Isinulat ni: Isabella Marie B. Alvarez
Ayon sa CNN, Nagsimula ang sunog noong Hulyo 2019 at ito’y patuloy pa ring nangyayari hanggang ngayon. Bawat taon nararanasan ng Australia ang ‘fire season’ o panahon kung saan maraming mga bushfire ang nagaganap dahil sa init. Ngunit sa taong 2019, mas lumalala ang kalidad ng bushfire at epekto nito sa mga hayop, tao, bahay at kapaligiran. Ayon sa mga mananaliksik, ang panahon ng apoy ay hahaba pa at maaring lumala habang tumatagal ang oras. Makikita sa imahe na ang apoy ay madaling kumalat sa iba’t ibang puno at damo. Sa pagsuri na ginanap noong Disyembre, ang kalidad ng hangin ay pinarami ng 11 ng panganib na level.
Tuwing panahon ng taginit, nagkakaroon ng “fire season” ang bansang Australia dahil sa inet ng araw at hangin. At sa panahong ito, walang ulan ang nangyayari sa Australia. Dahil sa pagbago sa ating kalamidid (climate change), mas tumindi ang mga bushfire (pagsunog) na nangyayari. Dahil tumataas ang greenhouse gases sa atmosphere. Dalawang put apat ang mga tao na ang inaresto dahil sa pagsisimula sa ilang mga bushfire sa New South Wales. Ngunit sa taong ito, mas lumalala na ang kondisyon ng bushfire at hindi ito titigil kung walang gagawin ang mga tao.
Dahil kumalat ang mga pagsunog sa malalaking parte ng Australia, maraming naapekto sa nangyari. Ang territorio ng New South Wales at Victoria ay ang pinaka-apektado sa bushfire na nagaganap. Mga 10.7 milyon na hektarya ang record na nasira sa bushfire. Ito’y naging dahilan sa pagkamatay ng dalawangpu’t walong tao at pagkasira ng isang libo’t limang daan at walongpu’t walong bahay at anim na daan at limang pu ang nasira. Hating bilyon na mga hayop ang na apekto dahil dito ang ilang milyon ay namatay na. Dahil sa mga nangyayari sa paligid, ang populasyon ng sikat na hayop na Koala ay sumasama na. Ang populasyon ng mga Koala ay nanganganib na at kung magpatuloy ang pagkakasama ng bushfire malaki ang pagkakataon na magkalipol ito.
This is a before and after photo of how much damage the bushfire has caused to residentials areas among South Australia’s Cudlee Creek
Kahit saan ka man naninirahan hinihikayat pa rin ng Australia ang inyong mga tulong para makabangon uli sila sa kanilang dinaranas. Maraming iba’t bang paraang pwedeng gawin upang makatulong sa mga naapekto sa malaking kapahamakang ito. Una, nangangailangan ang WWF o WorldWide Fund for Nature ng Australia ng mga donasyon para makatulong sa mga hayop na naapekto sa bushfire. Pangalawa, pwede kayong tumulong na humingi o mangolekta ng iba’t ibang kagamitang magagamit ng mga biktima dahil ilan sa kanila ang nawalan ng hanip buhay, bahay at iba pa. At ang pinakaimportante ay ang pagpost sa instagram tungkol sa nangyayari sa Australia o pagbali balita sa mga iba’t ibang tao kung ano ang nangyayari sa mundo ngayon.
References:
- Australia fires: A visual guide to the bushfire crisis. (2020, January 13). Retrieved from https://www.bbc.com/news/world-australia-50951043
- Australia wildfire damages and losses to exceed $100 billion, AccuWeather estimates. (n.d.). Retrieved from https://www.accuweather.com/en/business/australia-wildfire-damages-and-losses-figure-to-reach-5-billion-to-6-billiob-accuweather-estimates/657235
- Bushfire emergency – WWF-Australia. (n.d.). Retrieved from https://www.wwf.org.au/get-involved/bushfire-emergency#gs.tu0cdr
- Yeung, J. (2020, January 14). What you need to know about Australia’s deadly wildfires. Retrieved from https://edition.cnn.com/2020/01/01/australia/australia-fires-explainer-intl-hnk-scli/index.html
- Zhou, N. (2020, January 16). Australian bushfires from the air: before and after images show scale of devastation. Retrieved from https://www.theguardian.com/australia-news/2020/jan/17/before-and-after-images-show-scale-of-bushfire-devastation