Isinulat ni: Chloe Bettina J. Vale
Ang epidemya ng HIV at AIDS sa Pilipinas ay isa sa mga sersyosong problema na nararanasan ng bansa. Ayon sa Human Rights Watch (2019), ang Pilipinas ay ang may pinakamabilis at mataas na paglaki ng mga kaso sa HIV at AIDS. Mula Enero, 1984, kung kailan natala ang unang kaso ng HIV sa Pilipinas hanggang Agusto 2019, 70,740 na ang kumpirmadong kaso ng HIV sa Pilipinas. Bawat araw, halos 36 na Pilipino rin ang nakukumpirmang may HIV (Department of Health Epidemiology Bureau, 2019).
Ano ang HIV at AIDS?
Ang HIV at AIDS ay delikado at nakakamatay. Ayon sa Healthline (2019), ang HIV ay magkaiba sa AIDS. Ang HIV ay ang “virus” o mikrobyo na sumisira sa immune system ng isang tao sa pamamamagitan na pagpatay nito sa mga “CD4 cells”. Dahil dito, nanghihina ang katawan. Ang HIV ay nakikita sa mga likido ng katawan tulad ng dugo at breastmilk at akukuha ng isang tao ang HIV sa pamamagitan ng ‘di protektadong pagtatalik, paggamit ng marumi at nahawaan na karayom, at kung ang buntis na babae ay may HIV, mahahawa rin ang kanyang sanggol. Ang mga sintomas ng HIV ay lagnat, matinding pagod, masakit na lalamunan, mga pantal, namamagang “lymph nodes”, sakit sa mga kalamnan at kasukasuan, mga ulser, pagpapawis sa gabi at pagtatae. Ang AIDS naman ay ang mismong sakit na sanhi ng hindi nagamot na HIV. Kapag nakuha na ito, ang sakit ay panghabang-buhay at hindi na ito magagamot.
Ang Sitwasyon sa Pilipinas
Buod ng mga Istatistika tungkol sa mga Kaso ng HIV/AIDS sa Pilipinas. Galing sa: https://www.doh.gov.ph/sites/default/files/statistics/EB_HARP_August_AIDSreg2019.pdf
Napakarami pa rin ng mga kaso ng HIV at AIDS sa Pilipinas ngayon. Base sa larawan, may pagbaba na sa mga kaso sa taong 2019 kaysa sa 2018 ngunit, patuloy pa rin ang mga kaso ng mga Pilipinong nakakakuha ng sakit. Sa panahon ng Agusto, 2019, 1,228 na bagong kaso ang naitala ng Department of Health at ito ay mas malaki nang pitompu’t na porsyento kaysa sa mga bilang ng kaso noong Agosto, 2018.
Karamihan ng mga nakakakuha ng HIV/AIDS ay mga lalaki kaysa sa mga babae. Noong 1984 hanggang Agusto 2019, siyam napu’t apat na porsyento (66,332) sa mga nakakuha ng sakit ay lalaki kaysa sa mga babae na anim na porsyento (4,397) lamang. Impormasyon ding galing sa Department of Health ay nagpapakita na higit sa kalahati (51%, 36,004) na nakakuha ng sakit ay 25-34 na taong gulang, habang dalawampu’t siyam na porsyento (20,244) ay 15-24 na taong gulang.
Sa mga tuntunin ng lugar, ang HIV at AIDS ay laganap sa National Capital Region. Dito ang pinakamaraming kumpirmadong kaso sa 27,249 na bilang (38%), pagkatapos ang Rehiyon 4A sa 10,649 (15%) na bilang , Rehiyon 3 sa 6,660 (9%) na bilang, Rehiyon 7 sa 6,246 na bilang at Rehiyon 11 sa 3,966 (6%) na bilang. Ang natitirang dalawampu’t-isang posryento (14,832) ng mga kumpirmadong kaso ay galing sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas habang hindi naibunyag ng huling dalawang porsyento (1,138) ang paninirahan nila.
Ang kabuuan ng mga kamatayan ng Pilipino dahil sa HIV/AIDS noong Enero, 1984 hanggang Agosto, 2019 ay nasa 3,854 na bilang na. Sa Agosto lamang, pitompu’t na kamatayan ang naitala ng Department of Health. Animnapu’t pito (96%) ay mga lalaki habang tatlo (4%) ang mga babae. Sa panahong iyon, base naman sa gulang, isang kaso (1%) ay mas bata pa sa limampung taong gulang, labing-anim (23%) kaso ay nasa 15-24 na taong gulang, tatlompung kaso (43%) ay nasa 25-34 na taong gulang, labing-siyam na kaso (27%) ay nasa 35-49 na taong gulang at apat na kaso (6%) ay 50 na taong gulang at mas matanda.
Bakit laganap pa rin ang HIV sa Pilipinas?
Ayon kay Mary Joy Morin, Department of Health Techniical Officer, ang mga kaso ng HIV/AIDS sa Pilipinas ay hindi pa rin bumababa dahil sa kawalan ng kaalaman at edukasyon ng mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan tungkol sa HIV at AIDS at sa seksual na edukasyon sa pangkalahatan. Ibig sabihin, hindi alam ng karamihan ng mga Pilipino kung ano ang HIV at AIDS at kung paano ito naiiwasa at/o nagagamot. Dahil walang seksual na edukasyon sa maraming paaralan sa Pilipinas, hindi ito natuturo sa kabataan kaya pagdating sa paglaki, wala silang impormasyong tungkol sa sakit ng HIV at AIDS at sa mga katulad ng kaso. Mahalaga na maimulat ang mga Pilipino, lalo na kabataan tungkol sa sakit at pag-iwas upang mabawasan ang mga kaso ng HIV at AIDS sa Pilipinas.
Pag-Iwas at Paggamot
Talasanggunian
- Pietrangelo, A. (2019, March 29). HIV and AIDS: Causes, Symptoms, Treatments, and More. Retrieved January 23, 2020, from https://www.healthline.com/health/hiv-aids#hiv-and-aids
- World Report 2019: Rights Trends in Philippines. (2019, January 22). Retrieved January 23, 2020, from https://www.hrw.org/world-report/2019/country-chapters/philippines
- Department of Health- Epidemiology Bureau. (2016). The State of the Philippine HIV Epidemic 2016 Facing Challenges, Forging Solutions [PDF File]. Retrieved January 23, 2020, from https://www.doh.gov.ph/sites/default/files/publications/publication__nonSerials_State%20of%20HIV%20Epidemic%20in%20the%20Philippines.pdf
- Department of Health. (2016). PHILIPPINES ADDRESSES RISING TREND IN NEW HIV INFECTIONS. Retrieved January 23, 2020, from https://www.doh.gov.ph/node/10649
- Department of Health Epidemiology Bureau. (2019, August). HIV/AIDS Registry of the Philippines May 2019 [PDF File]. Retrieved January 23, 2020, from https://www.doh.gov.ph/sites/default/files/statistics/EB_HARP_August_AIDSreg2019.pdf
- Jaymalin, M. (2019, July 14). Philippines posts 100 new HIV cases. Retrieved January 23, 2020, from https://www.philstar.com/nation/2019/07/15/1934739/philippines-posts-100-new-hiv-cases
- Montemayor, M. T. (2019, June 13). DOH sounds alarm over increasing HIV prevalence among young men. Retrieved January 23, 2020, from https://www.pna.gov.ph/articles/1072292