Ang Antas ng Kahirapan ng Pilipinas, Inaasahan na Bumaba sa 14% sa Taong 2022

Isinulat ni: Gretchen Marie C. Sarmiento


Ang Antas ng Kahirapan ng Pilipinas, Inaasahan na Bumaba sa 14% sa Taong 2022

Kasaysayan ng Kahirapan sa Pilipinas

Sa Pilipinas, nakitang nabubuhay sa ilalim ng ‘national poverty line’ ang 21.6% sa populasyon noong taong 2015. Sa unang semestre ng taong 2015, higit limang milyong pamilyang Pilipino ay nabubuhay sa ilalalim ng ‘poverty line’. Kahit tumaas ang ‘inflation rate’ ng 8.1% sa gitna ng 2015 at 2018, ang ‘average income rate’ sa Pilipinas ay tumaas sa 21.3% galing sa 15.3%. Sa paglipas ng maraming taon, nakita na ang antas ng kahirapan ay bumaba sa 21% sa mga huling buwan ng 2019. Ito’y mabuting balita para sa mga Pilipino dahil karamihan ay nabubuhay sa kahirapan ng marami nang taong.  

©Gretchen Sarmiento

Mga Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas

  ©philstar.com

Maraming problema ang sanhi ng kahirapan sa Pilipinas. Ang isang dahilan ay mababa hanggang katamtaman ang pag-uunlad sa ekonomiya sa nakalipas na 40 taon. Kinakailangan ang mas maraming trabaho na maayos ang pasahod. Ang isa pang sanhi ay ang pagkabigo upang lubos na mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Mayroon rin mataas na ‘inflation’ sa panahon ng krisis. Ang populasyon ng Pilipinas ay tumataas bawat taon at ito’y isa pang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas. Dahil ang Pilipinas ay matatagpuan sa “Ring of Fire”, ang bansa ay madaling kapitan ng mga natural na sakuna. Bawat bagyo, nasisira ang maraming bahay ng mga pamilyang Pilipino at dahil nabubuhay sila sa kahirapan, hindi na nila maiayos ang kanilang mga nasirang bahay.   

Mga Plano ng Gobyerno

Nakikita ang pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas gamit ng tulong galing sa gobyerno. Naghanda sila ng mga plano para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang isa sa mga plano ay ang AmBisyon 2040. Ito’y isang pangmatagalang pangitain para puksain ang kahirapan sa Pilipinas. Maaari din itong mapabuti ang mga buhay ng mga taong nabubuhay sa kahirapan. Ang isa pang plano ay ang Philippine Development Plan 2017-2022. Ang mga layunin sa planong ito ay katulad sa mga layunin ng AmBisyon 2040. Inaasahan ng gobyerno na bababa ang antas ng kahirapan sa 18.7% sa taong 2021.  

©The National Economic and Development Authority 

Kinabukasan ng Pilipinas

“Itinuturing namin na ang proyektong ito ay naaayon sa layunin ng Philippine Development Plan na nilikha noong 2017 kung saan ang aming mga tagapamahala ng ekonomiya ay na-target upang mabawasan ang saklaw ng kahirapan sa 14% pagkatapos ng termino ni Presidente Duterte sa 2022. Katumbas ito ng halos anim na milyong tao na aalisin mula sa kahirapan,” sabi ni Salvador Panelo, ang tagapagsalita ng pampanguluhan. Kung matatagumpayan ang mga plano ng gobyerno, ang Pilipinas ay magiging isang ‘upper middle-income’ na bansa sa taong 2022. Ang ‘unemployment rate’ ay bababa mula 5.5% hanggang sa 3.5% sa taong 2022. Magkakaroon rin ng mas mahigpit na tiwala sa gobyerno at sa lipunan. At sa huli, ang bawat Pilipino ay magiging mas malakas at magkakaroon ng inisyatibo para sa pagbabago ng Pilipinas.   

Pagsulat ng mga Talasanggunian

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started