mula sa https://www.google.com.ph/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/06/03/1923311/basurang-ipinuslit-sa-mindanao-mula-hong-kong-ibabalik-ngayong-araw/amp/
- United Nations Environment Program. (2006). Waste trafficking: GRID-Arendal. Nakuha mula sa, http://www.grida.no/resources/5526
- United Nations Environment Program. (2011). The Basel Convention. Nakuha mula sa http://www.basel.int/TheConvention/Overview/tabid/1271/Default.aspx
World Customs Organization. (2012). Illegal waste trafficking: more data is key to getting a better grip on this trade. Nakuha mula sa https://mag.wcoomd.org/magazine/wco-news-88/illegal-waste-trafficking-more-data-is-key-to-getting-a-better-grip-on-this-trade/